Episode 12 : The lonely and great god of time

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero sinong mag-aakala na dadating ang araw na 'yung mga taong pinaghahandaan kong makalimutan, ay muling lilitaw sa harapan ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa ibang mundo, sa ibang pagkatao.

Hindi ko alam kung paano i-cocontain 'yung nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Kung paano ilalabas lahat ng luha na hindi ko nailabas simula nang matanggap ko ang pagkawala nila. Hindi ko alam kung paano sila yayakapin pabalik dahil tila nanlamig ang buong katawan ko. Tila nawala sa katinuan ang sistema ko.

Hindi ko agad nakilala ang mga mukha nila, pero ang init na dala ng yakap nila...

"Mama... papa..." garalgal at halos walang boses na lumabas sa bibig ko.

For a moment, parang tumahimik ang buong paligid ko, at ang tanging naririnig ko lang ay ang iyak ng dalawang tao na nakayakap sa akin ngayon, at ang pagkabog ng dibdib ko.

Totoo ba 'to? Nananaginip na naman ba ako?

"Astra... anak ko."

Those words made me feel like I'm soaring the sky, like being one with the wind.

Tumulo nang tuloy-tuloy ang mga luha ko hanggang sa kusang gumalaw ang mga kamay ko para yakapin sila pabalik.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga oras na 'to. Kung paano bubuuin ang tila puzzle sa utak ko. Kung paano sasagutin ang mga tanong sa isip ko. Sa unang pagkakataon, hinayaan kong manatiling magulo ang lahat, kung ang kapalit naman nito ay mahigpit na yakap mula sa mga taong akala ko, matagal nang patay.

For years I feel like I have no reason to go home.

Maybe because back then, I haven't found my home yet.

But now I found it---I found them.

***

When things started to settle-down, doon ko lang napansin si David.

Alam ko kung anong nararamdaman niya, pero hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Ngayon ko lang siya nakitang tulala at parang wala sa sarili. Ganito siguro ang epekto sa kaniya ng mga nangyari.

Gusto ko sana siyang kausapin, pero nakita ko na sumenyas si gumiho sa akin. Umiling siya nang akmang lalapit ako kay David kaya nanatili na lang akong naka-upo sa sofa.

Napatingin ako kila mama at papa. Pareho silang nakatingin sa akin. Napapangiti ako dahil nakita at nahawakan ko na ulit ilang pareho. Sinong mag-aakala na magagawa ko pa ulit na yakapin sila?

Gayunpaman hindi naman mapanatag ang loob ko dahil kay David.

"Hell po, tita, tito. Ako po si Elle, ang one and only beautiful best friend ni Astra. Natatandaan niyo pa po ba ako?" sabi ni Elle, dahilan para mabasag ang katahimikan na namamagitan sa aming lahat.

Ngumiti si papa. "Kumusta ang papa mo?" tanong ni papa.

"Ayon po, masipag pa rin magtrabaho," sabi ni Elle kaya mahinang natawa si papa. "Paano po pala kayo napunta rito?" 

Napatingin ako kila mama at papa nang biglang magtanong si Elle.

Actually, noong una ko silang makita, nagduda ako kung sila ba talaga ang mga magulang ko. Pero sinong nasa katinuan ang tatakbo palapit sa estranghero bago ito tatawaging 'anak' habang umiiyak? Paano rin nila nalaman ang pangalan ko? As if naman na kinuwento na agad ako ni David sa kanila.

Tumanda na sila, pero kilalang-kilala ko pa rin ang mga mukha nila.

"Mahabang kwento. Basta ang natatandaan na lang namin, may kumuha sa amin no'ng araw na lumabas kami ng mama mo para tapusin 'yung kaso na iniimbestigahan ko. Pagkatapos dinala kami rito, at sinabing ang anak namin ay si David," kwento ni papa bago tumingin kay David. "Sinabi rin sa amin na parte kami ng royal family, at kung balak man naming hanapin ang mga kamag-anak namin, hindi namin sila mahahanap dahil wala sila rito."

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon