Kabanata 1

52 9 2
                                    


UNANG PAGKIKITA

Sa pagpatak ng isang butil ng tubig mula sa isang natutunaw na yelong bumabalot sa puno. Nang tumama ito sa nakasarang talukap na bulaklak ay  bumuka ito ng napakalawak at pinakita ang tinataglay nitong kagandahan.

Dito narin unti-unting nagpakita ang haring araw. Simula na muli ng panibagong panahon ng tagsibol. Katatapos lamang ng taglamig kaya muling babalik na ang lahat sa dati.


At dito magsisimula ang ating kwento.

'KHALEEL!!!!'. Rinig kong sigaw sa akin ni Mang Estor.

"UGH!". Napasinghal ako Sabay lapag  sa lupa ng isang malaking kahong puno ng mga bote ng alak.

Maaga pa lamang ay narito na ako sa Tavern hindi magkandaugaga sa pagasikaso ng mga taong labas masok sa loob.  Hanggang  ngayon na magtatakip silim na, hindi parin nababawasan ng tao , maslalong dumadami ang mga lasinggero.

Hindi talaga mapipigilan ang bisyo ng mga taong wala nang magawa sa kanilang mga buhay kundi maglasing hanggang mamatay.

"KHALEEL!!". Muking sigaw ni mang Estor sa loob. "OPO NARIYAN NA PO!!". Mabilis ko ring sigaw ng pabalik at pumasok na sa loob ng kusina.

Dito ko na nakita yung iba pang mga kasama kong hindi magkandaugaga din sa kanilang ginagawa. Nagkalat na ilang kahong wala ng lamang alak dito sa kusina nunit kulang pa ito kung tutuusin.

Itutulak ko na sana yung pinto palabas ng kusina ngunit ng biglang may pumasok na lalaki kaya napahinto ako sa aking pagmamadali. Laking gulat ko ng masilayan ang suot nitong pulang Cloak na hanggang pwetan ang haba nito.

Dahil dito biglang nagsilakihan ang aking mga matang napatitig sa kanya.

Ngunit bakas sa mukha ng lalaki ang hindi maipintang emosyon. Parang nagpipigil ito.

"Nasaan ang Banyo?". Pabulong na sabi tanong nito. Kaya agad ko ding tinuro ang gawing gilid kung nasaan ang hinahanap nito. Parang hangin lang akong nilagpasan nang kumaripas ng takbo at halos masira ang pinto sa pagsara nito.

Sakto namang pumasok si Mang Estor na nagbabanggaan ang mga kilay nitong nakatingin sa akin ng.

"Saan kaba galing? kanina pakita tinatawag!". Bulyaw nito sa akin. "Hala sige, pumasok kana doon at dalhin mo ito". Wika nito sa akin sabay bigay sa akin ng  isang lalagyan na may sampung malalaking basong puno ng alak.

Hindi na ako sumagot pa at madaling lumabas ng kusina.

Halos sigawan at kasiyahan ang bumalot sa loob. Yung iba ay halos malupasay na sa sahig dulot ng sobrang kalasingan.

Sa hindi inaasahan habang nalalakad ako biglang nahagip ng aking mata sa isang sulok ng Tavern.

Yung limang taong tahimik lamang kumakain at mukhang walang pakealam sa kanikang paligid. Lahat sila ay pare-parehong nakasuot ng Pulang Cloak.

Dahil dito napako ng sobrang ang atensyon ko doon sa kanila at hindi namalayan ang biglang paghatak sa akin ng isang malaki at matabang lalaki.

"Hahahahah parang gusto ko ring tumikim ng lalaki kung ganito ba naman ka kinis at mukhang babae ehh. Papatusin ko na Hahahaha". Sabi nito sa akin sabay lapit nito ng kanyang ilong ay inamoy ang leeg ko.

Whisperer of the WOODS (On-hold )Where stories live. Discover now