"Ingatan niyo ang mga sarili niyo," paalala ni Senior Violeta. "We'll see you in three days."

Dumating ang sasakyan sa susundo sa'min sa driveway. Ito ang maghahatid sa'min papunta sa paanan ng kabundukan kung saan kami maguumpisang mag-hike papunta sa training camp.

Lumabas ang order mula sa driver's seat upang batiin kami at ang dalawang senior staff. Tinulungan niya kami sa dala naming mga gamit bago binuksan ang pinto para sa'min.

We settled ourselves on the backseat. Hinapit ko palapit ang jacket na suot ko sa aking balat, nilalamig. Anabeth sat comfortably. Saka ko lang napansin ang maliit na kunot sa noo niya nang magsalita ang order  mula sa driver's seat.

"I hope you prepared yourselves for some serious hike."

The order, who introduced himself as Owen earlier, smiled at us from the rearview mirror. Pero umirap si Anabeth bilang sagot. Napansin ito ni Owen kaya bahagya siyang humalakhak bago binuhay ang engine ng sasakyan.

"Galit ka pa rin ba sa'kin, Ms. Anabeth?" he asked, his eyes straight to the road ahead. "You even declined my invitation to dance with you at the party."

Hindi sumagot si Anabeth, sa halip, tinuon niya ang atensyon niya sa labas ng bintana. Napailing lang si Owen sa harapan saka tahimik na nagmaneho.

Panay ang sulyap ko kay Anabeth habang nasa byahe. Her face remained impassive, bagay na madalang kong makita mula sa kanya. The car ride was silent.

"Why is the training camp so isolated?" tanong ko.

Si Owen ang sumagot mula sa harapan. "Pinili ito ng bagong alpha para makapag-adjust ang mga orders sa iba't-ibang terrain at training environment, para kapag na-assign kami sa mas accessible na parte ng bayan, mas madali kaming makakagalaw."

Napaisip ko sa sinabi niya habang lumalampas sa paningin ko ang nagtataasang puno mula sa kakahuyang nakapalibot sa daan. Zackary indeed consider the smallest details in his leadership. He's working too hard.

After a long drive, we hit the rough road. The houses had long been disappeared from our view mula noong makalayo kami sa mismong bayan. They said that the training camp was located between the boundary of the next mountainous town.

Tuluyang huminto ang sasakyan sa bungad ng masukal na kakahuyan, sa paanan ng bundok kung saan dalawang order ang naghihintay sa'min. Sila ang kasama naming aakyat sa bundok.

"Are the staff from the apothecary normally this secured?" tanong ni Anabeth bago bumaba sa sasakyan.

Napangiti si Owen mula sa harapan ng sasakyan. "Alam mo kung bakit, Miss Anabeth," sagot niya. He's probably one the most carefree orders I've met.

Pagbaba namin sa sasakyan, bumungad sa'min ang amoy ng kakahuyan at ang natural na ingay ng paligid. The green, earthy smell and the random noise of birds and insects. Nakipag-usap agad si Anabeth sa  mga orders na makakasama namin sa pag-akyat sa bundok, habang  hindi ko mapigilan ang sarili na pagmasdan ang paligid. Everything felt peaceful, serene.

Nagpaalam si Owen nang maayos kaming maibilin sa dalawang orders. Sinabi niya din na susunod siya sa training camp later that day. Napansin ko ang tahimik na pagsulyap ni Anabeth sa paalis na sasakyan bago muling tinuon ang atensyon sa mga kasama namin.

Bago magsimula sa pag-akyat, kinuha ng dalawang order ang mga dala naming gamit, hanggang sa natira ang isang maliit na bag na may  lamang ilang bote ng gamot galing sa apothecary. Hiningi ito ng order para dalhin.

"Okay lang. Kaya ko na itong dalhin," tugon ko nang mapansin na madami na silang dala. Pero naghintay ang order na iabot ko sa kanya  ang natitirang dala ko.

Never Be TamedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα