Kabanata 1

5 2 0
                                    

🚨Warning! 🚨This chapter may contain themes that are not suitable for some readers with sensitive minds...

Happy reading po 🎃

Kabanata 1: Ang unang Rosas

Lisa delRosa, mabuting ate sa kanyang kakambal, mapagmahal na tiyahin at ulirang chairwoman at guro ng Unibersidad na kanyang minana pa mula sa kanyang nga magulang na parehong mang gagawa rin ng edukasyon.

Sa edad na 36, halos na abot niya na ang bawat pangarap at ninais niya sa buhay. Pero kahit gaano pa ka dami ang kanyang mga parangal at tagumpay ay hindi parin iyon sapat sa kanya.

Tumanda na itong dalaga ngunit hindi parin dumadating ang tamang lalaki magpapatibok sa puso niya.

Nalipasan na nga ito ng kalendaryo pero hindi pa rin ito nagkakapamilya. Di tulad ng kanyang kakambal na kahit papano kahot maaga man ay nakapag asawa ito sa edad na labing siyam, at meroon nang 17 year old na dalaga.

Kahit anong nagawa niya sa unibersidad at sa kanyang buhay hindi niya pa rin maiwasang mainggit sa buhay ng kakambal.

*sigh*

Napapabuntong hininga na lamang si Lisa sa mga niisip. Pinagpatuloy na lamang niya ang mga papeles at lesson plan niya dahil malapit na ang deadline nito at ayaw na ayaw niyang naabutan na siya ng dilim sa kanyang opisina.

Sa dami ng kanyang gawain ay ginabi na siya ng matapos ang lahat ng kanyang gawain. Dahil wala namang mag susundo sa kanya kaya okay lang na gabihin siya sa trabaho.

Papalabas na sana siya ng meroon siyang napansin na isang tangkay ng kulay itim na rosas. Nakalapag lamang ito sa kanyang pintuan. Nang tingnan niya naman ang paligid wala namang tao siyang nakita sa napakamalapad niyang hallway.

Naguguluhan man at nagtataka sa kung sino man ang nag iwan sa mysteryosong bulaklak ay binaliwala niya na lamang ito.

Pinag patuloy niya ang pagtahak ng mag isa sa malapad na hallway. Sa kanyang paglakad ay meroong unregistered number ang tumawag sa kanyang cellphone.

Sa kanyang pag aakala na isa lamang ito sa mga guro niyang tumatawag ay kaagad niya itong sinagot.

"Hello, good evening who is this?" Pag sagot niya sa tawag  ngunit sa kanyang pagka dismaya ay tanging nakakakilabot lamang na paghinga ng isang tao ang kanyang naririnig.

"Whoever you are your prank is not funny!" Galit niyang lintanya sa kunf sino mang nasa kabila ng tawag.

Sa kanyang pagkainis ay minadali niyang tinahak ang daan papunta ng parking lot.

Pero ilang sandali pagkatapos niyang ibaba ang tawag bigla bigla na lamang namatay ang lahat ng ilaw sa building.

Nagsitaasan ang kanyang mga balahibo, at biglang nanlamig. Bawat hakbang niya ay meroong siyang naririnig na tila mahina at garagal na pag iyak ng isang babae.

"t...ttuu.. tulong....." sabi pa nang tinig na kanina niya pa naririnig sa hallway ng building.

"....tu...t...tulungan... mo.... ako...."

Patuloy na sabi ng isang napapamilyar na tinig.....

"t..t...TULONG!!!!!"

Ngayon ay napaka linaw na nito at tila galit na galit ang ang tinig ng babae.

Sa takot niya ay tinakbo nito ang malapad at mahabang hallway. Takot si Lisa sa kung sino o ano mang tinig na patuloy pa rin  sa pag hingi ng tulong sa kanya. Tila ba nakasunod ito sa kung saan sa mapunta.

Dahil sa pagkakataranta niya ay hindi niya napansin ang isang hakbang ng hagdan.

Hindi niya inaasahan na meroon palang hagdanan pababa sa ka isang kantong kanyang nilikuan.

"Ahhhhhh!" Ang tanging nag sigaw niya habang nagpagulong gulong ito sa hagdan hangang malakas na nabangga  ito sa pader at malakas na nauntog ang kanyang ulo sa sahig.

Napaka sakit ng bawat parte ng kanyang katawan at ramdam nito ang kirot habang patuloy na dumadaloy ang ang malapot at mainit niyang dugo mula sa malaking sugat niya sa batok sanhi nang pagkakauntog sa sahig.

Gustong gusto ni Lisa na bumangon at tumakbo mula sa tinig na kanina pa humihingi ng tulong sa kanya.

Pero hindi niya magalawang buong katawan, tanging pag iyak na lamang at desperado niyang paghimgi ng tulong ang tangi niyang magagawa.

Habang unti unti na siyang nawawalan ng malay. Mula sa itaas ng hagdan meroon siyang nakitang bulto ng isang dalagang nakapak at nakasuot ng tila sira sirang bistida.

Sa pag aakalang tulong ang tumating ay, kaagad niya itong tinawag at hiningan ng tulong.

"T..t..tulong..m.."ngunit hindi niya na natapos ang sasabihin ng makilala niya ang dalaga....

"M..mm...Monroe!" Gulat at takot niyang bigkas sa ngalan ng mysteryosang dalaga.

Malamig siya nitong tinignan at habang papalapit ito ay paunti-unting lumilinaw ang sinasabing dalaga...

Gutay gutay at madumi ang kulay kremang damit nito, balot rin ng dugo ang nawat parte ng katawan nito at kita niya ang nakatahing malaking hiwa sa kanyang leeg at mga pulso.

Hawak hawak ng dalaga ang itim na rosas na itinapon noya kanina habang tumatakbo ito sa takot.

"Walang kasalan na walang katumbas na parusa.."

Malamig nitong saad sa nag aagaw buhay na si Lisa at inilapag ang itim na rosas sa nagkalat niyang dugo.

Then Lisa remembered Monroe died 17 years, and she was one of them who killed her.

FLASHBACK

OCTOBER 13, 2000

Nanginginig sa takot si Lisa nang matapos nilang magbabarkada ang ritwal.

In the first place she never agreed in this bullshit.

Pero desperado na siya at mangyayari lamang ang kanyang hiling kapag ginawa nila ng maayos ang ritwal.

Pasensyahan na lang at desperadong desperado na siya at gusto niyang masigurado na sa kanilang pamilya maipapamana ang paraalang pinaghirapan ng Dad niya.

"T..t..tulong...." rinig niyang sabi ni Monroe.

Namamanhid siya at blankong tinitigan ang sitwasyon nito na patuloy na naliligo sa sarili nitong dugo.

With stone cold expression she turned her back and went home pretending na walang nangyari.

The nxt morning

Their wishes came true

Sa kanila ipinamana ang unibersidad at kayaman

10 Roses of MonroeWhere stories live. Discover now