Chapter 2

5 0 0
                                    

Matapos ang nangyari sa motorcycle race ay hindi na naulit si Fern

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapos ang nangyari sa motorcycle race ay hindi na naulit si Fern. Ayaw nya na roon, isang linggo naman na ang lumipas kaya medyo limot nya na ang nangyari. Ngunit hindi nya pa rin malimutan si Alas.

Ganoon din naman ang kanyang kaibigan na si Varsha, tuloy pa din ang habol sa lalaking hindi naman sya napapansin. Kinuha nya ang kanyang phone at tinignan ang text ng kanyang ina. Nag padala lang ito ng pera, nakikitira lamang si Fern sa tiya na parang ina nya na rin dahil nag DH noon ang kanyang ina upang may pang padala ito sa kanya para makapag aral sya. Ngunit ngayon nasa pilipinas na ang kanyang ina, hindi para maka bawi sa mga taong wala sya kung hindi para makasama nito ang bagong boyfriend nito. Kaya hindi maiwasan sumama ang loob ni Fern sa kanyang ina. Wala kasing nakilalang ama si Fern dahil tatlong buwan pa lang sya ay wala na raw ang kanyang ama. Iniwan sila nito sa ibang babae.

Kaya ang tiya lamang nito ang kasama nya mula noong nag DH ang kanyang ina. Wala naman syang problema doon dahil parang ina na rin ang turing nya sa kanyang tiya. May pinsan din syang lalaki ngunit nasa high school pa lamang ito. Sya naman ay nag pupursiging makatapos ng pag aaral para naman maka tulong sya sa tiya na nag palaki sa kanya.

Isang taon na lamang na lang naman at tapos na sila ni Varsha ng pag aaral. Balak nya agad maka pasa sa board exam at maka hanap agad ng magandang trabaho na sasapat para sa kanila.

" Tiya, nag pa dala na po si mama ng pera. Kukunin ko na po sya". Sabi nya ng masalubong niya ang kanyang tiya.

" Ganoon ba? O sige mag iingat ka ahh. May pupuntahan ka rin ba?" Tanong ng kanyang tiya.

" Nag papasama rin po si Varsha sa mall kaya baka ma late ako ng uwi". Sagot nya.

" Oh sige, mag iingat kayong dalawa. Ikamusta mo ako kay Varsha ah". Tumango naman sya bilang sagot at mabilis na nag ayos ng sarili. Minabilis nya ang pag aayos dahil baka maraming tao sa labas. Baka ma traffic pa sya.

Matapos nyang makuha ang pera ay pumunta na siya sa lugar kung saan sila mag kikita ni Varsha. Hindi nya alam kung bakit biglang nag aya si Varsha, madalas kapag nag aaya ito ay about ito sa lalaking hinahabol nya.

" Beshyy!!!" Bati ni Varhsa kay Fern ng makita nila ang isa't-isa.

" Anong meron? Ba't nag aya ka bigla?" Tanong ni Fern

" Wala, bawal ka ba maka bonding?" Tanong nito pero hindi kumbinsido si Fern sa sinabi nito sa kanya. Nag cross arm si Fern at nag taas ng kilay.

" Bakit nga? Taong bahay ka Varsha. Kilala kita". Sabi ni Fern kaya naman napa irap si Varsha.

" Fine! May nalaman kasi ako na pupunta sya dito. Kaya may nagawa akong plano".

" Ay nako tehh. Kung kalokohan lang yan, wag na. Ayoko na... Last time lang ako ang napahamak sa kalokohan mo". Angal ni Fern.

" Luh, hoy nakinabang ka din kaya. Nananalo ka sa pustahan ano. Kung hindi pa kita dinala doon ehh hindi ka naman mananalo". Reklamo din ni Varsha. " Sige na please... Alam ko naman na hindi ka makaka hindi sakin, kaya please". Pag pupumulit nito sa kanya.

" Ano ba yang plano mo?" Sa huli ay napa pilit rin sya ng kaibigan. Alam nya rin naman sa sarili nya na hindi sya nakaka hindi sa kaibigan. Kahit naman sya kapag may kailangan sya sa kaibigan ay hindi din ito maka hindi sa kanya.

" Yes!" Kaya naman ikinuwento ni Varsha ang plano nya kay Fern.

