Chapter 16.-Revealed.

ابدأ من البداية
                                    

"Okay. Alis na ako, enjoy the food! Babye!" nagpaalam na din siya. Lumabas ako ng kumpanya at naghanap ng taxi, taxi lang din naman ang sinakyan ko kanina.

Naglakad lakad muna ako dahil mukhang nananghalian pa ang mga drivers.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay biglang nagring ang cellphone na nasa bulsa ko. Unknown number.

"Hello?"

"If you want to know the truth, puntahan mo 'ko." tinaasan ko ng kilay ang cellphone ko. Wrong call? Anong truth? Tsk!

"Wrong call po kayo." ipipindot ko na sana ang end button nang may sabihin siya na halos ikayelo ng buong katawan ko.

"Ako 'to, Haylee. Si Jamaica." nanatili akong natigilan kahit naaarawan na ako.

"J-Jam?," pinilig ko ang ulo ko. "Wrong call po talaga kayo—"

"Buhay ako. Nabuhay ako." unti-unti ay naramdaman ko ang mainit na likido galing sa mga mata ko. "Gusto kong sabihin sa'yo ang totoo, lahat-lahat ng totoo bago pa mahuli ang lahat. Oo, alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa'yo pero please, Haylee."

Naikuyom ko ang kamao at isang memorya ang biglang sumagi sa isip ko.

"J-Jam? Anong ginagawa mo?! Bitawan mo ang anak ko!"  dala-dala ang isang bag, bitbit ni Jamaica si Nathaniel at papasok na sana sa kotse nang makauwi ako. Nasilip ko sa loob ng bahay si manang Jiesel na siyang nagbabantay sa kaniya habang nag aaral ako na nakahandusay sa sahig.

"S-Sorry Haylee pero kailangan kong gawin 'to. Patawarin mo' ko." pumasok na siyang tuluyan sa sasakyan. Tinakbo ko ang maputik na daan sanhi ng pag-ulan kanina at dali-daling pinagkakakatok ang kotse.

"Ibigay mo sa akin ang anak ko, Jam! Saan mo siya dadalhin?! Parang awa mo na, ibigay mo siya sa'kin!" sunod-sunod ang pagtulo ng luha galing sa mata ko.

Nakita kong umiyak bigla ang anak ko sa loob habang nakaiwas ng tingin sa akin ang kakambal ko.

"Jam?! Saan mo dadalhin si Nathaniel! Parang awa mo na, ibalik mo siya sa'kin!"

Napaatras ako nang humarurot na ang sasakyan. Gusto kong habulin, gusto kong bawiin ang anak ko, gusto kong tumakbo pero tila napako sa putik ang mga paa ko. Wala akong nagawa.

Tila naligo ako sa ulan pagkapasok ko sa loob ng bahay dahil sobra ang iniyak ko. Gising na si manang Jiesel.

"Haylee? Jusko! Pasensya pero hindi ko nakuha si Nathaniel! Kinuha siya kanina ni—"

"Kinuha na siya sa akin ni Jam, manang. Kinuha na niya sa akin ang anak ko. Manang bakit? Siya na ang dahilan kung bakit ganito na ang buhay ko pero bakit kailangang kunin niya pa ang anak ko?" nagsimula na naman akong maiyak.

Natauhan ako nang may bumusina sa harap ko.

"Sumakay ka sa kotse. Dadalhin ka niya sa akin. Ipapaalam ko na sa'yo lahat. Mula sa ama ni Nathaniel at ang tungkol kay Nathaniel. Wala na akong oras. Pagkatiwalaan mo ako kahit ngayon lang."

Nadatnan ko na lang ang sarili kong nakasakay sa kotse. Nagulat ako dahil ang driver ay ang taong nagmaneho ng sinakyan kong taxi noon habang patungo ako sa kumpanya nina Dwayne.

"Matagal na tayong hindi nagkita, Haylee. Kamusta ka na?" nanlaki ang mata ko at sinuri siyang mabuti, paano niya ako nakilala?  "Mukhang hindi mo na ako natatandaan. Kalma, oh, ito, magbuko juice ka muna." may inabot siya sa aking bagong balat na buko na may straw. "Binalatan ko na 'yan kanina."

