Chapter 4

3 0 0
                                    

" I can't walk

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" I can't walk..." Mahina ngunit sapat na para marinig ni Alas ang bulong ni Fern. Napa buntong hininga na lamang si Alas sa sinabi nya. Mabilis syang binuhat ni Alas na pa bridal style at inupo sa motor nya.

" Hold still". Sabi ni Alas ngunit hindi ginawa ni Fern. Hindi sya kumportable sa posisyon nilang dalawa. Ang lapit nila g dalawa masyado. " Hug me". Utos ni Alas.

" Huh?"

" I said hug me".

" A-ayoko nga". Muling napa buntong hininga si Alas sa sinabi ni Fern. Kinuha nya ang dalawang kamay ng dalaga at pinaligid ito sa baywang nya. " Hug me tight as possible, mabilis akong mag patakbo. My chance na malalag ka". Sabi ni Alas sa binata kaya naman sumunod na si Fern sa sinabi nya.

Katulad nga ng sinabi ni Alas ay mahigpit pa sa mahigpit ang pag kakayakap ni Fern sa kanya. Mabilis nga itong mag patakbo ng motor. Tumingin si Fern sa salamin ng motor at tinignan roon ang itsura ni Alas.

His skintone is not that tan and not that white. Sakto lang, may kalakihan din ang katawan ngunit hindi maskuladong maskulado. Maganda din ang ang itim na itim nyang mata na bumagay sa mahabang pilik mata nya at ang makapal nyang kilay. Matangos at may kalakihan din ang ilong nya na sumakto lang din para sa hugis ng kanyang mukha.

Mapula din ang labi at may kalakihan. What is the taste of his lips like? Nagising sa realization is Fern ng mapag tanto nya ang kanyang nasa isip. Mabilis syang umiling sa naisip.

" I said hold still. Do you wanna die?".

" No!" Mabilis nyang sagot.

" Then hug me tightly". Utos ng binata sa kanya. Ilang minuto ay dumating na sila sa hospital. Mabilis silang inasikaso doon at tulak tulak sya ng isang nurse sa wheeling chair.

" Dito po muna kayang dalawa. Ipapatawag ko lang po si doc para magamot ko na kayo. Pakisamahan na lang  po ang girlfriend nyo sir". Nanlaki ang mata ni Fern sa sinabi ng nurse.

He's not my boyfriend and wala akong balak. Bulong ni Fern sa kanyang sarili.

" Sure". Sagot naman ni Alas bago umalis ang nurse. Tumingin naman si Alas kay Fern.

" Stop with the look. It's not funny". Pag susungit nya. Hindi alam ni Fern kung saan sya nakakakuha ng kasungitan, dapat pa nga syang mag pasalamat dahil tinulungan sya ni Alas. Maya maya pa ay dumating na din yung doctor para gamutin sya buti na lang ay hindi nagulungan ang paa nya at sadyang na mali lang sya ng pag kaka bagsak sa sahig. Nawala kasi ito ng balanse.

" Ipag pahinga mo lang yan ng ilang araw, I'm sure na gagaling ka din tapos reresetahin din kita ng mga gamot para naman mapabilis nyang pag galing ng paa mo. Mag iingat ka na sa susunod". Paliwanag ng doctor sa kanya kaya naman tumango sya.

" Fern kamusta yung paa mo?" Nakita nya si Varsha kaya naman pilit syang ngumiti.

" Okay naman na ako masakit lang pero kaya ko toh." Paliwanag nya.

" Ano ba kasing pumasok sa kokote nyo at nagawa nyong tumawid agad alam nyo naman na may paparating na motor." Giit ni Kaji.

" Hindi namin kayo nakita okay, nag kakatuwaan kasi kami nitong kaibigan ko." Sagot naman ni Varsha sa kanya.

" Nag papapansin lang kayo samin."

" Hindi ahh, feeling nito!" Depensa ni Varsha.

" Tama na nga yan,Varsha tara tulungan mo ako dito. Umuwi na tayo." Yaya ko kay Varsha at pinilit kong tumayo.

