Kanino Isusuko ang Bataan?

35 1 0
                                    

WARNING: Some words may not suitable for readers under the age of 16

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WARNING: Some words may not suitable for readers under the age of 16.

Read at your own risk.

Kanino Isusuko ang Bataan?

Written by: klarenciummm

"ILANG santo pa ba ang tatawagin mo nang maibsan 'yang tigang mong lupain? Hindi ka naman si Virgin Mary pero shuta, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring gardener na bumabarurot diyan sa nanunuyo mong hardin? Nakakaawa ka naman, Rose. Awang- awa na ako sa buhay mo! You're already turning 24 next month, o? Ano na? Hindi ka si Juan Tamad para maghintay ng malaking bayabas na wawasak diyan sa imaginary mong kipay!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto kasabay ng palangganang gumewang-gewang sa hangin diretso sa aking ulo. Aray! Agad kong inapuhap ang sumasakit kong ulo. Panigurado ay namamaga ito.

"My gosh, Mommy! What's wrong with you?!" inis kong dabog sabay tingin nang masama sa babaeng nakapamewang sa tabi ng pinto. Dinuro niya ako sabay kuha ng kaldero. Ha? May kaldero pa? Nasapo ko na lamang ang aking ulo.

"Ikaw na siraulong bata ka, huwag mong masasagad ang pasensiya ko! Maligo ka na riyan at nang makapaglako ka na ng turon! Huwag mong hahayaang mainis ako. Malilintikan ka talaga sa akin, 'ta mo!" inis niyang bulyaw. Napakurap-kurap na lamang ako.

"Mommy, hindi ka pa naiinis sa lagay na 'yarn? Omg ka ha!" sagot ko. Kinuha ko na lamang ang aking liptint saka muling humarap sa salamin – kung saan din ako nakikipag-usap sa sarili ko. Baliw na nga siguro ako para kausapin ang sariling repleksiyon. But who cares?

Nasulyapan ko ang pagkunot ng dati nang kulubot na noo ni Mommy. Umalis siya kaya agad akong napanatag. Ngunit bigla akong nataranta nang bumalik siyang may buhat-buhat na washing machine. Agad akong naalarma. Napatayo ako saka humarap sa kaniya.

"Stop!" Ihinarang ko pa ang kamay ko sa harap. "Don't you dare throw that to me, Coraline!"

Mas lalong lumaki ang mata ni Mommy saka ibinagsak ang hawak-hawak. Dinuro niya ako at tumingin sa akin na para bang mapapatay niya ang sarili niyang anak. Nanay ko ba talaga ito?

"Ikaw na puki ng inang bata ka, kung ano-ano na lamang ang lumalabas na salita riyan sa bibig mo! Isa pa talaga at maihahambalos ko na ito sa 'yo. May pa-mommy-mommy ka pang nalalaman. E kung palayasin kita?" Hindi pa rin maalis ang kunot sa kaniyang noo. Napahinga ako nang malalim.

"Mommy . . ." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang buhatin niya ang washing machine at akmang ibabato sa akin. "Ito namang si Nanay, 'di mabiro. Relax lang kasi. You're always ruining the atmosphere here. Minsan you must shut up, okay?" mahinahon kong pagsasalita.

"Kung shat-shatin ko 'yang bunganga mong damuho ka?" sagot niya sabay duro. Napaatras ako.

"Ang sungit naman ng nanay kong pagkaganda-ganda." Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap. "'Nay, alam mo bang sa tuwing tinitingnan kita ay feeling ko, nakatingin ako sa salamin? Ang ganda natin! Masyado tayong maganda kaya don't be so stressed, okay?" Bahagyang lumamlam ang mata niya. Napangiti ako. Kaunting lambing at plastic-an lang talaga ang katapat nitong nanay kong amazona.

Seasons of Love: Twelve Days of ChristmasWhere stories live. Discover now