Episode 15 : You tell the Luna

Start from the beginning
                                    

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Linn.

"Go back and protect Astra. It's a royal order," sabi ko bago mabilis na tumakbo papunta sa kumpol ng mga lamang lupa. Hindi ko alam kung gaano karami sila, o kung nauubos ba sila dahil kanina pa kami nakikipaglaban sa iba't ibang elemento, pero tila dumadami lang sila.

I don't know if it's possible na magkaro'n pa ng ganito karaming lamang lupa at elemento sa mundo na 'to. Buong akala namin, halos lahat ng lahi nila ay tumira na sa kabilang mundo, o namatay dahil sa unang gyera sa pagitan ng mga tao at mga diyos.

Mabilis akong umilag nang may maghagis ng sibat sa kinaroroonan ko. Tumalon ako nang may magtangkang kalmutin ako sa hita ng matatalim niyang mga kuko.

Some of these creatures weren't written in books! Tila nabuhay ang mga pre-historic at mythological creatures na nakakalaban namin ngayon. And that's oddly insane dahil hindi namin alam kung sino at ano ang mga kinakalaban namin. Dahil ba 'to kay Kalaon? O may iba pang dahilan kung bakit sila naghahasik ng kasamaan sa mundong malapit na mamatay?

Ilang minuto akong dumepensa, ilang beses akong umaras dahil sa dami ng mga kalaban na sabay-sabay akong sinusugod.

Pero nang makahanap ako ng tyempo, mabilis akong tumalon at iwinasiwas ang espada ko. hindi nila inaasahan ang bigla kong pag-opensa kaya natamaan ang dalawa sa kanila, kritikal ang lagay kaya dagling bumagsak sa lupa.

May tatlo pang nakatayo, kaya mabilis akong sumugod at sabay-sabay silang kinalaban gamit ang natutunan kong mga galaw at technique simula pagkabata sa martial arts class at swordsmanship---mga klaseng para lamang sa mga may matataas na ranggo sa bansa, kabilang na ang royal family.

I slighty bend to dodge the kick of one, before finally releasing my attack. Mabilis kong winasiwas sa tiyan nila ang espada ko, dahilan para saglit silang mapaurong. May galos man, sabay-sabay naman silang sumugod sa akin para ituloy ang laban. Hindi sila natinag nang itutok ko sa kanila ang punto ng espada ko, kaya wala akong pag-aalinlangan nang mabilis akong tumakbo palapit sa kanilang tatlo at isa-isa silang pinatumba gamit ang mabibilis kong bwelo at atake.

I've never been into any war before. Kahit pa isa ako sa pinakamagaling na estudyante sa martial arts noon.

Akala ko nga ay wala lang tiwala sa akin si tito kaya hindi niya ako pinapasama sa royal army sa tuwing may mga terorista sa border ng bansa na pumapasok sa teritoryo namin.

Ngayon alam ko na kung bakit ayaw niya akong ipadala sa mga laban noon.

It's too exhausting.

However, I can't deny the fact that it's also satisfying. Using the things that I've learned from sleepless nights in real life fights, it feels surreal and good.

Napagitla ako nang may tikbalang na mabilis nakalapit sa akin. Agad ako nitong sinipa at sa lakas ng pwersa ay agad akong tumilapon.

Pagbagsak ko sa sahig, agad akong napadaing sa sakit.

Tila may matalim na bagay sa likuran ko, at tila nag-aalab sa init ang katawan ko. Marahil may sugat akong natamo kaya ganito na lang ang reaksyon ng katawan ko pagbagsak ko sa lupa.

Napa-angat ang tingin ko nang mabilis na harangin ni tito 'yung tikbalang na sumipa sa akin. Akma sana akong aatakihin muli nito pero dahil sa mabilis na pagharang ni tito, agad itong napatigil. Lumingon ito sa akin, pero hinarangan ni tito ang espasyo para hindi ako nito makita.

Sinubukan kong bumangon agad.

Nang tuluyan na akong makatayo, tumabi ako kay tito habang hawak nang mahigpit ang espada ko.

"How much is your bet?" nakangisi niyang tanong sa akin, as if what we're in right now is just a game to him.

Hindi ako sumagot. Bagkus, nagsimula akong sumugod. Dahil napuruhan ako, nahirapan akong gumalaw. Pero nang unti-unting umayos ang pakiramdam ko, nakuha ko agad ang kahinaan ng tikbalang.

Fragments of the UniverseWhere stories live. Discover now