Pag ka basa ko ng text na iyon ay agad akong nag lakad palabas ng apartment ko at ni lock ang pinto no'n bago bumaba at lumabas ng gate.

Tirik na tirik ang araw pag kalabas ko kaya kinailangan ko pang iharang sa noo ko ang kamay ko para hindi masilaw sa sinag ng araw. Agad namang hinanap ng mata ko si Rei at nakita ko s'ya sa isang gilid na ilang hakbang lang ang layo saakin na casual na nakasandal sa kotse nya habang nakapamulsa na parang hindi iniinda ang init ng araw. Nakita ko namang lumilinga-linga sya na parang may hinahanap at ng mapatingin sa direksyon na kung nasaan nakatayo ako ay bigla s'yang napatigil at napangiti kaya tuluyan na akong lumapit sakanya.

Pag lapit ko sa harap nya ay agad n'yang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko kaya nailang naman ako. 'Yong uri kasi ng pag titig nya sa kabuuan ko ay parang handa ng kumain anytime!

Binalik nya ulit ang tingin sa muka ko at unti-unting nag pakita ang ngisi sa mga labi nya. "You're hotter than the sun, nice look... baby," puri nito saakin habang tinataas baba ang isang kilay nito habang nakangising nakatingin saakin na agad ko namang kinapula kaya umiwas naman ako ng tingin. Ayan nanaman 'yong mga galawan nya! 'Yong pa 'baby-baby' nya! Hindi pa rin ako sanay kahit na alam kong dapat na akong masanay.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago humarap sakanya. "T-tara na?" hindi ko maiwasang mautal dahil hindi pa rin matanggal ang ngisi nya sa mga labi nya habang nakatingin saakin ng deretso!

Kumunot naman ang noo nya. "Huh? Saan?" ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Diba inaya nya akong lumabas? Kaya heto ako ngayon sa harapan nya at bihis na bihis. May sinabi syang lalabas kami ngayon! Nag iilusyon lang ba ako?

Tinitigan ko muna sya ng mabuti bago sinuri ang kabuoan nya. He's wearing a simple black v-neck shirt partner with black jeans. Hapit na hapit naman sa katawan nya ang shirt kaya kitang-kita ko kung gaano talaga kalaki ang mga muscle nya sa braso at kung gaano kalapad ang katawan nya. Nag papakita pa ang mga ugat nya sa braso nya na mas lalong dumagdag sa kagwapuhan nya. Kumikinang naman ang soot n'yang gold wrist watch sa kaliwang kamay nya habang ang buhok nya naman ay naka brush up pero may iilang hibla ang tumatama sa kilay nya. Ang gwapo nya kahit simple lang ang soot nya. Ngayon ko lang nakitang nakasuot sya ng ganito dahil laging naka long sleeve sya na minsan ay may neck tie pa.

Black makes him look more sexy.

Nag angat na ulit ako ng tingin sakanya. "Anong saan? D-diba inaya m-mo akong l-lumabas?" Nag aalinlangan na tanong ko dito at napaiwas pa ng tingin. Narinig ko namang tumawa sya.

"Labas? Nasa labas na tayo," sagot pa nito habang matawa-tawa pa kaya tinignan ko s'ya ng masama.

"Rei naman, eh! Umayos ka kasi, seryoso ako dito. Diba inaya mo akong lumabas tapos ngayon tatanungin mo kung saan tayo pupunta?" reklamo ko dito na mas lalo n'yang kinatawa.

"Huh? Did I say that?" maang maangan pa nito kaya mas lalo ko s'yang sinamaan ng tingin. Medyo naasar na ako! Kasi naman, eh.

"Bahala ka nga d'yan. Kung ayaw mo babalik na ako sa loob. Bahala ka d'yan mag Isa mo!" sagot ko pa dito at akmang tatalikod na ng bigla n'ya akong hatakin pabalik kaya mas lalo akong napalapit sakanya.

He chuckled again. "Change of plan. I changed my mind. Hindi na tayo lalabas." He said kaya napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.

"Ha? Edi saan na tayo pupunta?" tanong ko dito.

He flash a wide smirk on his face. "Sa condo ko," ngising-ngisi na sagot nito habang tinignan ulit ako mula ulo hanggang paa at tinaas baba pa ang isang kilay nya habang sinusuri ako sa malagkit n'yang titig kaya alam ko kung ano nanaman ang nasa isip nito.

A Painful Dream (Chaos Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now