UNEXPECTED MEET UP 2: The Bar

2 0 0
                                    

Dedicated to: Seren Nova
- - -

'Bakit ba kasi?! Di ka pa ba kuntento saakin?!' (Sent)

'Hindi ko naman jojowain yun, promise ikaw lang mahal ko.'

Pagkabasa ko ng reply nya agad na nag init ang ulo ko.

Sumusorba na talaga ang lalaking to! Di ko na kaya ang mga pinanggagawa nya!

We're in a relationship for almost a year tas ngayon pa sya magloloko?
Paano ba naman kasi, gusto nya daw magkaroon ng girl best friend, tapos nag uusap na sila matagal na. Eh ano ako? Di nya ba ako pwede maging best friend and girlfriend at the same time?

'mag break na lang tayo tangina ka!'(sent)

Lumabas ako ng bahay dala ang pitaka at cellphone ko at dumiretsyo sa isang bar medyo may kalayuan saamin. Ayos lang naman kahit malayo, mag momotor naman ako. Kung sakaling malasing ako at may mangyayaring masama saakin, bahala na. Basta naiinis ako ngayon.

Galit ako! Galit ako to the highest level of heaven. Amp!

Pag dating ko sa bar, agad akong humanap ng mauupuan at padabog na umupo. Nag order na rin ako ng isang bucket ng beer. Sa isang bucket may limang bote ng beer.

Ngayon ngalang ako nagka jowa sa rp, dun pa sa gago. Tangina nya! Mag sama sila ng best friend nya mga loslos.

Uminom lang ako ng uminom hanggang sa di ko namalayang naka dalawa't kalahating bucket na ako.

"Gosh! Nahpakah wahlang hiyah!"

Di ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Basta kasi nahihilo na ako at di ko na kayang tumayo. Pakiramdam ko tuloy dito na ako aabutan ng umaga.

"Whersh may fone?"

Nanlalabo na ang paningin ko at nasusuka pa ako. Jusko po. Ano na gagawin ko? Lagot ako nito kay mama. Lumabas na nga ako ng walng paalam, uuwi pa ako ng lasing.

Nang may mahawakan akong pitaka at cellphone, tumayo na ako at akmang aalis na pero bigla akong nahilo at natumba sa di ko alam kung anong bagay yun. Basta ang alam ko...

Gusto ko na matulog...

(Unknown voices)

"Go check her phone"

"Or her ID's"

"Ang ganda nya pre."

"Magsi-tigil nga kayo! Kita nyo ng lasing eh, at babae pa."

Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig ko.

"Pre tingnan mo..."

Naramdaman kong may kamay na naka hawak saakin. Di ko maikilos ang katawan ko dahil sa sobrang sakit ng ulo.

"Seren Nova? Di ba pre..."

Narinig kong may bumanggit ng rp name ko kaya sinubukan kong imulat ang mga mata ko.

Madaming pag kurap pa ang ginawa ko bago ko tuluyang makita ang paligid.

Nasa bar pa rin ako at may mga lalaki akong kasama sa table ko.

"What the fvck?!" Inis na saad ko.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto kong nakayakap pala ako sa lalaking di ko naman kilala.

Pinilit kong tumayo ngunit natisod lang din ako kaya naman sinalo ako nung lalaking kayakap ko kanina.

Kumalas ako pero ayaw nya akong bitawan.

"Mr. I'm in a relationship, let me go." I said.

Tumitig lang sya saakin na para bang wala akong sinabi.

"Who's Seren Nova?" He asked.

"That's my rp name. So let me go."

"And who's your boyfriend?"

"Reniel Meek. But we just broke up. Now please, if you don't mind. I need to go."

Lumambot ang hawak nya kaya naman pagkakataon ko na para makaalis.

Pero di pa ako naka distansya ng kaunti ay niyakap nya ako ng mahigpit dahilan para mapa subsob ang pisngi ko sa dibdib nya.

"I won't let you go. Ever. As in NEVER. Ngayon pa ba na nakita na kita?"

"RENIEL MY LOVE???" Gulat na saad ko. Ang pogi naman nitong mahal ko.

"Yes hun, it's me. Your husband from RPW."

- - -

Role Play World (UNEXPECTED ENCOUNTERS)Where stories live. Discover now