Epilogue : He who found her twice

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tara na. Ako 'yung gutom," sabi ni papa bago sila tumawa ni mama at mauna sa paglalakad.

"Congratulations, Astra!" Mula sa likuran ko ay may bumati. Si Tito Erwin, papa ni Elle.

Ngumiti ako. "Thank you po, tito!" sabi ko. "Mauna na po kami," agad ko ring paalam bago siya tumango at ngumiti pabalik.

Bago ako tuluyang makalayo, nakita ko pa si Elle at tito Erwin na kinukuhanan ng litrato ni Cecil.

***

Umuwi muna kami para makapagpalit ako ng damit. Pagkatapos ay dumiretso kami sa paboritong restaurant ni Elmond.

Kasama namin si Farrah. Hindi ko alam kung bakit pero nanatili lang akong nakatingin kay Elmond at Farrah sa loob ng ilang minuto.

"Baka naman may hinihintay at reserved na ang puso kaya hanggang ngayon wala pang bebe."

It's been five years already. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang bilis ng oras. Parang kailan lang no'ng may mga bagay akong maalala na parang hindi ko memorya, pero sigurado ako na nangyari mismo sa buhay ko. Akala ko no'ng una, it's just a deja vu, but it turns out, it's more than that.

Nagsimula 'yon five years ago, bago ang family outing namin sa Baguio. Nang maramdaman ko na tila may mali sa paligid ko, at sa sarili ko mismo. Simula no'n, nagkaro'n ng mga dagdag na memorya sa isip ko, pero lahat 'yon hindi ko alam kung kailan nangyari, at kung paano.

Hindi ko rin maipaliwanag, pero may mga pangyayari na lang na bigla kong naaalala na hindi ko pa naman nararanasan noon. One of the reasons why I pushed psychology, ay para malaman kung ano ba 'tong mga pumapasok sa isip ko.

But it remains a mystery to me until now.

Including a blurred face of a man.

"Astra, kain na baka lumamig ang pagkain," sabi ni mama kaya napabalik ako sa katinuan. Nagsimula na akong kumain habang nakikipag-usap kila mama at papa. Tinatanong nila ako kung saan ko raw gustong pumunta ngayong araw to celebrate my graduation.

Gusto ko talaga sanang manatili sa bahay, matulog o kaya manood ng series, pero ayoko namang sirain 'yung cinecelebrate namin ngayong araw. Finally, after more than 20 years, naka-graduate na rin ako—that's what our parents want for us kaya ayokong sirain 'yung momentum at happiness nila.

"Can we leave the country earlier? I want to travel to Seoul earlier so we can spend more time there," sabi ko kaya nagkatinginan sila mama at papa bago sila ngumiti sa akin.

"Okay then. We'll leave by tonight. Holiday break na rin naman ni Elmond kaya for sure wala siyang gagawin for almost a month. Can we invite Farrah to come with us?" tanong ni papa kaya ngumiti ako bago tumango.

'That would be better po," sagot ko bago kami nagpatuloy sa pagkain.

After naming kumain sa labas. Saglit kaming nag-shopping kaya napadpad ulit ako sa isang bookstore sa loob ng mall. Bookstores are heaven, that's for sure. No matter how sad or mad I am, kapag pumasok ako sa loob ng isang bookstore, tumataas at gumagaan agad ang pakiramdam ko.

Tumingin-tingin ako sa mga libro bago ako mapahinto sa tapat ng science fiction novels.

"So it conspired," basa ko sa title. Hinanap ko kung nasaan 'yung pangalan ng author pero hindi nakalagay sa front and back cover ng libro. Ngayon lang ako nakakita ng libro na hindi nilagay ang pangalan ng may-akda.

Bubuksan ko sana 'yung libro para tingnan ang contents, pero agad na may humawak sa braso ko kaya napatingin ako rito.

"Ikaw po si Astra Del Rosario right?" sabik na saad ng babae na nakahawak sa pupulsuhan ko.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon