Kabanata 3.2

1 2 0
                                    

🚨Warning! 🚨This chapter may contain themes that are not suitable for some readers with sensitive minds...

Happy reading 🎃

Kabanata 3: 3rd Rose part 2

Nag tagal pa ang pakikipag talo niya sa kausap niya sa cellphone. Sa huli ay kumalma na lamang siya at naisipang umuwi na lang sa kanila. Masyado siyang na stress sa mga pangyayari na kung ano ano na ang nakikita niya. She should rest well at kailangan niya pang pahilumin ang mga pasa at sugat niya sa ilalim ng makakapal niyang make up sa balat.

She was once one of the most beautiful and respected women in her school many years ago. Pero kapalit ng masagana at marangyang buhay pinagkalulo niya ang sarili sa isang mayaman at respetadong senador. At first akala niya magiging madali ang buhay niya sa asawa hangang sa lumabas ang tunay nitong kulay. His loving husband turned out to be a sadistic and abusive husband behind the closed doors of their home.

Kahit alam niyang toxic na ang relasyon nila ay pinili niya paring manatili. Dahil na rin siguro sa pagkasilaw sa maraming pera at ayaw niyang lumaki sa broken family gaya niya ang mga anak niya, ay tiniis niya ang pananakit ng asawa. Nangyayari naman ito kapag mag seselos ito sa mga lalaking umaaligid sa kanya o meroon siyang kasalanang nagawa.

Palagi naman itong nagbibigay ng limpak limpak na pera at mamahaling alahas pagkatapos siya nitong bugbugin at sapilitang angkinin. Sa tuwing titingin siya sa salamin malungkot niya lamang tinitingnan ang bawat pasa sa katawan. Iniisip na lang niya na isang masamang panaginip ang lahat at sweldo niya sa bawat pasang natatamo ang mga luhong bigay sa kanya ng asawa.

Pagdating sa bahay ay kaagad na naglinis ng katawan si Aliah at nag ayos ng mabuti upang maging presentable sa pagdating ng asawa. Sa kanyang paghihintay ay kabado ito at hinihiling na sana ay maganda ang mood nito at hindi lasing na uuwi sa bahay nila. Hindi pa kasi humihilom ang mga pasa niya ng nakaraang linggo pagkatapos umuwi ang asawa nito galing inuman.

"Hon, your back.." pagbati niya at hinalikan ang mga labi ng asawa.

Malamig lamang na tiningnan siya mg asawa nito at bumaling sa mga katulong nito. Nag simula na siyang kabahan sa pag uugali ng asawa. Kinakabahan sa kung ano mang dahilan ng pag uugali nito.

"Iwanan niyo na muna kaming mag asawa." Malamig nitong utos na kaagad ding sinunod ng kanialng mga kasambahay.

Nang silang dalawa na lamang ang na iwan ay...

*slap!*

Malakas siyang nasampal ng asawa nito upang bumagsak sa malamig nitong sahig. Gulat na gulat siya na tumitig sa asawa habang hawak na ang namamaga nitong kaliwang pisngi.

"Hon!bakit?" Takot na niyang tanong sa asawang nangagalaiti na sa galit habang meroong hawak hawak na isang brown envelope.

"Bakit?!?! Ito, kung bakit p*ta ka!" Galit nitong saad pagtapos ay malakas na hinampas sa kanya ang brown envelope na hawak nito kanina. Humihikbi at nanginginig na pinulot niya ang envelope at lakas loob na tiningnan ang laman nito.

*gasp!*

Tila tinakasan ng dugo si Aliah sa pamumutla ng makita ang mga litrato niya kasama ang isang lalaking kahalikan niya sa isang kwarto ng motel. Meroon ding litrato kung saan kasama niya ang lalaki na sumasayaw at nakikipag inoman sa bar. Pero ang mas ikinaputla niya ay ang litrato nito kasama ang isang lalaki habang nakikipag talik silang dalawa.

Iisa lang ang lalaki sa mga litrato at yun ay ang personal niyang alalay at driver.

"Hon magpapaliwanag ako, it was the drivers fault his blackmailing me na sisiraan niya ako sayo kapag hindi ko siya pinatulan! Believe me Michael hindi ko gagawin yun kung hindi niya ako pinilit!" Mahaba niyang paliwanag sa asawang namumula ma sa galit.

10 Roses of MonroeWhere stories live. Discover now