" Ha?! Ako?! Tayo?! Mag papakasagasa tayo?! Nasisiraan ka na ba ng bait? Okay ka lang?" Gulat na angal ni Fern sa kaibigan.

" Fake lang naman. Hindi naman totally, parang kapag nandyan na yung sasakyan nya, mag papanggap lang tayo na hindi natin nakita. Then kunyari na saktan nya tayo. Ganern diba?"

" Ang panget ng plano mo. Bakit kasi hindi mo na lang sya hayaan, wag mo na sya habulin".

" Beshy naman, alam mo naman na hindi ako naniniwala sa dapat ang lalaki ang nag ffirst move diba? Wala namang masama kung mag first move diba?"

" Oo nga pero mag iisang taon mo na atang hinahabol nyang lalaki na yan. Gising gising din".

" Wag ka mag alala, kapag hindi niya pa ako napansin sa sem natin na to. Aayawin ko na talaga sya... Tsaka napapagod na rin ako kakahabol..." Biglang nag bago ang itsura ng kanyang kaibigan kaya naman nag bago din ang itsura ni Fern.

" Oh sige, last na to ah. Sino ba kasi yang lalaki na yan huh? Bakit humaling na humaling ka sa kanya?" Tanong ni Fern.

" Si Kaji Suijin". Mabilis na sagot ni Varsha kaya naman napabuga si Fern sa kanyang iniinom.

" Ha?"

" Yes, Kaji Suijin".

" Bakit sya?" Tanong ni Fern habang pinupunasan ang kanyang sarili.

" Ewan, basta hindi ko alam. Ganon talaga siguro". Sabi ni Varsha. " Basta, last na to pramis. At kapag wala pa rin, susuko na ako". Wala namang nagawa si Fern kung hindi ang sumang ayon. Kahit naman anong tanggi ang gawin nya sa kaibigan ay hindi nya naman ito matitiis.

" O sige, kailan ba natin gagawin nyang plano mo?" Tanong ni Fern.

" Bukas". Mabilis na sagot ng kaibigan kaya naman nagulat sya.

" Bukas?! Seryoso bukas agad?"

" Oo, why? Wag ka mag alala Fern, sagot naman kita ehh". Napa ilibg ilibg na lamang si Fern sa naiisip ng kanyang kaibigan.

" Nababaliw ka na talaga". Bulong nya ngunit narinig ito ng kaibigan. Busy sya sa kanyang iniinom na kape ng biglang may pumasok na babae na nasa mind's 30+ ang tanda.

" You gotta be kidding me..." Bulong ni Fern sa kanyang sarili ng mamukaan ang babaeng kakapasok lang sa café.

" Fern? Fern! Ikaw nga anak!" Bati ng kanyang ina ng makita sya nito. Mabilis naman na lumapit ang babae at niyakap sya. " Bakit nandito ka? Oh! Nandito ka din pala Varsha".

" Uh... Hi po tita haha". Akward na bati ng kaibigan ni Fern sa kanya.

" Ma, ano ka ba. Hinaan mo naman ang boses mo. Nakakahiya ang daming naka tingin".

" So? Ba't hindi ka nag paalam sakin na aalis ka?" Tanong ng kanyang ina.

" Ma, as if naman na naka tira kayo kay tiya. Tsaka alam nya naman na umalis ako, tsaka ang text nyo lang sakin nag padala na kayo ng pera. Yun lang... Okay sana kung pareho tayo ng tinitirahan". Bulong nya sa dulo ng kanyang sinabi.

" Ayy sorry sorry. Oo nga pala, tatawagan sana dapat kita pero ito kasing si tito Raul mo wag na daw dahil nag mamadali din kaming umalis. Pasensya na". Paliwanag nya habang natatawa sa sarili. Napa irap na si Fern at hindi na nagulat sa mga nangyayari.

" Kayo anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Fern.

" Ah, inutusan lang akong mamili ng kape ng tito Raul mo".

" Pwede ba ma. Stop na sa tito-tito na yan. Hindi ko naman kilala ang lalaki na yan". Inis na usal ni Fern.

" Hay nako, o sige bahala na kayo dyan. Maiwan ko na kayo. Bye ladies, bye my daughter". Paalam ng ina ni Fern. Naka hinga naman ng maluwag si Fern habang si Varsha ay natatawa sa interaksyon ng nag ina sa kanyang harapan.

AlasWhere stories live. Discover now