29

684 51 26
                                    

Bianca's pov:

Its been a month and a week simula nung umalis sina Yumi at Sabrina dito sa Pilipinas. We have contact parin naman. Mas lalong naging strong ang friendship namin ni meng after everything that happened. We did not start a new one, instead we continue what we already have, the friendship that we started.

Mas pinili namin na magpatuloy kahit na magpapatuloy rin ang sakit na dulot nitong nakaraan, kesa naman bumalik kami sa umpisa na posibleng maging dahilan na naman ng panibagong-simula sa patago naming nararamdaman. Baka sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na mapigilan ang sarili na lagpasan ang limitasyon na meron kami sa isa't isa.

Aaminin ko na walang pinagbago sa nararamdaman ko para kay Yumi at nasasaktan ako sa tuwing may nakakasama syang iba. Pero wala akong magawa. Guilty ako. Wala akong sapat na dahilan para magselos. Wala akong karapatan sakanya. Magiging unfair din kung pipigilan ko syang gawin ang mga gusto niyang gawin samantalang ako, heto sinusuportahan nya kahit sya na mismo ang nasasaktan.

Anyway, tama muna sa drama dahil mahigit-kumulang kalahating oras nalang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. Excited na akong salubungin sila. Kasama ko sina Reyn, Ash, Benis, at family nila Yumi.

Binuhat ko si Caleb dahil sigurado akong ito ang una nyang lalapitan at yayakapin pag dumating sila.

Few minutes later...

"Babyyy!" Sigaw ni Yumi habang lakad-takbo na palapit sa amin.

See. Di ako nagkamali

Laki ng ngiti niya. I missed her especially that genuine smile.

Sinalubong namin sila habang nasa bisig ko parin si Caleb.

"That's mimi?"

"Mhmm"

Nalito ata ang bata kung sino sa kanila ang mimi niya. Magkaparehas ba naman kase ng suot, naka fitted jeans, feathered coat and boots. White boots and coat kay Yumi, black naman kay Sabrina. Twin things.

"Baby" sabi ulit ni Yumi habang yakap ang bata na buhat ko pa.

Pero sa akin sya nakatingin. Teka lang, sandali, wait! ako ba tinawag nyang baby?! Hindi naman sa assuming ako pero...

"Para-paraan~ anjan ka na naman. Yang mga tinginan mo na yan alam ko yan" biglang kanta ni Ash.

Sabay kaming napalingon ni Yumi sa kanya. Nagpipigil ng tawa si Benis at Reyn. Alam na nilang tatlo ang lahat tungkol sa akin. This past few days lang ay nasabi ko na sakanila lahat nung time na binisita nila ako sa condo. Ang sarap sa pakiramdam na may nasasabihan ka sa lahat pero minsan nakaka-pangsisi din lalo na sa ugali ng tatlong ito na ubod ng panunukso. Pero mahal ko mga yan.

Yumi's pov:

Nasa iisang kwarto kami ngayon ni mom. Nakitambay muna kami sa kwarto ni mommy para magkwentuhan. Si kuya Josh andun sa kuwarto nila ni Caleb, pinapanindigan ang pagiging ama nya. Nasa davao kasi si ate Sheryl na ina ni Caleb.

Sab and I decided to be on one room since ganun din ang ginagawa namin doon sa Mexico para mas makilala pa namin ang isa't isa.

Bianca and the others go home na dahil gabi narin. Gusto ko sana syang alokin na dumito muna pero naalala ko na nasa iisang condo na pala sila ni Markus ngayon, kaya wag nalang. Panigurado din naman na aayaw yun pag tinanong ko.

"Ma I saw him. N-nakasama ko pa" I said referring to my dad. Nautal pa ako kase di ko alam kung magugustuhan ba ni mommy na marinig yun mula sakin.

"I'm glad you did anak. How does it feel then?"

"Sobrang saya ko lang mi. Finally nakita ko na rin ang papa ko kahit di ko na nakasama nang matagal"

"Why don't you just live there with me?"

"Sab we can't - Pero ma, bakit parang iba naman yata yung papa na nakilala ko, sa papa na sinabi mo samin last time? I don't think he's that kind of person that'll hurt his children"

"Sí. Papa is a good father" pagsang-ayon ni Sab.

"Yumi, anak baka naman kasi nagbago na. And of course he is a good father"

"But you said he hurt you and kuya?!" ang cute ni Sabrina magtagalog, madami narin syang alam na Tagalog words.

"Hindi naman kase nya anak ang kuya Josh ninyo"

And by that kumalas ako sa pagyakap sakanya. Kahit si Sabrina ay ganun din ang ginawa.

Ibig sabihin hindi kami parehas ng ama ni kuya? Ganun ba yon?

"I know what you are thinking mga anak. Since andito narin naman na kayong dal'wa, let me tell you the story.. Your kuya Josh is the son of your tita Maureen who passed away when he's only 5 years old. I knew he felt unloved after her mother's death. Hindi sya naaalagaan ng papa nya. Palaging lasing kung uuwi ng bahay. Ni hindi na makakain sa tamang oras ang kuya nyo sa puwader ng papa nya. That's why I decided to adopt him. At first, your papa Francisco is okay with it. Until he lost me. Aminado naman ako sa mga mali ko, tanggap ko rin ang galit nya, but not to the point na pwede nya nalang saktan ang kuya niyo"

"How come he lost you? I thought you're the one who lost him!"

"He lost me first. I didn't notice myself being unfair to him. All my attention was fucosed to your kuya Josh. I stand being a mother but forgot my responsibility of being a wife. Pero natuto naman ako, yun nga lang ang papa niyo naman ang nawala sa akin"

_____________________________

It's been a long time...
Nakaka-miss pala kayo?!

Binabati ko kayong lahat ng maligayang-maligayang pasko..kahit hindi nagpapasko yung iba dito, basta Merry Christmas parin senyo.

Yung pamasko ninyo para sa'kin paki Gcash nlang po, opo any amount is fine and will be wholeheartedly appreciated... Just send to 0963******* charot, joke lang..pero pwede din seryusohin😁

Beyond LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon