Kabanata 12

5 1 0
                                    

Happy readings❤🦋

Kabanata 12: 7th rose

Gaano ka importante ang pagsasayaw? Sa isang normal na tao, ang pagsasayaw ay tinuturing na isang hobby o libangan lamang. Pero para kay Edelyn ang pagsasayaw ay ang kanyang buhay.

Dahil sa pagsasayaw napagtapos niya ang sarili sa pag-aaral at ito ang kinakabuhayan niya. Kaya nga palagi diyang pursigido na mas lalo pang gumaling sa pagsasayaw. Kaya nga niya inihiling iyon noon na sana ay magkaroon siya ng napakagaling na talento sa pagsasayaw katulad ng kanyang nasirang ina. Isang napaka galing na prima ballerina ang ina ng kabataan niya noon at hindi pa ito nabaliw pagkatapos itong iwan ng babaerong ama.

She gave up her career and life when he choose that bastard. Sabi pa nga nito noon ng bata siya sa tuwing hinahayaan nitong bugbugin at harap-harapang pagtaksilan ay napapangiti lamang ito ng mapait.

Mahal ko kasi siya at siya na kamang ang buhay ko...

Tanda niyang sabi ng martyr na ina na kailan man ay hinding hindi niya gagawin. Kaya nga sinumpa na niya sa sarili na kailan man hinding hindi niya gagawin ang pagkaka tanga ng kanyang ina. Pero kahit na inis siya sa pagka martyr ng ina sa walang kwenta niyang ama, the moment that he left them for some hoe siya na ang nag-alaga sa ina. Hindi kinaya ng kanyang ina ang pangyayari na nawalan ito ng bait.

Kaya tudo ang sikap niya sa pagsasayaw ang taging bagay na pakiramdam niya ay nagko-konekta sa kanya sa ina. Doble pa ang kayod niya upang maging number 1 dancer para sa pang gamot at stay niya sa mental hospital.

Exhausted after the tiring practice para sa nalalapit nilang Christmas dance concert ay napili  ni Edelyn na bisitahin ang kanyang ina sa mental. Kahit pagod man gusto niyang makita muli ang ina. Masyado na kasi siyang na busy sa pag-sasayaw na hindi na niya nabisita ang ina. Kaya kahit konti lamang ang pagkakataon ay binisita na niya ang ina.

***

"Miss nasaan na ngayon si Mrs. Malyn Torillo? Bibisitahin ko kang sana ang Mom ko...." saad niya sa front desk nurse na busy kaka cellphone. Nang umangat ang tingin niya ay napanganga ito at na star struck sa kanya. Sanay na ito sa reaksyon niya dahil narin sa kasikatan niya bilang number 1 ballet dancer.

"Oh! Em! G!!!" Tili nito na siyang ikinangiwi niya sa ingay nung nurse. " Edelyn Torillo the number 1 prima ballerina ng Pilipinas?!?!?!Fan niyo po ako!" Tili pa nito... she awkwardly smiled at her outburst.

" ahem! Thank you bigyan kita ng picture ko at autograph mamaya... mamaya na muna I'm visiting my Mom today saan ko siya makikita? Si Patient Mrs. Malyn Torrillo?" Turan niya sa nurse na na star struck talaga sa kanya. Mukhang die hard fun niya pa ata ito sa pagtitili niya ng makita ito. Kung hindi pa nga ito pinagalitan ng senior nurse niya ay di ito titigil sa pagtitili sa harapan niya.

Mabuti na lamang ay umayos na ito at iginaya siya kung nasaan ang ina niya.

" Naku pasensya po kanina Maam Edelyn fan niyo lang po talaga ako... Nandito po sa t.v. room ang Mom niyo pinapanuod ata yung mga videos ng mga performnace niyo po...." sabi ning nurse sabay turo sa kanya ng nurse at iginaya siya sa isang mukhang malapad na sala at natagpuan niya ang ina na nanunuod nga talaga ng mga nakaraang performance niya noong bata pa siya.

"Salamat nurse..." bilang pasasalamat ay binigyan niya yung nurse ng ilang piraso ng mga litrato niya at nilagyan ng autograph niya. Tuwang tuwa naman itong umalis dala ang mga  bigay niyang photo cards.

Naiwan siya mag isa sa harap ng pintuan hindi niya alam kung papasok ba siya o hindi. Sumilip muna siya at nakita niya ang ina na hindi nag-isang nanonood ng dance recitals niya. Tutok na tutok ito sa pina-ninood habang hawak hawak ang isang tangkay ng itim na rosas.

10 Roses of MonroeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora