RPW UNEXPECTED MEET UP 5: Street food Queen

1 0 0
                                    

Dedicated to: Cuen Killian
- - -

Abala ako sa pag aabot ng mga bayad at sukli ng mga bumibili saamin ng may grupo ng magkakaibigan ang lumapit.

Nag bebenta kami ng barbeques, siomai, kwek-kwek, kikiam, at kung ano-ano pang iniihaw at pini-prito sa gilid ng ng kalsada kaya naman madami ang bumibili.

Kakauwi ko lang dito sa probinsya galing sa syudad, doon kasi ako nag aral kaya naman ngayong sem break ay umuwi na muna ako. Nakakamiss din dito saamin. Lalao na yung mga barkadang naiwan ko dito.

"Kuya, sino sila?" Tanong ko kay kuya na kasalukuyang nag papaypay ng mga inihaw sabay nguso sa grupo ng magkakaibigan na papalapit saamin.

"Ahh sila ba. Mga kaibigan ng bagong lipat na pamilya dun sa kanto, noong nakaraan pa sila rito." Sagot nya.

"Kaya pala mga mukhang bigatin." Saad ko.

"Oo nga. Pero wag ka! Malakas yan bumili saatin. Lalo na yang naka kulay puti na babae. Yang naka pula naman ay ang anak ng bagong lipat."

Tiningnan ko naman ang babaeng tinutukoy nya, iyong naka puti. Maganda, mala porselana ang kutis at halatang yayamanin. Nakaka dagdag pa sa ganda nito ang hindi pagiging maarte.

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko ng tuluyan na silang maka lapit saamin.

"Kuya 50 pesos po na isaw at 50 rin na karne." Dinig kong saad ng babaeng naka pula. Yaong sinabi ni kuya na anak ng bagong lipat.

"40 pesos din na kwek-kwek kuya, at 20 na kikiam." Saad ng lalaki na sa tingin ko ay syokla.

Madami pa silang nag order kay kuya at ako naman ay todo abot lang ng bayad at sukli sa kanila. May mga upuan at lamesa din kasi sa harapan ng pinag lulutuan namin since nasa harapan lang sya ng bahay kaya may iba na uupo saglit para kumain, may bibili nanaman, at babalik sa pwesto nila.

Naka enjoy talaga ang pag bebenta ng street foods. Paborito ng bayan. Pwera na lang dun sa mga di kumakain. Basta ako, di ko pag sasawaan ng ganitong pagkain. Ang sarap eh. Parang ako...

Joke... Oh! Joke lang eh, apaka ma-issue.

"100 pesos na siomai, 20 pesos na kikiam, 20 pesos rin na kwek-kwek, 50 pesos na isaw at 10 pesos na fishball."

Napaligon ako sa babaeng nag abot ng 200 pesos saakin, halos malaglag ang panga ko sa dami ng binili nyan.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. De joke, mukha nya lang talaga tiningnan ko. Nakakhiya naman i head-to-foot ang customer.

Hindi naman sya mataba at hindi rin mapayat. Sakto lang.

Umiling ako bago inabot ang 200 pesos at inasikaso ang ibang inorder nila.

"Ito na ang 20 pieces na siomai, 8 sticks ng kikiam, dalawang kwek-kwek, 20 sticks ng isaw at 20 pieces na fishball."
Isa-isa kong nilapag sa lamesa ang inorder ng babaeng naka puti mula sa tray na hawak ko.

Nasa iisang lamesa lang sila ng mga kaibigan nya at nag tatawanan ito na para bang sanay na sa dami ng inorder ng kaibigan nila.

"And... Free soft drink for you siomai queen." Saad ni kuya. Na sumingit sa pagitan namin.

"Hahaha, naku naman po kuya. Wag ko po akong tawaging siomai queen." Naiiling nyang saad habang nakangiti.

Kung maganda sya kaninang naka poker face, ay mas maganda pala sya kapag nakangiti.

