Chapter 41

6.8K 407 75
                                    

The engagement party took place late at night on the Martel estate. Mag-isa lang akong dumating dahil magsasabay yung dalawa (Cyan at Iris). 

I already gave my gift to the couple and signed the guest book upon arrival... I already greeted Candice. There's nothing left to do now!



As a gesture of courtesy and support for the couple, I suppose I should stay for an hour or two. Nilibot ko ulit yung tingin ko sa mga bisita. As expected, I don't know half of them.



Sa di kalayuan, nakita ko si Prince Gabriel at si Lady Lily, obviously. At yung lalaking sumusunod sakanila ay si Sir Noah. Pati ba naman sa party naka-duty pa rin?



Since they are busy talking to other guests naglakad na lang ako papalayo sakanila at nagtungo doon sa may pagkain. I don't have the energy  to talk to the characters. I wanna be alone. Char! 



Kakahawak ko palang ng kutsara ay naramdaman ko na na may nakatingin sa direksiyon ko. Lagi na lang!

To save myself some dignity, kaunti lang kinuha ko. Kung sino man yung laging natingin saakin sa tuwing kukuha ako ng pagkain ay sana mabulunan. Naghanap ako ng pwesto na pwede kong upuan tsaka ko nilantakan yung pagkain.



Nakita ko na rin na dumating sila Cyan at Iris at kasalukuyang kausap sila Candice. Hmm? Ngayon ko lang napansin na yung dumalo ngayon ay may mga partner. Teka, may binanggit ba na dapat by-partner ang dadalo? What the heck? I feel so out of place. 

Solo flight lang ako. Medyo nananadya na sila. Kung alam ko lang na dapat pala may partner ay tinawag ko na si Prince Uriel. But on second thought, mas mabuting hindi na pala. Baka magkita pa sila niPrince Gabriel. 

Inubos ko na lang yung pagkain ko tsaka uminon ng tubig. As promised, tubig tubig na muna tayo ngayon. Gaano na ba ako katagal dito? Mga 30 minutes pa lang ata eh.



"Hayy... I think I should go for a quick stroll... thanks", pagpapasalamat ko doon sa server na nag-abot ng glass of wine.

"Geez... what a temptation",tinanggap ko naman yung glass out of habit. Okay lang naman siguro kahit isang glass lang di ba? I mean, hindi naman ako yung kusang kumuha. Sila kaya nagbigay saakin. (palusot)



Habang hindi pa ako nahuhuli nila Cyan at Iris ay lalabas na muna ako. Pansamantala na muna akong nagpunta sa may garden nila Candice para magpahangin at magpalipas ng oras. Wala naman ako masyadong kakilala doon sa loob at halos mga faction ng crown prince ang nandoon.

Sila Cyan at Iris may mga sariling mundo, tsaka ayoko maki-third wheel.

Habang may hawak na wine ay naglakad-lakad ako sa may garden. Sorry father, I broke my promise pero isang glass lang naman. May kalakihan itong garden at medyo malayo sa hall.

The Martel family's garden is well-known in the society. It's grand and beautiful.  I remember na madalas kaming tumambay nila Candice at Iris dito kaya okay lang na nandito ako. Tsaka kakilala naman na ako ng halos lahat ng servants ng Martel family.

I took a sip of my wine and wandered around. It's so peaceful and quiet--- "Are you sure that this magic stone works?". Teka, kakasabi ko lang ng peaceful and quiet.

Hinanap ko kung saan galing yung mga boses and to my surprise I saw Prince Gabriel and Duke Simmons. This situation totally screams suspicious and dangerous. Kaya naman agad akong nagtago at dumapa. Letche, wala na akong pakialam kung madumihan ako at magmukhang ewan basta't hindi nila ako makita dito. Pagnalaman nilang may nakikinig sakanila ay malamang lumipad ang ulo ko. 

Violet the Wallflower | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon