31

803 61 549
                                    


To TrishaTaduran, this is for u. I don't know if this part will make u feel better but I hope so. And hey, cheer up girl. We're in the same situation and I know exactly how u feel. You can't really force your mind to not feel anxious. But I'm glad u found somethin' to convert your thoughts. Again, cheer up and stay strong!

💜

31

Bianca's pov:

"Two. What the hell Bianca just leave!" Sigaw ni Markus na may kasamang iyak.

Napa igting ako dahil sa sigaw niya. I sigh in defeat. He looked away as I'm slowly getting up tryin' to get some strength upon seeing him heavily breathing while crying.

Then he suddenly glared at me. It's my cue to run for life. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagsara ng pinto pagkalabas. Hindi ako lumayo kaagad sa condo, bagkos ay sumandal ako sa labas nito.

Kasabay ng pagdikit ng likod ko sa pader ay ang pagsigaw ni Markus ng huling bilang niya at pagkabasag ng bote na sa pakiwari ko'y kanyang ibinato.

"Waaah!" Sigaw niya ulit. Rinig sa kinatatayuan ko ang iyak at pag hikbi niya.

Mas lalo akong napa-iyak at nanghihina. Dahan-dahan akong napapaluhod dahil sa unti-unting pagkawala ng lakas sa aking tuhod.

Ilang minuto sa aking pag iyak ay nahimasmasan ako. Pinunasan ko ang aking mata at buong puwersa na tumayo. Rinig ko parin ang paghikbi na nagmumula sa loob pero tiniis kong huwag magpaapekto. Tumakbo ako tungo sa kung saan ko iniwan ang sasakyan.

Markus sana mapatawad mo ako. Hindi ko man gustong saktan ka pero mas masasaktan ka pa yata kung magpapatuloy pa tayo. You deserve to be treated the way you perfectly treat me. I don't deserve a guy like you. I don't deserve you, Markus. I don't.

Patungo ako sa condo ni Yumi. It's still 6 pm and I'm sure she's there. I badly need her right now.

-

Bumungad sa akin si Yumi na medyo pawis at magulo ang buhok. Gayon-paman ay niyakap ko siya nang walang pag alinlangan. Ramdam ko ang pagyakap niya pabalik nang marinig akong humagulgol.

"Muy" tawag ng isang papalapit na boses babae.

Sandali lang, anong tawag niya kay Yumi? Muy?! Ano yun, call sign? Magulo ang buhok ng babae na medyo pawis din. Ano ba ginawa nila sa loob? Sana naman mali ang nasa isip ko. Dahil di ko na alam kung kakayanin ko pa ang masaktan muli sa pagkakataong ito.

"Ah Max, si Bianca. Bianca, si Maxine" pagpapa kilala ni meng sa amin.

"Hi! You can call me Max, Yumi's girlfriend" mapag-asar itong ngumiti sa akin. Oo na, ikaw na nanalo. Tsk. Saan ba pilahan ng mga nagpapasaksak dito?

Nabigla ako sa biglaang pitik ng kamay ni Yumi sa tiyan ni Max. Ouch sakit nun ah. Pero mas nasasaktan itong damdamin ko. Na double kill ba naman kase.




Yumi's pov:

I'm alone at my condo, waiting for someone to arrive. She's on her way na daw kaya I decided to cook dinner nalang muna.

Someone knocked on the door in the middle of stirring the sinigang. I lower the fire and leave it.

Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Maxine. Yumakap at nag beso kami sa isa't isa. Sobrang miss ko ang babaing ito.

Si Max ang kababata ko mula Davao. Siya palagi ang nakakasama ko doon sa tuwing magbabakasyon kami. Bunsong kapatid siya ni ate Sheryl, ang asawa ni kuya. Katulad ni Reyn, halos lahat sa buhay ko ay alam na ni Max. Ibinabahagi ko sakanya lahat ng sa akin. Pati yung tungkol sa amin ni Bianca ay alam niya din. Minsan, kapag nasa matinong pag-iisip to ay binibigyan nya ako ng mga advice at paraan kung paano daw mapapasaakin ang taong mahal ko. Kapani-paniwala sana yung mga sinasabi niya sa akin kaso sakanya mismo di umi-epekto.

Sinundan nya ako sa kusina. Malaya nitong binuksan ang refrigerator saka kumuha ng strawberry. Oh myghad noooo! MY STRAWBERRY!

"Maxineeeee" tili ko. Tumawa lang ang loko. Paborito ko yun eh, at alam niya pero kinuha niya parin.

"Eiih Max naman"

"Oops. Sarry"

Inihain ko na ang nilutong sinigang saka siya tinignan nang magka-salubong ang kilay. Ngumisi ito sa harap ko at proud na ipinakita kung paano niya kinagat nang paunti-unti ang strawberry. Tumakbo si Max papuntang sala, ako naman itong ayaw patalo kaya hinabol ko siya.

Sa kalagitnaan ng aming harutan.. Ay este bardagulan, may kumatok sa pinto na nagpatigil sa amin. Sino naman kaya yan? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon bukod sa isang ito.

Binuksan ko ang pinto. Naiwan sa ere ang mga kamay ko nang makita ko si Bianca na parang lantang gulay. Basa at lugmok ang mata, magulo ang buhok, at gusot ang damit.

"B-bianca"

Niyakap niya lang ako nang napakahigpit saka humagulgol. Nanunubig narin ang mga mata ko. Naiiyak akong makita siya na ganito. I hugged her back with all force of comfort. Walang pwedeng manakit rito na hindi mananagot.

We broke the hugged and I look at her straight in the eyes as if asking her to tell me everything that happened.

"Muy" tawag sa'kin ni Max. Napalingon kami ni Bianca sakanya. Shuta ang gulo ng buhok niya. Na-realize ko na magulo din pala buhok ko. Well, green minded naman siguro tong isa.

"Ah Max, si Bianca. Bianca, si Maxine" ewan kung ako lang nakaramdam ng awkwardness sa atmosphere.

"Hi! You can call Max, Yumi's girlfriend"

Hindi ko alam kung paano pero bigla nalang pumitik ang kaliwang kamay ko sa tiyan ni Maxine nang marinig ko iyon. Bwesit yan umandar na naman kalokohan niya.

"Halika B, pasok ka muna. Wag mo na pansinin yan"

"Ah, h-hindi na meng. N-next time nalang. Baka maka disturbo pa ako sa inyo. S-sige alis na ako. Salamat"

Pinigilan kong umalis si Bianca sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. Doon ko napansin ang pasa niya. Tangina sinong may gawa nito? Biglang nag-init ang dugo ko sa aking nakita. Wala na akong ibang maisip kung sinong maaring gumawa nito kundi si Markus. Siya lang naman ang palaging kasama ni Bianca.

"Meng"

"Bianca anong ginawa niya sa'yo?" Ma-awtoridad kong tanong.

Lumingo-lingo ito, "w-wala"

"Bianca wag mong pagtakpan ang lalaking yun. Anong ginawa niya sayo?"

"Wala nga meng. Sige na, alis na ako"

"No! You're not leaving, not like this!"

Hinila ko si B sa loob. I'm sure hindi padin to nakakain ng hapunan. Dito ko narin sya patutulugin. Uuwi naman si Max ngayon sa hotel na nibook niya for her stay dito sa Maynila kaya magiging komportable nadin itong si Bianca maya-maya.

Beyond LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon