Kabanata 6

1 2 0
                                    

🚨WARNING!!!🚨

This Chapter contains themes that are not be suitable for very young audiences. Read at your own risk.

**

Kabanata 6: a r*pist karma

Alas tres na ng hapon at saktong dumating sa oras si Maui kung saan sila magkakatagpo ng panibago na namang bibiktimahin niya. Hindi na niya papalampasin pa ang pagkakataong itong ganti na rin niya ito sa tiyahin nitong pakipot pa at hindi man lang niya natikaman bago namatay.

Inilibot niya ang sarili sa lumang gusali ng paaralan. Puno na ng alikabok at mga lumang kagamitan ang pasilyo. Hindi niya natatandaan kung bakit ito pinasara ng may ari. Pero sa kanyang pagkaka alala ay meroong insidente noon na nangyari dito noong dito pa nag-aaral ang kuya Morrison nito.

Dahil sa abroad siya nag aral ay wala talaga siyang kaalam-alam sa malagim na aksidente noon. Ipinagbawal na kasi itong bangitin ng kahit na sino na taga Delgado at kahit ang sarili niyang kapatid ay ayaw mag salita tungkol sa insidente.

"Leslie? Asan ka na?" Tawag niya sa tahimik na pasilyo, ngunit wala ni isa ang sumagot sa kaniya at umugong lang ang sariling boses sa lugar.

Hanggang sa nakarinig siya ng marahas na pagkabukas ng pintuan sa dulo ng hallway. Napangisi siya.

Mukhang nakikipaglaro pa sa kanya ang dalaga ng tago-taguan na dahilan naman para ma-excite siya.

"Leslie? Leslie~ Nasaan ka na? Pag nakita kita, sigurading paliligayahin kita hanggang sa pareho nating maabot ang langit," nakangisi niya pang saad.

Hindi alintana ang pananahimikit ng paligid, napansin si Maui ang mga petals ng itim na rosas sa sahig habang patuloy pa rin ang buhos ng ulan, sinabayan pa ng kulog at kidlat.

Tinahak na niya ang daan papalapit sa isang lumang silid aralan na nasa dulo ng pasilyo. Tama nga ang hinala niyang doon nanggaling ang kalabog ng pinto. Naisipan niyang makipaglaro kay Leslie at nagkunwaring siya ang taya.

Dahan-dahan siyang pumasok sa nakabukas na pintuan, balak na gulatin ang dalagang natutunugan niyang nagtatago sa likod nito.

Bigla niyang binuksan ang pintuan at sumigaw, "Bulaga!"

Pero laking dismaya niya na hindi si Leslie ang nadatnan kundi ay isang dalagang naka suot ng school uniform na basang basa at madumi. Malamang nabasa ito ng ulan nang pumunta siya dito.

"Miss bakit ka nandito?" Nagtataka niya pang tanong sa dalagang nakatalikod sa kanya at sa tingin niya ay umiiyak pa.

At hindi nga nagkakamali si Maui dahil narinig nito ang hikbi ng dalaga na parang natatakot pa.

"P-pasensya na po, sir. D-dito na lang po muna ako k-kasi baka pagtripan na naman po ako ng mga classmate ko..." pagsusumbong ng mistryosang dalaga sa kaniya.

Well. Makakapaghintay si Leslie. Ito munang estudyanye na ito ang kanyang pagsasamantalahan. Mukhang wala naman itong kaibigan na mag-aalala sa kanya kaya pwedeng-pwede na 'to.

Ang gandan pa naman ng hulmahan ng katawan nito kahit nakatalikod. Dumagdag pa sa kasexyhan ng dalaga ang basa nitong uniform na hapit na hapit sa kaniyang nakalalaway na katawan.

Lalapitan na niya sana ang dalaga ngunit pinigilan siya nito.

"H-Huwag po sir, h-hindi po mayos ang aking sarili kaya h-huwag na sana ninyo akong pakatitigan...."lintanya nito.

How weird para sa isang freshmen na estudyante hindi niya pa ito nabobosesan at hindi niya kilala. Hindi rin naman ito mukang senior high na tinuturuan niya.

10 Roses of MonroeWhere stories live. Discover now