PART 36. SLAPPED AS THANKS

Start from the beginning
                                    

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh Simonnnnnnn," sigaw niya.

"Well, 'yan ang bagay sayo," sabi ko.

Nagpadahan-dahan na ako ng makarating kami sa bahay ng asawa ni Zenon.

Pinapasok pa niya kami.

"Anong gagawin natin dito?" Sabi ni Zhiel.

"Are you Zhiel?" Sabi ng Mrs. ni Zenon.

"Yes, I am," she uttered.

"Well, I heard that you are my husband's girlfriend," the wife uttered calmly ans professionally.

"What? Who do you mean?" Zhiel asked.

"I'm Zenon's wife. We have one kid," sabi ng wife ni Zenon na nakapagpapakunot sa kanyang noo.

Nabigla ako when Zhiel stand up.

"And sa tingin mo ba maniniwala ako?" Sabi niya while facing the wife.

Agad din siya lumipat ng tingin sa akin.

"Magkano ba binayad mo para sirain kami? Ha, sumagot ka," naiiyak na sabi ni Zhiel habang hinahampashampas ako.

"Zhiel ano ba, di ko siya binayaran," sabay iwas ko sa palo ng kamay niya.

"Ano ba tama na?" Sabi ko at hinawakan ang kanyang bewang at niyakap ito ng mahigpit.

Umiiyak siyang pinapalo ang aking likod.

"Sinungaling!" She burst into tears.

"Tama na Ms. Zhiel, I'm telling you the truth. Look at our pictures noong kasal kami," sabay bigay niya ng mga wedding album nila.

Tinitingnan naman ito ni Zhiel na umiiyak parin siya at di makapaniwala.

"Akala ko baaaa singleee kaaaa!!!!!!" Sigaw niya na napapaos sa kakaiyak.

"Bakit nagsinungaling ka!!!" Patuloy niya sa pagsisigaw.

Naalala ko tuloy noong niloko din ako ng ex kong si Shaira.

Sa pag-iiyak niya may biglang dumating at nakita namin si Zenon.

"Mahal-," sabi ni Zenon na naputol when she saw Zhiel and me.

"Zhiel," sambit niya at nagulat ako when Zhiel stand up sinampal ito.

"PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!" rinig kong sampal niya kay Zenon.

Siguro mas masakit pa 'yon sa natamo ko.

"That's so satisfying," I uttered loudly at sinundan na si Zhiel sa labas.

Sinundan ko siya and nagulat ako dahil agad siya pumasok sa kotse ko.

Tumayo ako sa harap ng kotse when she shouted.

"POTA BILISAN MO!!!" she shouted na parang nagmamay-ari ng kotse talaga.

Agad naman akong pumasok at tumingin sa kanya na napuno ng luha. I stared at her nang bigla niya akong sinampal ng malakas pa sa nakita ko kanina.

"PAKKKKKK," sampal niya sa akin.

"Tang ina ang sakit, no'n a', para saan yon," sabi ko na hawak hawak ang pisngi.

"PAKKKKK," sampal niya sa kabilang pisngi ko.

"Aray ano ba? Wala akong kasalanan sayo ha," I shouted.

"SAMPAL NG PASASALAMAT iyan, damhin mo!" Sigaw niya sa akin na humihikbi.

"E' bakit mo-," naputol ang sinabi ko when she raised her hand.

"Sabi ko nga alis na tayo," I uttered at nagpatakbo na ng sasakyan.

Grabeng babae to napakababae ng kamay pero pagdumapo sa mukha parang lalaki. Sarap ibugsok. Nakakatrauma din ang sampal niya dahil lagpas sa buto ang sakit.

"Ang sakittttttttt, malokoooooo. Mamatay na sana lahat kayoooo," sigaw niya na natatawa ako.

"May nakakatawa ba?" Titig niya sa akin na parang papatay ng tao.

"Wala," sabi ko na tinikom ang bibig.

"MAMATAY na sana ang lahat ng mga taong masaya dahil bukas wala na kami ni Zenonnnnn, ahhhhhhh kainissss. Bakittt saa akinn pa na loyal naman akoo," pagsisigaw niya na nakakagulat.

"Diyos ko Lord wag naman sana," dali kong tugon.

"At masaya ka pa talaga na wala na kami?" Galit na naman niyang tugon sa akin.

"Syempre- I mean hindi a'. I mean kunti lang," sabi ko sa kanya ng bigla na nama niya akong sinampal.

"Pak!" Sampal pa niya.

"TANG INA ANG SAKIT NA HA, namumuro kana," inis kong sambit.

"Dapat lang yan sayo! Kung ayaw mo makatikim ng isang sampal dalhin mo ako sa barr," sigaw niya sa akin habang ang mga mata lumalaki na dahil sa kakaiyak.

"Tskk, OO NA, kamay ng yawa," sabi ko at pumunta na sa bar kahit tanghali.

HEY! MR. SIMON //BOOK1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now