CHAPTER 40

646 28 5
                                    

"Hey , bro." bati ni Aicho ng makapasok siya sa office ni Sycho.

Umangat ang tingin ni Sycho sa kapatid. "What's bring you here?" malamig ang tono ng boses niya.

"Magpapainom raw mamayang gabi si Sandro pangit sa Realson bar , broken yata ang g*go eh." sagot ni Aicho at umupo sa mahabang sofa. "Sama ka."

It's not a question, it was a commanded from his brother.

Napairap siya kay Aicho at ibinalik sa kaniyang ginagawa ang buong attention. "I'm busy , can't you see?"

"Bigyan mo naman ng break iyang sarili mo." mahinahong wika ni Aicho. "Simula nong umalis si Shantelle , kulang ka lagi sa tulog o natutulog ka pa ba? Ilang araw mo ng isinubsob yang sarili mo sa trabaho , tapos ngayon di ka sasama?" mahabang litanya ni Aicho habang kunot pa ang noo.

Well, ilang araw niya na bang isinubsob ang sarili sa trabaho? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima- limang araw niya ng ginagawa iyon upang hindi maisipang sundan si Shantelle sa kung saan man ito naroroon.

Ayaw niyang labagin ang sinabi sa dalaga, namimiss niya na rin ito at nais na niya itong makita at makasama ngunit kailangan niyang tumupad- tutupad siya sa pinag-usapan nila na hahayaan niya muna itong makapag-isa. Mag hihintay na lamang siya na tawagan ng babaeng pinakamamahal niya bago niya ito pupuntahan at iuuwi sa bahay niya at ikulong sa mga bisig niya.

Hindi pinansin ni Sycho ang kapatid, nakatutuk lamang siya sa mga papelis na nasa mesa niya, tungkol iyon sa mga kumpanyang ipinamana sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

"Sipag ahh , ikaw ba iyan Sycho Bates Saavedra?" pang-aasar ni Aicho, habang nakahawak pa sa dibdib na animo'y nagulat.

Inis niyang binalingan ang kapatid dahil sa pagsambit nito sa buo niyang pangalan at sa panggugulo nito sa kaniya. "Tsk! Just shut your fvck*ng mouth , Saicho Saavedra."

"Its Aicho not Saicho!" inis at madidiing wika ni Aicho.

"Whatever fvcker! Just leave me alone, I'll go there 7:30 in the evening."

Napangisi naman si Aicho. "Ang dali mo naman palang kausap , kuya Sy-"

"Leave." pagputol ni Sycho sa sasabihin pa ni Aicho, habang nakaturo ang hintuturo sa pintuan.

Tumayo si Aicho at naglakad palabas ngunit hindi pa man ito tuluyang nakalabas sa pinto ay nilingon nito ulit si Sycho na may ngisi sa labi. "Good bye , kuya Sycho. See you there muah muah." wika nito at nagpaflying kiss pa bago kumaripas sa pagtatakbo.

Nangasim naman ang mukha ni Sycho, lahat yata ng balahibo niya sa leeg ay nagsitaasan dahil sa huling sinabi ni Aicho.

"Nakakadiring kapatid." nakangiwing labi niyang bulong.

Umiling-iling siya at kumuha ng tubig na nasa gilid niya lamang at agad iyong nilagok. Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan ang kaibigan niyang si Khillion.

"What's up , boss." bungad sa kaniya ni Khillion mula sa kabilang linya.

"Realson bar, 7:30 in the evening." malamig niyang wika , magsasalita na sana si Khillion ngunit pinatayan niya na ito.

PAGABI NA kaya naman kaagad na inayos ni Sycho ang mga papelis at lumabas sa kaniyang office.
Tinahak niya ang pasilyo patungo sa parking lot. Tanging siya at ang mga bantay lamang ng unibersidad na ito ang naririto, wala ng iba.

Sumakay siya sa kaniyang itim na kotse. Binuhay niya ang makina at nagmaniho.

Malayo pa lamang ang sasakyan ni Sycho ay natanaw na ng mga guardiya ang sasakyan niya, kaya binuksan ng dalawang guardiya ang malaking gate.

SAAVEDRA QUADROPLETS #1: School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now