Unti-unti ko siyang nakilala. "T-Tito Gino?" ngumiti siya ng malapad. Tama! Siya 'yung tindero ng buko juice nu'ng nag-aaral pa ako!

"Buti naman at naalala mo na ako. Nu'ng una tayong nagkita e hindi mo ako nakilala." napangiwi ako dahil ang unang impresyon ko sa kaniya noon ay akala ko masamang tao. Ang creepy ba naman kasi, tsaka hindi niya ako kinausap noon!

"B-bakit po—" nawala ang pagtataka ko nang unahan niya ako.

"Kasama ako ni Jamaica. Alam kong alam mo ng buhay ang kakambal mo. Saka ko na ipapaliwanag. Magseatbelt ka muna." bigla siyang sumeryoso at nagmaneho na agad na para siyang natauhan.

Natuyo na ang mga luha ko sa mukha ko pero hindi ko iyon inalintana, uminom ako ng buko juice habang nasa daan. Sakto at tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.

Sa loob ng kinseng minuto ay huminto kami sa tapat ng isang maliit na bahay.

"Nasa loob siya, naghihintay." seryosong sabi ni tito Gino at pinauna akong lumabas.

Ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ko alam kung paano ihakbang ang mga paa ko habang dala ang matinding kaba.

Nag-aalangan pa ako pero muling nagsalita si tito Gino, nakalabas na pala siya ng sasakyan.

"Alam ko na ang lahat ng nangyari sa'yo. Pero 'wag mo sanang pagkaitan ng pagkakataon para makuha ang eksplanasyon ng kapatid mo. Hindi niya sinadya ang lahat ng nangyari sa'yo at sa inyo." tumungo ako at nag-ipon ng lakas.

"P-Paano po siya nabuhay? A-Ano po bang nangyari?"

"Nasa Canada ako noon. Hindi naman talaga kasi ako hamak na tindero lang ng buko juice, e. Nandu'n ako para ibenta ang mga ari-arian ko tutal wala namang magmamana ng mga iyon at mag-isa na lang ako. Namatayan ako ng pamilya." nanahimik ako at nakinig na lang. "Hindi ko akalaing makakasabay ko sa kalsada ang kambal mo. Hindi ko nakita ang lahat ng nangyari pero naabutan ko na lang ang kotseng umuusok habang nakabangga sa isang puno."

Bumuntong hininga siya at nagsalita ulit. "Hindi ko napansin ang pagkabangga dahil nasa unahan na ako, buti at nakita ko siya sa rear mirror. Pinoprotektahan ni Jam ang isang bata." napatakip ako sa bibig.. si Nathaniel. "Isang bata na anak mo pala. Agad ko silang tinulungan. May isang lalaki sa driver's seat na walang malay habang sugatan naman si Jam na kalong ang umiiyak na bata. Buti na lang at malinaw pa ang memorya ko dahil nakilala ko kaagad siya."

"A-Ano pong sunod na nangyari?"

"Sinabihan niya akong iligtas ang bata. Gusto niyang magpa-iwan at sinabing ibalik ko na lang sa'yo ang anak mo pero may pag-asa pa siyang mabuhay noon. Matapos kong kunin ang bata ay siya ang agad kong inilabas sa kotse. Malapit nang sumabog ang sasakyan kaya nagpumilit siyang magpaiwan pero nagawa ko siyang mailabas. Nais ko pa sanang iligtas ang lalaki pero pagbalik ko, sumabog na ng tuluyan ang kotseng sinasakyan nila."

"I-Ibig niyo pong sabihin, b-buhay pati ang anak ko?" hindi siya patay, hindi pa siya abo.

Marahan siyang tumango.

"Ngayon, si Jam na ang kailangan mong maka-usap. Hanggang doon na lang ang pwede kong sabihin." sa kwento niya ay nakakuha ako ng lakas para pumasok sa bahay na iyon.

Dahan-dahang hinanap ng mata ko ang taong gusto kong makita. At hayun, nasa tapat ng bintana, nakatalikod sa akin, at nakamasid sa labas.

"J-Jamaica.."

---
Astrid Manunulat

WIFE AND MOMMY FOR HIRE حيث تعيش القصص. اكتشف الآن