CHAPTER 17

305 60 2
                                    

"I thought I'm just the only one who felt that my parents doesn't care about their child. But don't felt it inside. You should be happy on things you love to do. The fact cannot be changed they're still our parents no matter what, okay?" Nakangiti niyang sabi pero makikitaan pa rin ng lungkot ang dalawa niyang mga mata.

"Hindi nga nila naalala na birthday ko today" naluluha kong sabi.

Excited pa naman akong bumangon kaninang umaga tapos malalaman ko na maaga rin pala silang aalis ng bahay. How sad to be left alone when today is my birthday kaya ayon tinakasan ko sina Yaya Minda at Manang Teni.

"Birthday mo ngayon?" Gulat na tanong nong batang lalaki. Tumango ako bilang sagot na 'oo'.

"Sandali lang may pupuntahan muna ako maupo ka lang diyan babalikan kita kaagad okay" pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagmamadali na itong tumakbo palayo sa akin kaya hindi ko na siya pinigilan pa.

Medyo may katagalan bago ito nakabalik. Humahangos ito sa pagod.

"Tumayo ka diyan bata. Halika" aya nito sa akin. Inalalayan niya akong makatayo.

"Saan tayo pupunta?" inosente kong tanong kanina niya pa kasi ako hinihila.

"Basta malalaman mo rin mamaya"
"TSARAN, HAPPY BIRTHDAY" sigaw nito nang makarating kami sa isang maliit na lamesa. Sa gitna non ay may isang chocolate flavored na cupcake may maliit na blue na kandila rin iyon sa ibabaw.

"Para kanino yan?" Tanong ko sa batang lalaki.

"Sayo. Diba ang sabi mo birthday mo today kaya ayan binili kita nang cupcake atsaka candle para maging happy ka na." Nakangiti niyang sabi.

Iginiya niya ako paupo sa isang upoan roon. Umopo rin siya sa kabilang upoan nang maayos na akong nakaupo at saka niya sinindihan ang kandila sa ibabaw ng cupcake gamit ang isang lighter. Ewan ko kung saan galing ang lahat ng mga 'to basta ang importante lang sa akin ngayon ay mai-ce-celebrate ko na ang birthday ko.

"Mag pray muna tayo" aniya at ipinagdikit ang dalawang palad at ipinikit ang dalawang mata kaya ginaya ko rin ang ginawa niya.

"Papa Jesus, today is the birthday of my new friend.........." Huminto ito sa pagpapanalangin kaya ibinuka ko ang isa kong mata para tignan kung anong ginagawa niya. Nagulat ako nang nakatingin rin siya sa akin gamit ang isa niya ring mata. "Ano nga ang pangalan mo?" Painosente niyang bulong. Nagtataka man ay sinagot ko na lang ang tanong niya.

"Zaitel" maikli kong sagot na ikinangiti niya at muling ipinikit ang isang mata niyang nakabuka kanina kaya muli rin akong pumikit.

"Her name is Zaitel please bless this cupcake to make her happy, Amen." Pagpe-pray nito.

Halos sabay rin naming ibinuka ang mga mata naming nakapikit.

"Make a wish and blow your candle" sabi nito.

Sinunod ko ang utos niya. Nakangiti akong nagwish at hinipan ang kandila.

Malakas niyang ipinalakpak ang dalawang maliliit niyang kamay.

"Happy birthday Zaitel" bati nito.

"Thank you" I shyly thanked and smiled.

"Ako nga pala si Darren at 7 years old na ako" pakilala niya sa kaniyang sarili.
"Ikaw ilang taon ka na?" Tanong niya sa akin.

"I'm 6 years old and today I'm 7"

"Amazing pareho na tayo nang edad nganyon" tili nito at muling pumalakpak.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now