Chapter 2: Walang Inosente sa Mundo

Začít od začátku
                                    

"Yes, going!" Kinindatan niya ako bago umalis. "By the way, may isa kang mali. Hindi ako gabi-gabing may kinakama."

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, "Pati sa umaga rin." Ngumisi siya at tuluyan nang umalis.

Namula ang buong mukha ko sa sobrang hiya.

"Oh my god, Cleng! Si Joon pala 'yong kausap mo!" Jeb shook me while stating the obvious. "Sorry mare, hindi ko napansin agad kasi madilim!"

Waah! I just humiliated him directly! Teka, ako nga yata ang na-humiliate. Sa sobrang embarrassment ay bigla kong inagaw 'yong baso ng alak kay Jeb at inubos ito nang isang tunggaan.

"Whoa, chill!" Nagulat siya sa ginawa ko. "Dahan-dahan, Cleng! Alam mo naman ang nangyayari 'pag nalalasing ka!"

"OMG!" Bey finally saw us and joined in. "Is Cleng Kerengkeng coming to town?" she yelled excitedly.

Hindi ako umiinom ng alak dahil nagbabagong-anyo ako kapag nalalasing. I become a total flirt when I'm drunk, the exact opposite of Cleng the Virgin. Nawawala ang lahat ng mga inhibisyon ko at sinasaniban ako ng isang malanding espiritu.

"Wassup, bitches!" Itinaas ko ang basong inubos ko nang pabaliktad.

"Wooh! Cleng Kerengkeng is in the house!" Kinuha ni Bey ang isa ko pang kamay at itinaas din ito.

"Uh-oh," nag-aalalang reaksyon ni Jeb. "Oh well, time to party!"

Panay inom at sayaw naming tatlo na parang wala nang bukas. Halu-halong vodka, tequila, at rum na ang mga pinag-iinom namin. Umakyat pa nga kami ng stage dahil wasak na wasak na kami, at sumasayaw na sa tabi ng DJ.

"Jeb! Dali, hanapan na natin ng boylet si Cleng habang nasa mood siya!" suhestiyon ni Bey.

"Ako bahala!" Tumango si Jeb sa kanya. "Expert yata ako sa pag-wing man!"

"Sige nga. Kung expert ka talaga, madadala mo ba rito si Joon?" Humahagikgik na ang lasing na si Bey.

"Sus! 'Yon lang?" Biglang sumigaw nang malakas si Jeb, "Hoy, Joon! Nasa'n si Joon Villamontano?"

Nagtinginan ang lahat ng mga tao sa direksyon ni Joon na panay inom na rin ng kung anu-anong alak.

"Hoy, Joon! Paligayahin mo 'tong best friend namin!" Tinuturo ako ni Jeb. "Sawi siya ngayon kasi anim silang tinuhog ng ex niya! Anim! Okay lang sana kung lima eh, kaso anim! Six!" Pumipiyok-piyok pa ang bruha.

"Pasiyahin mo siya kasi birthday niya ngayon! Birthday!" Tinataas naman ni Bey ang kamay ko.

"Hindi ko birthday! Hic!" Medyo wala ako sa huwisyo kaya hindi ko masyadong naiintindihan ang mga nangyayari.

Nagbigay-daan ang mga tao at lumapit sa 'kin si Joon. "Alright, I'll take care of your friend." Bigla niya akong binuhat mula sa stage, kinarga niya ako sa balikat at dinala ako sa dance floor. Nagtilian ang mga tao.

"Ikaw ba talaga 'yong inosenteng babaeng kausap ko kanina?" tanong niya sa 'kin nang kaming dalawa na lang ang nagkakarinigan. Lahat ng mga tao ay bumalik na sa kanilang pinagkakaabalahan. Ang mga kaibigan ko naman ay busy nang maghanap ng kaniya-kaniyang malalandi.

"Inosente? Walang inosente sa mundo!" Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. "Ano ulit pangalan mo? Shoon? Hic!"

"Sobrang lasing niyo nang magkakaibigan. May dala ba kayong kotse? You guys shouldn't be drinking too much."

"Sino ka ba, mommy ko?" I squeezed his cheeks with my palms, making him look like a fish. "Mommy Shark, doo-doo-doo! Hic!"

"Tipsy ka na nga!" Binunot ni Joon ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa at may tinawagan. "Oy, kailangan ko kayo! Punta kayo ngayon sa Revel ngayon din."

"Sino tinawagan mo? Dyowa mo?" Pinipisil-pisil ko naman ngayon ang ilong niya. "Tutuhugin mo rin ba kami?"

Napapailing na lang siya dahil sa sobrang kakulitan ko. Maya-maya ay may dalawang lalaking dumating sa club. Awtomatikong nagtilian na naman ang mga babae.

"Si Tobin! Nandito rin! Kasama niya si Anlex!"

"Anlex! Waaah! Pa-selfie, idol!"

Lumapit silang dalawa sa 'min at kinausap si Joon.

"Hoy, Joon. You better have a good reason for calling us out here," sabi ng isang lalaking may maskuladong katawan.

"Tama si Tobin! Bakit ka ba pumaparty ngayon? Nagbati na ba kayo ni Bastiel?" tanong naman ng isa pang dumating.

Nagbuntong-hininga si Joon bago sumagot sa kanila. "Kailangan ko ang tulong niyo. Ihatid niyo naman 'yong mga kaibigan nitong kasama ko sa mga bahay nila. Lasing na lasing na kasi. Ako na maghahatid dito." Inakbayan niya 'ko bigla. Kahit wala ako sa tamang katinuan, kinilig pa rin ako sa ginawa niya.

The guy called Anlex squinted his eyes and looked at me. "Miss, mag-ingat ka rito kay Joon! Kapag kailangan mong tumakas, weakness niya ang kiliti niya sa tagiliran! Don't ask me how I know."

Binatukan naman siya ni Joon. "Tumigil na nga kayo! Kung siraan niyo 'ko akala niyo kung sino kayong matitino!"

Nagtawanan silang tatlo. Tinuro na ni Joon sa kanila kung sino sina Bey at Jeb. Nang sunduin nila sila ay sobrang tuwang-tuwa ang mga bruha imbis na magtaka.

"Cleng! See you! May bago na 'kong Papa!" Nagpaalam na si Jeb habang nakayakap kay Tobin.

"Bye, Cleng! Bye, virginity!" hiyaw naman ng lasing na si Bey na inalalayan ni Anlex.

Nang makaalis na sila ay tinignan ko nang masama si Joon. "Can your friends really be trusted?"

"Oo naman." Nakita kong nag-book na rin si Joon ng Grab. "We're also going now. Saan ka nakatira para ma-pin ko?"

"Sus! Gusto mo lang malaman kung saan ako nakatira para mabalikan mo 'ko!" Lasing pa rin ako kaya pinipindot-pindot ko ang gitna ng dibdib niya. "Doon tayo sa place mo! Mas safe doon!"

Hindi makapaniwala si Joon sa sinasabi ko. Natatawa na lang siya sa sobrang kalasingan ko. "Sure ka bang mas ligtas ka sa 'kin kaysa sa bahay mo?"

I pouted my lips and nodded intensely. "Sure na sure! Final answer!"

"Fine, fine. If you say so, then I'll take you to my place."



#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryKde žijí příběhy. Začni objevovat