Chapter 1-C: New Mushroom

327 81 23
                                    

Mushroom

"Mushroom Mushroom" Hindi nag tagal ay nakakita rin ako ng mushroom na katulad sa picture.

Brown na medyo malaki at malapad ang ulo ang nakita ko na lumalaki malapit sa tabi ng puno.

Kailangan ko rin kumuha ng 10 na piraso nito para sa quest na tinanggap ko.

Unang mushroom, pangalawang mushroom hanggang pang pitong musroom. Sa pang walong mushroom na nakita ko ay may napansin akong kaka ibang mushroom na hindi katabi ng puno.

Tinignan ko ang itsura ng mushroom sa picture na dala ko pati ang hawak kong mushroom na kinuha kanina at ikinumpara ko ito sa nakikita ko ngayon na mushroom.

"Halos parehas lang pero bakit mas mahaba ito pero maliit ang gilid ng ulo? May butas din sa taas ng ulo tsaka bakit lanta? Patay na?" Sinabi ko kahit walang nakikinig sa akin.

Para hindi naman masyadong tahimik ang paligid ko.

Lungkot ko na nga tapos tahimik ko pa.

Pinuntahan ko ito at tinignan kong mabuti.

Brown naman at medyo maputi ang kulay ng mushroom.

"Bagong mushroom?" Tinusok ko muna ng aking daliri kung ayos lang.

Ok naman.

Hinawakan ko ito pati ang butas sa ulo ng mushroom na mukang maliit lang ang butas na daluyan.

Bumabagsak ang mushroom na parang lanta kaya tinatayo ko muli para makita kong mabuti.

Inamoy ko ito, Parang kakaiba amoy dahil malansa na katulad sa isda.

Hindi ko alam kung bakit pero ayos lang sa akin ang amoy na ito.

Naaakit ako sa amoy.

Bakit kaya?

Gusto ko sanang dilaan para tikman pero baka delikado.

Hindi naman yata lason ito no?

Binatak ko ito pero ang bigat. Malalim ata ang ugat. Ginamit ko na ang dalawang kamay ko pero hindi parin kaya at nabitawan ko ito.

Inulit ko uli at talagang matibay. Ginamit ko na ang tuhod ko at bewang  para mas malakas ang pwersa pero wala talaga.

Limang minuto narin yata ang lumipas at hindi nag tagal ay nakita ko na parang may lumabas na tubig na parang katulad sa transparent na kulay ng Slime sa butas ng mushroom.

Ano ito?

Ang malambot na mushroom na hawak ko ngayon ay tumitigas at lumalaki na mas malaki pa sa aking braso.

"A-ano nang yayari?" Nagulat ako sa nangyayari at ginamit ko ang tungkod ko para subukang hukayin ang lupa pero may katigasan kaya sinubukan ko nalang muling hugutin ang mushroom dahil baka isa itong bihirang bagay.

Baka yumaman ako pag isa itong bihirang yaman hehehe.

Habang sinusubukan kong kunin ang mushroom na ito ay naramdaman kong lumindol ng kaunti ang aking paligid.

Para bang may lumalabas sa lupa. 

Crack..

Nakita ko na nasira ang lupa at lumabas ang isang mapayat na kamay na galing sa lupa.

"Hiiiiiiiii!"

Napataob ako sa kaba sa lupa. Kinabahan ako na halos muntik na ako tumili at lumayo ako papa atras gamit ang paa ko.

Nauntog ang likod ko sa puno pero sa pag tataka ko ay tinitignan ko parin ang kamay na lumabas sa lupa habang naka upo ako.

Lumabas naman ngayon ang kaliwang kamay sa kabila na parang bangkay na lumalabas sa lupa.

Hindi nag tagal ay nakita ko naman ang sa tingin ko ay ulo ng bangkay unti-unting lumalabas.

Walang buhok na mapayat.

Na kalbo.

Lumabas narin ang katawan ng bangkay hanggang tuluyang lumabas sa lupa ang buong katawan ng bangkay na nakatayo ngayon sa aking harapan dalawang metro lang ang layo sa akin.

Nakita ko ang 'mushroom' na nakadikit sa pagitan ng hita sa bewang ng higanteng mapayat na bangkay.

Na kalbo talaga.

"Huwag mong sabihin...." Nanginginig akong tinuturo ng aking daliri ang 'mushroom' na nakikita ko ngayon na kanina lang ay hinahawakan ko pa ng masaya sa pag tataka.

At naisip ko bigla ang isang bagay.

"Huwag mong sabihin na ang 'mushroom na yan ay..."

Lumaki ng literal ang mata ko sa gulat.

Hindi ko alam ang itsura ko ngayon pero sigurado ako na nahimatay ako ng dilat ang aking mga mata na parang sinapian sa multo.

Martial Artist in Magic Fantasy WorldWhere stories live. Discover now