Chapter 36

302 17 4
                                    

Her POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang magkakasunod na katok mula sa pinto. Gusto kong bumangon pero parang niyayakap ako ng kama. I felt tired because of what happened last night.

Kung nasa dating kwarto lang ako ay muli akong babalik sa pagtulog at papabayaan kung sino man ang nasa labas pero bigla kong naalala na nasa ibang kwarto–bahay na pala ako. Tumayo agad ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga katulong nila.

Bigla akong nalungkot nang maalala ko si Manang Rosell. Hindi man lang ko nakapagpa-alam sa kanya ng maayos.

"Pasensya na po, Ma'am. Nagising ko po ba kayo?" tanong niya nang mapansin ang itsura ako.

"Hindi po. Okay lang." Nginitian ko siya.

Parang nakahinga naman ito ng maluwag. "Pinapasabi po ni Ma'am, mag-aalmusal na po."

Tumango ako. "Susunod po ako."

Hinintay ko siyang umalis bago saraduhan ang pinto.

Tumawag si Mommy sa akin kagabi upang kamustahin ang kalagayan ko. Habang nakahiga sa aking bagong kama kausap siya ay namimiss ko sila. Pero kahit papaano, nakatulong ang pagtawag niya sa akin upang makatulog ako ng maayos kagabi.

Agad akong nagtungo sa cabinet upang kumuha ng damit na susuotin. Kaunti pa lang ang nandoon dahil hindi ko pa nakukuha ang mga gamit ko sa dati kong kwarto. I took the red t-shirt and white shorts before going to the bathroom to take a quick bath.

Habang nagsho-shower ay iniisip ko kung paano ko iiwasan si Zyke kahit alam kong imposible. Pero habang iniisip 'yon, naisip ko rin na baka sa kai-iwas ko sa kanya ay mahalata iyon nila Mama at Papa.

Paglabas ng banyo ay problemado pa rin ako dahil walang ideyang nabuo sa isip ko. Pagkatapos kong tuyuin ang buhok at ayusin ang sarili ay napa-upo ako saglit sa gilid ng kama.

Then I realized that avoiding him is not the best way. Hindi naman pwedeng iwasan ko siya o hindi kausapin palagi. Mapapansin agad nila iyon lalo na at nasa iisang bahay lang kami. And then, I thought that the only best way to fix and make this things clear is to talk to him. Just like having a closure.

Tumayo ako at inipon ang lahat ng lakas sa katawan ko bago buksan ang pinto ngunit para agad iyong nagsitaguan nang makita ang lalaking nasa gilid ng mga mata ko, nakatayo sa harapan ng pinto ng kwarto niya.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't-isa. No one dares to talk first. Habang nakatingin sa mukha niya ay hindi ko maiwasang mapansin ang manipis na plain white tee at navy green shorts na suot niya. Mamasa-masa ang kaniyang buhok na halatang kaliligo lang rin. I don't want to compliment his fresh look in the morning.

Napakurap ako sa biglaan niyang paghakbang patungo sa akin. I heard him cursed and I don't know why. He then took one step back. Napatingin ako sa panga niya nang umigting iyon.

"I want you to answer my question honestly, because, I'll be damn crazy if I don't hear it from you." His cold voice sent a shiver down my spine.

"What is it?" Thank goodness, I didn't stutter.

He stares at me. Doon ko mas lalong napagmasdan ang mga mata niya. His deep golden brown eyes are something that my eyes can't help but to stare at it.

"Did you like me?"

Nanuyo ng lalamunan ko matapos iyong marinig. Gosh, why is he asking me that question?!

"Answer me, Yzel."

I gulped as soon as I heard him saying my name. But no, not again, not this time where we need to stop.

How Sky Embraces the Star (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon