"Magiging bastos lang 'to kung iisipin mong bastos. Please remember na wala tayong damit nang isilang tayo sa mundo. At ang mga sinaunang tao, ng gawin sila ng D'yos, ay wala ring damit noon. Kung paano mo siya itatanim sa utak mo, magiging bastos talaga. Kahit ikaw pa ang maghubad sa harap ko, hindi kita gagalawin dahil wala naman tayong pinag-usapan na magtatalik tayo, Lucia." Pagtatapos niya.

Bakit ba lagi na lang siyang may sagot! Ako dapat ang magaling sa linyahan dahil ako ang mahilig magbigay ng payo sa mga kaibigan kong si Luna at Sanaya. Pero, pagdating sa lalake na ito, ako lagi ang natatameme.

Unti-unti ko namang tinanggal ang kamay ko sa mukha ko. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ginoong Elias na nakaluhod sa harapan ko at nakatapat ang mukha niya sa mukha ko. Ngayon ko lang napansin na wala na sa ayos ang buhok niya. Tuyo na ito mula sa pagligo kanina. Bagsak na kulot na buhok na siya.

"Pwede po bang mag-behave ka na?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Ngumisi naman siya. "Malaki ba?"

Tinulak ko siya kaya natumba siya sa sahig. "Bastos ka talaga."

Tumayo na ako at nahiga sa kama ko. Tumawa naman si Ginoong Elias at sumunod sa kama ko pero linagyan ko ng unan sa gitna namin para malayo ako sa kanya. Ang liit na nga lang ng kama ko ay makikitabi pa siya. At sa tangkad niya, hindi ko alam kung paano siya magkakasya. Bahala siya d'yan.

"Arte." Sambit pa niya. "Baka bukas magising akong nakayakap ka sa akin."

"Hinding-hindi po 'yan mangyayari." Sagot ko naman sa kanya.

"Tsk." Pinatunog naman niya ang dila niya. "Sarap ko pa naman yakapin. Huggable kaya ako. Subukan mo dali—"

"Tumigil ka na parang awa mo na." Pagmamakaawa ko sabay takip ko ng unan sa mukha ko.

Tumawa ulit siya sabay alis ng unan sa mukha ko. "Matutulog ka na? Aga pa. Kwentuhan muna tayo."

Tinignan ko naman siya nang masama dahil pagod na ako sa kakulitan niya. "Ano na naman ba?! Maaga talaga ako natutulog. Gan'on po kami sa kumbento Ginoong Elias." Pagtataray ko na sa kanya.

Matagal niya lang ako tinitigan bago nagsalita. "Sa totoo lang, maganda ka Lucia. Never ka pa talagang nagka-boyfriend? O, kahit ma-inlove man lang?" 

Umiling naman ako.

"Don't you want to give it a shot? I have nothing against you being a nun, but you know, before you fully enter the convent, you can at least do things that you won't be able to do once you're there. So that you may decide for yourself if you actually like them or not."

Nakatingin lang ako sa mukha niya kanina sa buong litanya niya. Dati, wala namang effect sa akin ang mga lalaki. Pero ngayon, unang beses kong may ma-appreciate na lalaki dahil sa itsura niya. Ngayon lang naman din kasi ako nakasalamuha ng ganito katagal sa lalaki. Ang gwapo niya kasi talaga.

Isa lang ang masasabi ko. Kamukha niya si Archangel. Ang cute ng wavy niyang buhok.

Umiwas na ako ng tingin at tinignan na lang ang kisame ng kwarto ko. "Ayokong subukan. Gugulo lang 'yan sa mga isipin ko. Parang food tasting lang 'yan, pa'no kung parehong masarap, ano na ang basehan mo sa pagpili? Kaya ako, kung 'yung una kong natikman ay masarap, doon na ako. Kasi hindi naman siya ang unang pipiliin mo kung wala kang naramdaman na something kaya pinili mo siya."

Tumango naman siya at umayos na rin ng higa sa tabi ko. "You are absolutely right in what you said—the choices can be overwhelming. It's like taking an exam where every correct answer is a guess. You don't know which option to pick; you can never be too sure that you've made the right choice. It's more frustrating than confusing. That's why I hate those multiple-choice questions. If common sense has been enforced and it's true or false, then I can make a better decision."

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now