Chapter 9

304 19 4
                                    

Her POV

"Let's start the practice, gurls!"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Niluwa n'yon ang isang lalaking matangkad, maputi at medyo skinny. Pumunta ito sa gitna kung saan naroon ang malaking salamin at pumalakpak para makuha ang atensyon naming mga kababaihan.

Nandito kami ngayon sa clubroom ng MDC para i-practice ang rampa namin para sa Mister and Miss Young MEFI na gaganapin sa friday. Noong last friday, in-announce ang tungkol sa pageant kung saan lahat ng muse at escort ng bawat section ng grade 9 at 10 ang maglalaban-laban. 

Umupo ako at isinuot ang 4-inch silver heels ko. Matangkad na naman ako kay hindi na kailangan ng masyadong mataas na heels. Medyo hindi pa rin ako sanay sa pagsusuot nito kaya kumapit pa ako sa bangkong kinuupuan ko para makatayo.

Pumunta ako sa gitna kasama ang pitong babae. Talagang magaganda sila, hindi lang ang mga mukha kung 'di pati ang katawan. Halatang sanay sa pagsali sa mga pageant na mas lalong nagpakaba sa akin. Ako lang ata ang first timer sa kanila. Kung si Hailey sana ang naging muse, malaki ang chance naming manalo.

"Gurls, go to the back!" utos sa amin ni kuya Merk, 'yung baklang trainor namin.

Mabilis na nakarating ang iba na parang tsinelas lang ang suot habang ako ay nangangapa pa.

Kahapon nagsimula ang practice, at ako lang talaga ang nahuli sa kanila dahil mabilis nilang nagawa ang bawat routines. Ngayon ay nakukuha ko na ang pag-ikot-ikot at mga posture ngunit kailangan ko paring i-balance ang sarili ko.

"Music please!" baling niya sa isang babaeng kasama niya.

Narinig ko ang pagtunog ng kantang 'Beautiful' by Bazzi kasabay ang paggiling ng bakla sa unahan.

"Practice muna, later ang routine," aniya pagkatapos ay pumalakpak ito.

"Rampa!"

Sabay-sabay kaming naglakad. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka white oversized t-shirt ako na nakatuck-in ang unahang bahagi habang ang likod ay hinayaan kong matakluban ang denim high-waisted short na suot ko.

Tinignan ko ang baywang ko na gumagalaw pakaliwa at pakanan kasabay ng balikat ko. Nirelax ko ang sarili ko para maging graceful at maganda ang pag-rampa.

Naka-pose kaming tumigil sa harapan ni kuya Merk. Nakita ko ang pagtango nito matapos kaming pasadahan ng tingin. Tinignan ko rin ang mga kasama ko sa salamin. Naka-short kaming lahat gaya ng sinabi ng trainor, ang ilan pa sa amin ay may light make up. Nakalagay ang mga kamay namin sa baywang habang ngumingiti, ng ilan naman ay naka-fierce.

"One!" may pa-accent nitong sambit.

Nagbago ang mga pose namin. Binaba ko ang kaliwang kamay ko habang nanatili ang isa sa baywang. I tried to create some small moves para hindi ako boring tignan.

"Two!"

Ibinaba ko ang kamay ko at inilipat ang timbang sa kanan at sa kaliwa para ma-emphasize ang baywang ko.

"Three!"

Bahagya akong umikot para sa likod pose at muling ibinalik ang kaliwang kamay sa baywang. Medyo itinapat ko ang baba ko sa kaliwang balikat ko para um-awra. Si Yvone ang nagturo sa akin ng pose na 'to.

"Number one, mga paa, bakit magkahiwalay?! Number two, unbalanced posture! Number three, para kang nasa burol, smile!..."

Chineck ni kuya Merk ang mga pose namin hanggang mapunta ito sa katabi kong si Bell na panlaban ng Grade 10, section Brillantes.

"Number six, perfect!" 

Nakita ko ang pagngisi ng trainor namin pagkatapos akong tignan. "Number seven, yas!"

How Sky Embraces the Star (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon