Episode 15 : You tell the Luna

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang magagawa ko lang ay maghintay at makinig sa kung ano mang gusto niyang sabihin sa akin.

Kung ayaw niyang sabihin, ayos lang.

She'll be fine without my help. I know it. She's Elle after all.

Huminga ako nang malalim bago pinagmasdan ang kalangitan. Hindi masyadong nakakasilaw ang araw. Nakakapagtaka nga na tanghali pa lang pero tila hapon na.

Uulan siguro?

"Ano na kayang nangyayari kila David ngayon?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa langit. Dinama ko 'yung biglang paghangin. Hindi man kasing lamig ng hangin sa balkonahe kagabi, sapat naman 'yon para pagaangin ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung bakit tila nag-aalala ako, gayong crown prince naman si David at tungkulin talaga niya ang umaksyon kapag may nangyaring sakuna o kung ano pa mang peligro na p'wedeng ikapahamak ng mga taong nasasakupan niya.

Siguro nasanay na lang ako sa presensya niya at hindi ako mapakali kapag wala siya sa paningin ko.

"Astra..."

Sa wakas ay nagsalita na rin siya.

"What if dito na lang ako?" tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Dito? What do you mean dito ka na lang? Gusto mo mapag-isa?" tanong ko kaya agad akong tumayo. "Kung ano man 'yang problema mo, alam kong kaya mo 'yan mag-isa. Kung kailan mo ng resbak, nando'n lang ako sa salas okay?" ani ko bago akmang maglalakad na sana palayo pero muli siyang nagsalita.

"Nahulog yata ako," sabi niya dahilan para mag-loading ang utak ko.

Nilingon ko sya. "Nahulog? Saan?"

May sugat ba siyang natamo nang mahulog siya kaya parang ang tahimik niya kanina pa?

"Hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko. Pero ang weird lang kasi," sabi niya dahilan para mas lalo akong maguluhan.

Dahan-dahan akong lumapit at muling umupo sa tabi niya.

"So ang problema ay nahulog ka at hindi mo sure kung nahulog ka talaga?" nagtataka kong tanong. Para sa akin, walang sense 'yung mga sinasabi niya pero hinayaan ko muna siyang ipaliwanag ang buong detalye bago ako mag-comment.

"Oo. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mahulog, pero alam ko sa sarili ko na hindi pangkaraniwan 'tong nararamdaman ko. Ang sabi ko Lord bigyan mo ako ng koryano, bakit mo naman ako bibigyan ng aso," sabi niya bago saglit n tumingin sa langit. Pagkatapos ay nilagay niya ang dalawang palad niya sa mukha niya bago umaktong umiiyak.

"Ha?" Akala ko maiintindihan ko siya kung sasabihin niya ang iba pang detalye ng problema niya, pero parang dalawa kaming namomroblema ngayon dahil wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. "Nahulog ka at---"

"Mahal ko na yata si Linn."

Now that made my mind more confused.






***






David






"Go back to them," saad ko kay Linn na nasa kanan ko at handang-handa na makipaglaban sa bagong bugso ng mga lamang-lupa na papalapit sa amin ngayon.

"Go back to them?" tanong niya sa akin nang hindi lumilingon.

"Hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal ang labanan na 'to. We don't know if this war is just in this area, o baka nasa ibang lugar pa sila maliban dito," sabi ko bago ko mabilis na itarak ang espada ko sa isang bungisngis na mabilis tumakbo palapit sa akin. sinundan naman ito ng mabilis na pagkalmot ni Linn sa nag-iisang mata nito, dahilan upang tuluyan itong bumagsak sa sahig.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon