Chapter 5: Missed Shot

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakakatamad kasing mag-type, gago!" hiyaw ko sa kanya. Akala ko ay may matino akong mapupulot sa kanila. Mga walang kwenta talaga 'tong mga kaibigan kong ito.

"Okay lang 'yan, Joon!" Bigla kong narinig si Anlex. "At least blue sa'yo. 'Yung kay Gin daw kulay green. Hahaha!"

"Hoy!" angal ni Gin. "'Wag ka ngang mag-imbento!"

Narinig kong nagkakaguluhan na sa kanila.

"Hoy, 'wag niyong dumihan ang kainosentehan ni Gin," sabi ko sa kanila. Napahinto ako dahil biglang sumagi sa utak ko si Cleng, inosente rin kasi siya sa mga ganitong bagay.

Napabuntong-hininga ako. "O siya, salamat sa wala." Ibinaba ko na ang tawag.

I really want to see her again, but I'm sure I ruined my chances already. Sigurado akong ayaw niya na 'kong makita ulit.

"I just missed my shot," I said as I raised my hands in the air and threw them as if I was shooting a basketball.

After that, I forced myself to go to sleep.

***

Kinabukasan ay may pasok sa school. Pinuno ko ng alak ang tumbler ko at nilagay ito sa bag. Iniinom ko ito tuwing klase. I was already an alcoholic before meeting Cleng, but after that bad night with her, lalo akong naging desperado magpakalasing.

The days went by with me feeling empty inside. Sinusubukan ko siyang hanapin sa Facebook pero hindi ko siya makita. Malamang, nickname siguro ang Cleng.

Tinawagan ko ulit ang mga kumag kong kaibigan.

"Tobin, puwede mo bang gamitin ang utak mo this time?" hirit ko sa kaniya.

"Gago ka, ikaw na nga humihingi ng tulong diyan, eh. O, napatawag ka? Anong kulay naman ng balls mo ngayon?"

Binuksan ko saglit ang video at nag-bad finger sa kanya. Ganyan lang talaga kaming mag-usap pero mahal namin ang isa't isa.

"Ano sa tingin mo ang real name ng isang Cleng?" tanong ko. Hindi ko mapigilan mag-blush nang sabihin ko ang pangalan niya.

"Cleng?" Inulit ni Tobin. "'Di ko alam, Clarence?"

Napailing na naman ako. "Ilipat mo nga ulit sa iba! Walang pag-asa sa 'yo!"

"Clarisse?" sabi ni Gin sa kabilang linya.

"Kung Clarisse 'yon, hindi ba dapat Clang ang nickname niya?" Narinig kong sagot ni Anlex sa kanya.

"Clerisse?" hirit ulit ni Gin.

Kanina pa ako panay buntong-hininga sa mga kumag na 'to.

"Bakit 'di mo subukang hanapin sa pamamagitan ng friends niya?" Kinuha ni Denz ang phone mula kay Gin. "Alam mo ba ang pangalan ng mga kaibigan niya?"

Aba, may point si Denz. Pagdating sa ganito, sila lang talaga ni Nikko ang matinong kausap. Saka si... Napalunok ako nang pumasok sa utak ko si Bastiel. Nagkaroon kasi kami ng away. I should probably apologize to him soon.

"Sige, salamat!" Ibinaba ko na ang tawag at sinubukan ang suggestion ni Denz. Ano nga ba ang pangalan nila? Bey? Jeb? Napakamot ako ng ulo. Ano ba 'yan, puro nickname na naman!

I just sighed and gave up on searching.

***

Isang linggo na ang lumipas ngunit wala pa rin akong kahit anong alam tungkol kay Cleng. Sa sobrang lungkot ay ibinubuhos ko na lang sa pag-inom ng alak at paninigarilyo ang nararamdaman ko.

Nag-iimbita rin ako ng iba't ibang babae sa condo ko, baka sakali ay makalimutan ko si Cleng kapag may iba akong kapiling.

"Oh, Joon! You're so good!" The girl riding me moaned. Unfortunately, I'm not getting turned on by her and by other girls anymore.

Ipinipikit ko ang mga mata ko, at kusang lumalabas ang imahe ni Cleng sa utak ko. That's the only way I could function in bed. I pictured her in the black bra that she was wearing while walking around my place.

At gano'n na nga palagi ang nangyayari. Every time I sleep with another woman, I couldn't help but imagine that it's Cleng I'm doing it with.

Malala na ako. Tinamaan na ba ako sa kaniya? Sa isang babaeng hindi ko man lang nadala sa kama?

This is something new for someone like Joon Villamontano. I spend my days and nights with a different girl in my bed, ngunit kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng nararamdaman para sa kanila.

Did I just fall for a girl who I only spent the night with, just singing and dancing to Taylor Swift songs? May gayuma ba ang mga labi niya nang halikan ko siya noon?

Habang inaalam ang nararamdaman ko, doon ko napagtanto na magkaiba ang pagtingin ko kay Cleng at kay Cherry, ang girlfriend ni Bastiel na naging dahilan ng away namin at pag-alis ko sa Green Giants.

What I feel for Cleng right now is something deeper and more fatal to the heart. I realized that Cherry was just a simple crush, and Cleng hits different.

The innocent Cleng was able to turn my whole world upside down.

That's it. I really need to see her again.

Huminga ako nang malalim at inalala ang mga pangyayari noong gabing magkasama kami. Habang nag-iinuman ay nagpakilala kami sa isa't isa. Saka ko lang natandaan... nabanggit niyang nag-aaral siya sa Yuchengco University.




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon