"ANO?" Malakas nitong tanong na ikinapikit ko.

"Shit! Chepipay bakit hindi ko alam ang bagay na ito? Bakit mo ito nilihim sa akin? Nagpapalusot ka lang ba saakin noon na pupunta ka lang ng library para mag-aral ng mag-isa at ito pala ang kinikita mo roon? So hindi lang pala ako ang best friend mo noong college tayo, pero sabi mo.........." Kaagad kong tinakpan ang bunganga nito dahil sa paghe-hysterical niya. Iyan na ba ang sabi ko e.

Akmang tatanggalin niya ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig ng mas idiin ko pa iyon sa mismong bibig niya.

"Ssshhh! Tumahimik ka nga." Saway ko rito Tinanggal ko na ang kamay kong nakatakip sa bunganga niya ng kumalma na ito.

"Paano mo naging best friend ang isang ito, Chepipay?" May pagtataka niyang tanong na para ba ang imposibleng paniwalaan na best friend ko nga ang lalaking nasa harapan namin ngayon.

"By the way I'm Darren Criss Somerhalder." Nakangiting pakilala ni Darren kay Vien na inismiran lang ni Vien. Luh? Ano 'yon.

"Are you a gay?" Kapagkuway tanong ni Darren at mahinang natawa sa naging expression ni Vien matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon.

"No. Suntokin kita jan, e. Atsaka kilala kita, you asshole. I'm not gay nililigawan ko nga si Chepipay at saka wala kaming lahi ng baliko para sa kaalaman mo."

"Nililigawan mo siya?"
"Kilala mo siya?"

Sabay na tanong namin ni Darren sa kaniya na pagulat at sa pasigaw na pamamaraan.

"You don't have to shout." He frowned.

"So you know him already?" Nagtataka kong tanong.

"Yeah. Nakipag-negotiate ako sa kaniya isang beses and then may proposal ako non sa kaniya but he decline my proposal ang taas na ng standard sa negosyo porket nag-invest lang sa kaniya si Vixier." May Galit at pagkainis na sabi ni Vien na ikinangisi lang naman ni Darren na parang nang-aasar pa. Bakit kakaiba ang trato niya kanina kay Darren kung magkakakilala pala sila. Talagang nagpakilala pa sa kaniya si Darren.


Kahit may konting kagulohan at pagkabigla dahil sa nalaman ko ay nagawa ko pa ring magtanong muli.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" I asked sadly. Bakit magkakilala na sila at hindi ko 'yon alam. Ang daming chansa pala na muli kong malaman kung nasaan si Darren pero bakit ganon. Is it fate choice?

"Huh?" Nagugulohang sabi ni Vien habang si Darren naman ay matiim lang akong tinitigan na parang inaaral ang expression ng mukha ko.

"Bakit Chepipay gusto mo ring makipag-negotiate sa kaniya?" Inosenteng tanong ni Vien na ikinailing ko naman.

"Amh Vien he is my childhood best friend. He is Darren Criss Fernandez." Pagpapakilala ko rito na ikinagulat niya naman.

Napamulagat ako sa sunod na nangyari ng bigla na lang kasing tumilapon si Darren sa sahig na kaagad ko naman itong dinaluhan at tinulongang makatayo ng makabawi ako sa pagkakagulat pero kaagad din naman akong napalayo ng sumugod muli si Vien kay Darren para muli itong suntokin but this time nakailag na si Darren at bumwelo ito ng suntok para kay Vien na ikinatama naman niyon sa pagmumukha nito kaya ito na naman ang nakahandusay sa sahig ngayon.

"Ano ba ang problema niyong dalawa?" Sigaw kong tanong sa kanila. Mga lalaki nga naman ang hirap intindihin kapag sila na ang magkakatagpo.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now