" Hindi ba kayo mag mamagandang loob na iuwi kami sa bahay ng kaibigan ko?" Sabi ni Varsha sa dalawa kaya naman pareho silang nag katinginan.

" No." Mabilis na sagot ni Kaji.

" Bro, pag bigyan na natin. It's our fault." Bulong ni Alas ngunit sapat na para marinig naming dalawa.

" Okay fine". Walang nagawa si Kaji kung hindi ang sumunod. Mabait din naman pala itong mokong na 'to, bulong ni Fern sa kanyang isipan. Pag kauwi nila sa bahay ay mabilis na din na umalis ang dalawang lalaking mag kaibigan habang si Varsha naman ay nag tatatalon sa tuwa at kilig ng maka alis ang dalawa.

" Hala kita mo yun?? Naka sakay ako sa motorcycle nya Fern! OMG! kinikilig ako! Ang bango bango nya tapos naka hug pa ako sa katawan nya, Kahit hindi ko sya amuyin talagang sumusuntok sa ilong ko yung pabango nya! OMG!" Pag tititili ni Varsha habang papasok sila ng bahay nila.

" Varsha dahan dahan lang yung paa ko." Paalala nito.

" Oh? Napano ka insan?" Tanong ng kanyang pinsang lalaki na kakatapos lang kumain.

" Muntik na po akong masagasaan eh, pero wag po kayong nag mag aalala kuya Adonis okay naman po ako nadala na po ako sa doctor." Paliwanag ni Fern.

" Ay nako kayo talaga mga bata kayo, sa susunod mag iingat kayo ah delikado pa naman na sa labas ngayon. Di mo alam sa susunod mas malala na yan. Doble ingat kayo." Tumango na lamang si Fern habang binibigyan nya ng meaning na tingin si Varsha.

" Nay! Pasok na ho ako sa trabaho." Sigaw ni Kuya Adonis sa kanyang tiyahin.

" Ingat ka, oh Fern anong nangyari sayo?" Mabilis na pinaupo ng kanyang tita si Fern ng makita itong nahihirapan sa pag lalakad.

" Okay na po ako tiya, wag na po kayo mag alala." Sabi nya na lamang dito kaya tumango ang kanyang tiyahin at nag patuloy sa ginagawa nito sa kusina.

" Hala beshy my bibilovee balot penoy. Sorry ah kung nasaktan ka pero di bale na at least diba napagamot naman na natin yan at! Wag kalilimutan ang nangyari kanina lang. Nakasama nila tayo. Shet talaga ang bango ni Kaji." Kinikilig na sabi ni Varsha.

" Ewan ko sayo Varsha." Sabi na lamang ni Fern.

" I think this is really is it na talaga Fern. Anong sa tingin mo? Tingin mo ba mapapansin nya na ako? Tingin mo ba magiging kami na bukas? Tingin mo ba may kasalan ng magaganap? Hala kailangan kong tawagin si mommy at sabihin na dadating na ang future son in law nya."

" Tingin ko tigilan mo na yang kaka hihit ng shabu sa gabi." Sagot ni Fern kaya naman mabilis na nawala ang ngiti ni Varsha. " Ibang level din ang pagiging delulu mo teh, naiangkas lang tayo sa motor, kasalan na agad? OA ka naman masyado di nga natin alam kung masusundan pa yang interaction nyo." Sabi ni Fern sa kaibigan.

" Ay sis, hindi ko hahayaan na ito ang last interaction naming dalawa ni Kaji, bumagyo man o lumindol di ko hahayaan na mangyari yun. Dapat ako ang maging asawa nya." Napasapo na lang si Fern ng kanyang ulo dahil sa kung anong ano pinag sasasabi ng kanyang kaibigan. Hindi nya alam kung saan nag mana ng pagiging delulu itong kaibigan nya dahil hindi naman ganito ang mga magulang nito at lalong lalo na hindi naman sya delulu.

~~~
Paalala lang ating gayahin ang pagiging delulu ni Varsha!

Stay being a delulu guys!

AlasWhere stories live. Discover now