"Oh bakit? Kasi boyfriend mo lang tumatawag sayo nyan?" Namulsa si kuya at mukhang di ako bibigyan ng pagkakataon na makausap ang babaeng ito kaya naman bumalik na lang ako sa pwesto.

"Opo eh." Dinig kong sagot nya.

Di ko na lang sila pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa iba pang bumili.

"Ano bang mundo yan? May ganun pala?"

"Opo. Accually po, doon ko nakilala ang boyfriend ko. Pero di ko pa sya nakikita hanggang ngayon."

Mula dito sa kinatatayuan ko ay dinig ko ang usapan nila kuya. Di ko maiwasang mabanas kasi naman may mga bumibili at nandun sya humihirit sa customer.

Pero ano nga bang pake ko? Kaya ko naman mag isa. Tssk.

"Possible ba yun? Paano kung pangit pala sya? O di kayo bagay? Diba di mo pa nakikita?" Saad ni kuya.

Di ko alam kung anong pinag uusapan nila, kaya na iintriga ako at di ko maiwasan na makinig pa.

"Eh ayos lang po yun. Hindi naman nababase sa itsura ang pagmamahal. Well, kung gwapo aba'y swerte ko naman."

"Swerte din naman sya sayo. Sa ganda mo ba naman."

Di ko maiwasan ang mapa-irap. Napaka babaero, isusumbong ko to sa syota nya.

"Mas swerte ako kay Cuen kuya." Napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon sa kanila.

"Cuen? Yun ba pangalan ng jowa mo?" Tanong ni kuya.

"Opo, Cuen Killian. Di nya totoong pangalan." Sagot nya.
Dali-dali akong lumapit sa kanila na may dalang lapis at yung listahan namin ng umuutang, oo nag papautang kami pero hanggang 50 pesoang. Itinabig ko si kuya tsaka umupo sa bakanteng upuan katabi ng babaeng naka dilaw.

"Tabi, ako na. Anong spelling ng pangalan nya?." Tanong ko.
"Huh?" Nag tatakang tanong nya.
"Pangalan ng jowa mo, anong spelling?" Pag kaklaro ko pa.
"C, U, E, N. Cuen." Saad nya bago kumain.

Nilingon ko si kuya na ngayon ay natatawang bumalik sa lutuan.

"Eh yung surname nya?"
Di muna sya sumagot at tinapos muna ang pag nguya.

"K, I, L, L, I, A, N. Killian."

Ngumiti ako sa kanya ng hindi manlang nagsasalita.

"Why?" She asked. "May dumi ba sa mukha ko?"

"Madaming Cuen Killian sa RPW, but I have 1 question to confirm my thoughts."

"Hmm... Go ahead." She nodded.

"Are you Stella Queens?"

Napaubo sya ng kaunti kaya naman agad kong inabot ang soft drink na dala ni kuya kanina. Hinayaan ko muna syang uminom.

"P- paano mo nalaman?" Kunot-noo nyang saad.

"Kasi ako yun. Ako si Cuen Killian na boyfriend ni Stella Queens." Binigyan ko sya ng matamis na ngiti na agad nya ring sinuklian ng mahigit na yakap.

Niyakap ko na rin sya pabalik.
Nagulat pa ang mga kaibigan nya lalo na si kuya, pero di na namin sila pinansin.

Masyado na akong masaya para intindihin ang ibang tao.

May mga bagay talaga na nangyayari na lang ng hindi mo inaasahan. And I'm so thankful na na-meet ko na rin sya ng hindi na namin kailangan pang mag hintay ng mas matagal pa.

"Siomai pa ba my siomai queen?"

Ngumiti sya saakin bago tumango. Ngiti unang beses kong makita pero habang buhay kong aalalahanin.

"Yes please, my future king."

- - -

Role Play World (UNEXPECTED ENCOUNTERS)Where stories live. Discover now