"Bakit mo tinatanong 'yan sa akin, Zyke? I know you have feelings for me, but I'm now your sister, so please stop–"

He cut me off. "Just please answer my question."

He wants me to answer his question, then this will be the best way to make him forget the feelings he has for me.

"No, Zyke. I didn't like you."

Eliyah was right. Zyke is so damn serious about his feelings for me, and that worries me so much. That's why I need to hurt him, again.

"Not even once?" His voice is full of hope.

I cursed in my mind before giving him a cold stare. "Not even once."

Mas lalong umigting ang panga niya. Umiwas ako ng tingin. I tried to convince myself that I did a good job hurting him but guilt never leaves me.

"Okay then, let's go. They're waiting for us."

I was stunned by the extreme coldness in his voice. Tinignan ko siya ngunit agad ring napa-iwas nang makita ang malamig nitong tingin. Nauna siyang maglakad. Tahimik lang akong sumunod. I can sense he's hurt about what I have said but I know, that's for the best of us.

Naabutan namin sila Mama, Papa at Jillean na naka-upo sa mahabang lamesa sa dining room. Malungkot akong napangiti. I suddenly remember them.

"Oh, they're here. Good morning, my babies," bati ni Mama nang makita kami. Her eyes tell that she's really happy.

"Good morning po, Mama," I greeted shyly. It still feels weird calling her Mama.

Binati ko rin si Papa na nasa gitna. I didn't heard Zyke. Pinaupo ako ni Mama sa kaniyang. Sa tabi naman ni Jillean umupo si Zyke kaya katapat ko siya ngayon. We start eating.

Napatingin ako kay Jillean nang mapansing nakatingin ito sa gawi namin. She looks confused, probably wondering why Zyke and I were together. I smiled, making her assures that nothing's going on between me and her kuya.

"How was your first night here, anak?" Papa softly asked me.

"Maayos naman po."

"I'm glad to here that." Tumango siya bago uminom ng kape.

Habang nag-aalmusal, kinuwento ni Mama ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman tungkol sa pamilyang ito. Alam kong mayaman ang mga Monteverde dahil sa mga dami ng negosyong pinapatakbo nila dito sa buong probinsya ngunit hindi ko alam na mayroon din pala silang kumpanya, ang VDM Corporation na isa sa malalaking agrucultural company sa Maynila na hawak ng tatay ni Papa, si lolo Visenzo.

Pero noong ma-ospital si Lolo dahil sa kaniyang karamdaman ay nahirapan siyang i-manage ang kumpanya kaya't hiniling niya na si Papa nalang ang humawak no'n bilang panganay na anak ngunit hindi pumayag si Papa. Mas gusto raw niyang i-handle ang mga business nila dito sa Lucena. At isa pa, ayaw rin niyang lumipat sila sa Maynila.

Sinabi ni Papa na ang tatay ni Eliyah, na isang engineer sa ibang bansa, ang pansamantalang humawak ng kumpanya habang nagpapagaling si lolo. 

Nalaman ko naman na may lahing kastila si Mama dahil ang tatay niya ay isang purong kastila habang halong dugo naman ang kaniyang ina. Naninirahan siya sa Laguna nang makilala niya si Papa at nang magpakasal ay tumira na dito sa Lucena.

Marami pa akong natuklasan tungkol sa aking bagong pamilya na nakatulong sa akin para mas makilala ko sila at pati na ang aking sarili bilang isang Monteverde.

"You said that?" hindi makapaniwalang saad ni Jillean nang ikuwento ko sa kanya ang naging pag-uusap nmin ni Zyke kaninang umaga.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at inaayos ang mga dating gamit kong dumating kani-kanina lang.

How Sky Embraces the Star (High School Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara