Dec 6, 2020
Good morning, sunshine.
Ang boring dito sa totoong lang. Kung ano ano na nagagawa ko kasi walang magawa dito kung 'di mahiga, matulog, umupo, at kumain. In fact, kauubos ko lang ng lugaw na binigay sa'kin ni Ate Nurse, pero boring din yung lugaw kasi walang egg. Ang bland talaga as in! Sabi mo nga, basta may egg sa recipe, nagiging special na siya. Mas gustuhin ko pa yung lugaw mo kasi mas malasa kahit parang hindi siya edible.
Nung kinuha ni Ate Nurse yung tray ng pagkain, may kasama siyang Kuya Nurse. Siya yung nagbigay sa'kin ng parang pad paper ng hospital kasi may logo pa siya sa top right corner. Sabi pa nga niya sa'kin baka raw bored na bored na 'ko and tama naman siya. Kaso ang problema naman ay hindi ako creative at mas lalong hindi rin ako manunulat (wala rin namang ballpen. ibang klase talaga si Kuya Nurse!). Dahil diyan, naisipan ko nalang na gumawa ng mga origami kaya naka ilang barko na 'ko dito sa may bandang paanan ko.
Habang nagtutupi ng mga barko, naisip ko na parang naghuhugas lang din ako ng pinggan. Biglang may nagtayo ng train station sa utak ko tapos tumakbo na yung train of thoughts ko. Alam mo yun? Yung sipilyo moments kung saan parang naisipan ng isip ko na mag-isip... Kaya nung bumalik yung isang nurse para tignan yung drops ko kumustahin ako, nanghingi na rin ako ng ballpen kaya ito ako ngayon! Story of my life kung bakit Yue niyong tamad magtake notes ay nagsusulat ngayon.
Being cooped up in here gave me more room to think. I found myself to be in 'reflection mode' more than usual. Naiiisip ko, bakit walang garter mga bedsheets dito? Lagi tuloy kumakalas yung sheets ng mattress. Kung magsnow kaya dito sa Pinas, will the river turn solid brown? Ano kaya feeling ng mag ice skate sa brown ice... ang baho siguro nun.
Kasalanan 'to ng mga paper boats. Bukod pa sa mga random origami thoughts, naalala ko bigla yung pagsasama natin kahit parang ang tagal na nun. It's kinda like savouring moments habang may taste pa sila at bago siya mapanis.
Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Sana naging memorable din siya sa 'yo. I never expected you to be the daughter of the mafia boss.
Joke lang, love!! 'Wag ka mainis. Yun kasi naging first impression ko sa 'yo. Ano pa ba naman maiisip ko? Ikaw kaya matamaan ng lumilipad na baseball bat!! May hinahabol ka palang magnanakaw. Sana inayos mo yung aim mo kasi may namamasa akong bukol sa noo ko for a week! Nagmukha akong unicorn na pinutulan ng horn.
Ngayon napaisip ako, bakit nga pala baseball bat nabato mo? Saan nanggaling yun? Hindi ako naniniwalang totoo ang love at first sight, kaso sa unang pagkikita palang natin natamaan mo na 'ko. Literal pa talaga ah!
Pahinga muna 'ko. Nakakangalay magsulat!! Tuloy ko kaya to bukas? Inaantok narin ako. May something ata sa lugaw kaya nawalan ng lasa sa totoo lang. I never thought na letter writing would bring me relaxation. Mas lalo na I never thought I would write letters addressing to your name pa nga. Wala eh, hindi talaga kita maalis sa isipan ko.
Kasalanan 'to ni Kuya Nurse na nagbigay sa 'kin ng pad paper, pero masaya din naman ako. Parang yun nga ata motive niya? Na pag-isipan ko buhay ko ngayon.
Sayang talaga, ang sakit na ng kamay ko. Ang dami ko pa gustong isulat pero hanggang dito nalang muna. Itutuloy ko 'to bukas! Promise yan sa sarili ko.
With love, your moonlight,
Yue.
PS naka isang papel lang ako pero ang sakit na yun sa kamay!!!!
KAMU SEDANG MEMBACA
from Yue to Ava
Cerita PendekDahil wala na siyang magawa sa ospital, nagsulat si Yue ng mga liham para kay Ava, ang taong pinakamamahal niya.
