Chapter 12

17.5K 398 18
                                        

Sa paglipas ng oras ay napapalapit ang loob niya sa mga taong nakikita niya araw-araw, naging malapit siya kay lalo na kay Lucian. Nagkamali siya ng pagkakakilala sa mga ito and she's kind of sorry for that.

Kung gaano siya natutuwa sa mga nangayayari ay gano'n din ang pag-usbong ng katanungan sa kaniyang isip. Mga katanungang ayaw niyang malaman ang kasagutan dahil alam niya kung ano ang magiging epekto nito sa kaniya.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa likod ng mansiyon, nasa may hardin kung saan may mahabang upuan na gawa sa matibay na kahoy at iba't-ibang magagandang bulaklak.

Mag-isa siyang nakaupo ro'n habang pinagmamasdan ang mga bituin.

Ang liwanag ng bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran kaya mas gumanda ang tanawing nakikita niya.

Kakauwi lang nila galing sa trabaho at hindi siya kanina dinalaw ng antok kaya naisipan niyang magpahangin muna.

Kahit may matayog na pader na nagsisilbing proteksyon ng buong mansiyon ay langhap niya ang preskong hangin at ang lamig sa kapaligiran.

Nakaka-relax.

Habang nakatitig sa madilim na kalangitan ay biglang pumasok sa isip niya ang isang boses ng babae.

"Alam mo bang puwedeng matupad ang hiling mo?" nakangiting sambit ng isang matandang babae habang nakatingala sa kalangitang puno ng bituin.

"Talaga po?" masayang tanong ng batang babae. "Pero ang sabi po nila dapat sa shooting star."

"Oo, 'yon ang sabi ng nanay ko. Ang tanging gagawin mo langay maghanap ng maliwanag na butuin at pumikit. I-bulong ang kahilingan sa sarili pero dapat iyon din ang nasa puso mo para matupad 'yon."

"Can I make a wish po?"

"Oo naman,"

Mabilis na naghanap ng bituin ang batang babae, pinagdampi ang magkabilang palad nito, tumingala at bumulong sa hangin.

"Sana po balikan ako ng mga magulang ko." the little girl hopefully whispered.

A tears escaped from her eyes, nanlalabo na pala ang mga mata niya dahil sa luha.

Simula no'ng bata siya at nasa bahay ampunan ay lagi niyang hinihiling tuwing gabi bago siya matulog na sana, sana maisipan ng mga magulang niyang puntahan siya o bisitahin man lang.

But none of her wishes came true.

Her heart was in pain, sa mga nagdaang taon. And she's hurting, hanggang ngayon.

Ang dami niyang gustong itanong sa mga magulang niya, ang dami niyang gustong i-sumbat.

Bakit nila ako iniwan?

Bakit ako hinayaang mamuhay mag-isa?

Bakit hindi man lang ako binalikan ng mga magulang ko?

But instead of questioning whys, pinasok nalang niya sa kaniyang utak na baka namatay ang mga ito. Sa paraang 'yon ay nababawasan ang sakit at mas natatanggap niya ang dahilan kaya hindi na bumalik ang mga ito.

"Why are you still awake? Gabing-gabi na, ah." taranta niyang pinunasan ang kaniyang pisngi at suminghot, siniguradong hindi mahahalata ang pag-iyak.

Lumingon siya at nakita si Lucian na nakatayo malapit sa sliding door, may dalang isang baso ng gatas, he was smiling at her kaya nginitian niya ito pabalik.

Tinapik ang bakanteng espasyo sa kinauupuang bench sensyales na samahan siya nito, sumunod naman ito at umupo sa tabi niya.

"Drink this," sabay lahad ng baso ng gatas.

Tied And Controlled (Under Editing)Where stories live. Discover now