Chapter Four (SPG)

Magsimula sa umpisa
                                    





            Tiningnan niya ang mga damit na ibinigay nito sa kanya, hindi naman iyon pambabae pero wala naman siyang magagawa. After she freshened up ay lumabas na siya ng banyo at muling sinulyapan ang pagkain na nasa tabi ng kama. She really wanted to eat pero wala talaga siyang gana. Lumabas na rin siya ng silid upang hanapin ang masungit na lalaki pero wala na ito doon kaya nagpasya nalang siyang umalis baka kasi mas lalo itong magalit sa kanya kapag nanatili pa siya doon. Ayaw niyang maging pabigat pa.




            Katangahan kung maituturing na umalis siya sa poder ng lalaking iyon kahit na wala siyang maalala, kaso ayaw niyang magalit ito sa kanya at saka tama naman ang sinabi nito. Natulungan na siya nito kaya pwede na siyang umalis.       





            Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad sa walang hanggang daanan na iyon, kanina sobrang lamig ng panahon ngayon naman sobrang init. Nahihilo na rin siya sa gutom at sa sakit ng ulo niya pero hindi siya pwedeng sumuko kailangan niyang mahanap ang pamilya niya.




            "Umulan pa." bulalas niya ng maramdaman ang pagpatak ng ulan, kaagad siyang naghanap ng masisilungan mabuti nalang at may malaking puno ng manga na nandoon kaya doon na siya sumilong. Nanunuot na ang lamig sa katawan niya at basang-basa na rin siya. She just hugged herself and prayed na sana ay may makita siyang tutulong sa kanya. She is weeping in silence as she tried not to fall asleep.





            "Sir nandito po iyong hinahanap natin!"      





            "Saan?"





            "Mukhang patay na yata ito Sir hindi na gumagalaw at ang lamig-lamig na."





            "Shit!" may naramdaman siyang init na bumalot sa katawan niya. "Buhay pa ito, dalhin na natin sa bahay." Umangat ang katawan niya sa lupa at malaki ang pasasalamat niya sa may-ari ng mainit na bagay na bumalot sa katawan niya. "Bakit ka ba umalis tanga ka ba alam mong wala kang maalala tapos umalis ka pa!" she moved her hands, she wants to touch him pero wala na siyang lakas para gawin pa iyon kaya hinayaan nalang niya ang sarili niyang lamunin ng antok at ng kadiliman.





ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon