Chapter 21

294 20 1
                                    

Her POV

Nakasandal sa upuan kong sinarado ang notebook ko matapos kong maisulat ang lahat ng nakalagay sa powerpoint ni Sir Jay. Napangisi naman ako nang makita ang ilan sa mga kaklase ko na kumukuha ng litrato ng lesson namin na naka-flash sa projector. Mga tamad.

"Announcement lang bago ako magpa-alam," saad ni Sir habang tinatanggal ang nakasaksak sa laptop niya. Dahil doon ay nawala ang naka-present sa unahan.

"Next week ang defense para sa SIP niyo."

Nagulat ang lahat sa anunsiyo ni Sir Jay. Napatayo pa si Melaih upang mag-reklamo.

"Next week, sir? Bakit ngayon niyo lang po sinabi?"

Sumang-ayon ang iba sa kanya. "'Di namin kaya, ser!"

"Papasko niyo nalang po sa 'min, sir, kahit next year na po hehe."

"Oo nga, sir! Sabi nila mas gumagwapo daw po ang teacher 'pag mabait sa estudyante niya!"

Pinanood ko lang silang bolahin ang ulo ng guro namin.

Tumawa ang nasa unahan. "Ang OA niyo. Hindi pa kasi ako tapos."

Napa-upo si Melaih habang natigil naman sa pagrereklamo ang ilan.

"Since malapit na ang Christmas, at syempre may mga activities na gagawin, i-postpone ko na muna. Next year na ang defense natin, okay na ba?"

Mabilis na sumang-ayon ang lahat.

"Salamat, sir!"

"Plus point 'yan sa kagwapuhan, sir!" 

Nagtawanan sila pati na si Sir dahil sa sinabi ni Lloyd. Nakahinga naman ako ng konti nang malamang hindi iyon tuloy. Saglit akong napabaling sa upuan ni Zyke. Isang linggo nang bakante ang upuan niya.

Biglang pumasok ang imahe ni Zyke na naka-upo habang nakatingin pa rin sa upuan niya. Napangiti ako ngunit bigla ring nawala. I don't know why but I feel like I miss him.

"Huy!"

Naalis ko ang tingin sa kanina ko pa tinititigan at binalingan ang katabi ko na ngayon ay pinanliliitan ako ng mga mata.

"Bakit?" I asked Ivy.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Kanina mo pa tinitignan 'yung bangko ni Zyke."

Tumaas ang dalawang kilay ko. "Hindi ah, napapatingin lang." Umiling pa ako.

Ngumisi ito na ikinakaba ko. "Gusto mo siya, 'no?"

Saglit akong napa-isip sa tanong niya. Kayang-kaya kong sagutin ang tanong niya dahil malinaw ang nararamdaman ko para sa lalaki ngunit lumalabo iyon tuwing maiisip ko ang kambal ko. I said that I will not gonna fall deeper for him, but I think I'm gonna break that rule just like how I broke the promise I made to myself, that I will never gonna fall in love again.

"Tagal mag-isip, oo at hindi lang naman sagot." 

Nakabalik ako sa huwisyo nang marinig ang pagtawa nito.

"You know I can't like Zyke. Yvone likes him," saad ko, hindi lang para sa sagutin ang tanong niya, kung hindi para na rin paalalahanan ang sarili ko.

Tinignan niya ako na parang hindi rin sapat ang sinabi ko. "Paano kung 'di siya ang crush ng kambal mo? May chance ba na magustuhan mo siya?"

"Of course... Sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya." I was taken back because of what I've just said. Bakit ko ba nasabi 'yon?!

Tumango-tango si Ivy. "Gusto mo nga."

Napatingin sa amin si Ayesha na kaninang busy sa lihim na panonood ng K-drama. Nakatago pa ang cellphone sa notebook na akala mo ay nagsusulat ng mga inaral. Tinanggal niya ang earpods na nakasuot sa kanang tenga niya at pinanlakihan kami ng mga mata. 

How Sky Embraces the Star (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon