RPW UNEXPECTED MEET UP 4: My Doctor

1 0 0
                                    

Dedicated to: Francine Gomez
- - -

"Doc ano pong sakit ko?" Tanong ko sa doctor na kaharap ko. Binata pa ito, pogi at makisig.

Kung hindi lang ako loyal ay baka magustuhan ko na sya. Kaso sorry. Loyal ako. -,-

"Insomnia lang naman. Pero kapag nag patuloy ka pa rin sa pag pupuyat mauuwi yan sa malalang sakit." Saad nya habang nag susulat sa papel na sa tingin ko ay riseta. Inabot nya ito saakin.

"Bat nga ba ang pangit ng writing ninyo?" Pabulong kong saad kasi di ko talaga mabasa ang hand writing ng mga doktor.

"We studied our hand writings, so that only pharmacist can read them." He said.

Ay chaka ang koya nyo, englisherist!

"Psh, di naman kita tinatanong." Akmang tatalikod na ako ng mag salita sya ulit.

"Wag kana mag puyat sa maling tao. Ingatan mo sarili mo." Saad nya ng di naka tingin saakin.

I snobbed before grabbing my phone.

‘sabi ng doktor na pinag check up-an ko maling tao ka daw.’ (sent)

Tinago ko na ang phone ko matapos kong i- text si Ace.

Papalabas na ako sa pinto ng room nya ng marinig ko syang sumigaw.

"FRANCINE GOMEZ!!!"

Nakakarindi man ang boses nya ay nilingon ko pa rin sya, nakita ko syang papalapit saakin.

"Binabawi ko na ang sinabi ko, ayos lang mag puyat ka basta ako ang kausap mo."

"Anong pinag sasabi mo?" Deny ko pa sa kanya. Baka kasi ibang Francine Gomez yung tinutukoy nya.

"I text mo ulit boyfriend mo." Naka ngisi nyang saad ng isang hakbang na lang ang pagitan namin.

"Bakit ko naman gagawin yun?" I crossed my arms in front of my chest. Walang gana nya akong tiningnan.

"Oh! Ito na nga ite-text na."

Kinuha ko ang phone ko tsaka nag type ng text para kay Ace. Sya naman ay bumalik sa lamesa nya para kunin ang phone nya.

'Ang pangit ng doktor na pinag check up-an ko.' (sent)

Ilang segundo lang narinig ko ang boses ko mula sa kinatatayuan nya.

*Mahal kita baby Ace*
*Mahal kita baby Ace*

Di ko maiwasan na mamula sa kahihiyan, kahit di ko kumpirmado kung saakin ba talaga ang boses na yun.

Tiningnan ko yung doktor na ngayon ay nakatingin saakin ng naka ngisi.
Ako naman ay di makapaniwala sa narinig.
Yun kasi yung voice message na sinend ko kay Ace noon.

Does this means...

Lumapit sya saakin tsaka hinapit ako sa baywang.

"Mahal din kita Francine"

Di ko maiwasan na mapangiti. Sya nga! Si Ace Natividad, ang ka-rs ko sa rpw.

- - -

Role Play World (UNEXPECTED ENCOUNTERS)Where stories live. Discover now