"Hmm." Tumango ako. "And I think, I hurt him."

Marahan siyang tumango. "Probably. Kanina pa siya tahimik, eh."

"Mas mabuti naman 'yon, 'di ba? 'Yong masktan siya, para sa ganoon, mas madali niya akong makalimutan," I sais while reminiscing the coldness of his eyes and voice.

Jillean smiled sadly. "I'm sorry, ate."

I smiled back. "For what?"

"Dahil sa nangyari." Tinitigan niya ako. "I can sense that you also like kuya, but now this happened, kailangan mong pigilan ang sarili mo."

Bahagyang napa-awang ang bibig ko matapos iyong marinig sa kaniya.

She chuckled. Pinalipas niya ang ilang mga segundo bago magsalita. " I know it's hard to control one's feelings for someone they like."

Nang mag hapon ay nag-aya si Mama na lumabas dahil gusto raw niyang maka-bonding ako ng matagal lalo na at may pasok na raw bukas. Kaagad naman akong pumayag. Sumama rin si Jillean dahil nabo-boring daw siya dito sa bahay. Mabuti nalang talaga at wala si Zyke sa bahay. Kasama kasi siya ni Papa na bumibisita sa mga isang farm nila dito sa lungsod. 

"This dress looks good on you, Yzel," maligayang saad ni Mama habang hawak ang floral dress.

Ngumiti ako. Natawa naman si Jillean. Paano ba kasi, puno na ang dalawang kamay namin dahil lahat ng makita ni Mama'ng damit na bagay sa amin ay binibili niya, karamihan na doon ay para sa akin. 

After shopping, we decided to eat in Mesa, one of the restaurants here in SM. We had a girls' talk and it was fun. Pero tuwing naalala ko si Mommy, nalulungkot ako.

"Your Dad and I talked about changing your name on your birth certificate. Is that okay to you?" tanong ni Mama habang nakatingin sa akin.

Saglit akong napa-isip. "Okay lang po naman, Ma, pero pwede po bang hindi na mabago ang pangalan ko. I want to keep Yzel Lexine as my name po."

Iyon ang pangalang kinalakihan ko kaya ayakong mawala iyon sa akin dahil pakiramdam ko, ang kalahit ng pagkatao ko ay mawawala kung pati ang pangalan ko ay mababago.

I was worried she might not like my idea but then I saw her smile.

"It's okay, sweetie. Besides, it was given by your first mother. I don't want to take that away from you. We just want your middle and surname to be mine and your father's."

"Thank you po." I smiled in relief.

After eating, we went home. Nang mag gabi, sabay-sabay kaming nag-dinner ng buong pamilya. I was thankful but also regretful in Zyke's new behavior towards me. Masasabi kong medyo naging cold siya at tahimik sa akin. Pero mas okay na rin siguro ito. I'm now assured that our feelings for each other will not gonna ruin our family.

"Take care!" saad ni Mama nang makalabas kami sa pinto ng bahay.

Today is Monday and this is the first time I'm going to school with them. Hindi na ako magugulat kung malaman kong alam na nila ang tungkol sa akin at sa pagiging Monteverde ko. May mga schoolmates kaming imbitado sa party ni Zyke noong sabado kaya paniguradong nasabi na nila iyon sa iba pa naming mga schoolmates.

Tumigil ang puting sasakyan sa harapan namin. Lumabas si Zyke doon.

"Mag-ingat sa pagmamaneho, son. Kasama mo ang dalawang kapatid mo," bilin ni Papa.

Tumango naman ang lalaki. Tinignan ako ni Jillean at isinenyas ang sasakyan. Binalingan ko sila Mama at Papa at nagpa-alam na.

Pumasok si Jillean at umupo sa backseat. Ganoon din ang ginawa ko at tumabi sa kanya sa likod ngunit bago iyon ay napansin ko pa si Zyke na akmang bubuksan ang pinto ng shotgun seat. Pinanood ko siyang tuluyang isarado ang naka-awang na pinto sa unahan at naglakad papunta sa driver's seat.

How Sky Embraces the Star (High School Series #2)Where stories live. Discover now