Chapter 25.-Fiesta.

Start from the beginning
                                    

"Tch," I crossed my arms before sitting. My brows stayed furrowed. Naramdaman ko ang pag-upo nilang dalawa sa tabi ko.

"Hey, what's wrong?" nakaiwas ang tingin ko sa kaniya. "Oh, I get it. You're being moody again because of those girls staring at me. They won't get me from you wife." hindi ako umimik. "I know you're scared but come on, here's my arm. You won't fall. Don't mind those girls, see? I'm married.. to you." naaninag ko ang pagtaas niya ng kaliwang kamay na nasusuutan ng singsing.

Hindi ko pa sana siya papansinin pero narinig ko na ang pag-andar ng sinasakyan namin. Ang kaninang kaba ko ay bumalik. Ang bilis na kaagad ng tibok ng puso ko at feeling ko, namumutla na ako.

"Shit," nag-umpisa nang umabante at umatras, mahina pa nu'ng una pero unti unting lumalakas. Gusto kong mataranta pero gusto ko rin namang panindigan ang pride ko! Wala ngang third party or ex ang asawa ko, marami namang malalagkit na mata ang tumitingin sa kaniya kahit saan!

"Hey, wife? Still okay there? Y-You look pale," sinamaan ko siya ng tingin, nagawa pang tawanan ako! "Here," he extended his arm to reach my shoulder and pulled me lightly closer to him. Nathan was in between us so he can't hug me but he still embraced me with his arm, making me feel that I am secured. Kahit na nasa simpleng sasakyan lang kami, todo ang pagpo-protektang nararamdaman ko galing sa kaniya. "You should have told me that you don't want to ride here earlier 'cause you're scared. My silly wife, shy on admitting something."

Hindi ko na siya inangalan dahil dinama ko na lang ang akbay niya. Hindi ko na dama ang bilis na tibok ng puso ko, hindi ko na dama ang panginginig ng dalawang tuhod ko at hindi ko na din dama ang inis na kanina ay pinagdadabugan ko.

Hanggang sa makababa kami ay kampante lang ako, ni hindi ko nga napansing tapos na pala ang oras namin. Mukhang na-enjoy naman ni Nathan ang sakay dahil ngiting-ngiti ang mukha niya, napatayo pa ang mga buhok niya sa harap dahil sa hangin.

Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng nadadaanan namin, nasa likod ko lang si Dwayne dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina, kahit naman wala dapat akong ikahiya ay nahihiya pa rin ako.

"Oh, hello fafa. 'Nu name mo po? Gwapo mo naman," dinig kong tanong ng kung sino sa likod.

"Oh, shit. H-Hey wife, wait for me!" hindi ako nakalingon dahil dali-dali na niya akong hinagkan sa beywang. "What's the next ride you want?"

Pinilit kong lumingon pero hindi niya ako hinayaan. "Anong meron at namumutla ka? Sino iyon?"

"There's these gays who came to me, I mean I'm not that type of a judgmental person but they look gross, I almost thought that they're this person they call kamatayan." napatitig ako sa mukha niya saglit. Isang Dwayne Lee Chen? Narinig kong nanlait ng kapwa?

Pigil-tawa akong lumingon at napansin ang grupo ng kabaklaan. Oh sheyt, Haylee don't judge!

"Ay may asawa na pala. Sayang, handa pa naman sana akong ibayad lahat ng ari-arian ko, matira niya lang." wika nu'ng pinakamapayat, watdapak!

"Lantod bhe, hanap ka na lang ng tambay diyan, 150 lang. Baka mamatay ka pa ng wala sa oras dahil sa nanlilisik na mata ng asawa niya, tsk!" usal naman nu'ng pinakamatino sa kanila, I guess.

"Mga mamshie, may anak na siya,'wag lumandi sa kasal na, kati niyo, literal, samantalang g na g naman kayo sa mga tambay. Aba,'wag na umasa sa gwapo at foreigner, sapat naman na sa inyo ang mga tambay diyan, pwe." saad nu'ng mataba.

Tumatawa na ako nang binalik ko kay Dwayne ang tingin. "Hahaha, so that's why namumutla ka dahil akala mo, kinukuha ka na ni kamatayan? Seriously? Nanlalait ka na ngayon?"

"I didn't judged them, I-I just uh! whatever." natuloy ako sa pagtawa na kahit tignan na kami lahat ng tao ay hindi ako natigil.

Sumubok pa kami ng iba't ibang rides hanggang dumilim. Nakakain na din kami ng street foods at nagsilitawan na ang mga makukulay na ilaw sa iba't ibang parte ng plaza. Huling rides ay ang ferris wheel, maliit lang iyon pero malinis.

"Three tickets for us." muntik pang umangal ang nag-abot ng bayad kesyo hindi daw kaya ang tatlo pero nalaman kaagad niyang bata ang isa.

Hawak namin sa magkabilang mga kamay si Nathan habang papasok. May upuan naman pero mas pinili kong tumayo kasama si Nathaniel.

"Tumayo ka kaya diyan Dwayne, tignan mo, oh. Kitang kita ang ganda ng maliit na syudad. You should see it." napuno ng kulay ang mata ko nang tumuntong kami sa taas. Maliit lang ang syudad na naaabot ng mata ko pero maganda.

"See what?"

"Makita ang maganda,"

"I am already watching a beautiful scene." 

"Nakaupo ka nga lang diyan, e. Paano mo nakikita?" takang nilingon ko siya at nakitang nakatayo na din pala pero hindi sa harap nakatingin kun'di.. sa akin. "H-Hoy?"

"You're more beautiful than any scenery I should see. You with a smile, with tears, with irritation and all of your moods are the types of the sceneries that I want and should see."

"Dwayne," lumapit siya nang dahan-dahan at itinungkod sa magkabila ko ang dalawa niyang mga kamay. Nasa tabi ko ang anak namin at busy sa panonood sa paligid, hindi inaalintana ang moment na nagaganap. "H-Hoy,"

"We are married for months now yet I haven't heard you called me besides my name, wife. Are you not willing to give me a call sign because I badly want to hear something from you, calling me the way you want." kinakabahan akong mabilis na umisip.

"K-Kailangan ba iyon?" ay tanga. Hindi siya umimik at hinihintay lang ang sasabihin ko. Ano ba dapat? Babe? Baby? Love? Asawa ko? "H-Hubby?" iyon naman ang karaniwang tawag ng mga babae sa asawa nila hindi ba?

Ako lang ba o talagang nakita ko siyang namula? "G-Great," saka ito umiwas ng tingin.

"B-Bakit ka umiiwas? Ayaw mo ba sa hubby? Love? Baby? Babe? Asawa ko? Mahal? Anong gusto mo? W-Wala naman kasi akong ideya sa ganiyan, e." I pouted.

"N-No, it's just—shit, Why am I feeling butterflies? Okay fine, I just don't know why but I think I blushed. Hearing you calling me like that—"

"Hubby?" muli siyang namula. "Uy, namumula siya, natatakot tuloy akong tawagin kang hubby dahil baka maging kamatis ka na." sa kabila ng kilig ay nagawa ko siyang asarin.

Nagsalubong ang mga kilay niya kaya natawa ako. "Jokijoki lang, ito naman.. I-I love you, hubby."

---
Astrid Manunulat

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now