Kabanata 13

3 1 0
                                    

ANGELINE'S POV

"Wake up!" Sigaw ni Mommy mula sa baba habang nag-bibihis ako.

"I'm already up!" Sigaw ko pabalik sa kaniya at sinukbit ang I.D. sa aking leeg. Tinapos ko naman ang lahat na aayusin sa aking sarili bago isuot ang black shoes kong pang school.

Bumaba naman ako ng hagdan at binaba ang bag sa couch. Tumuloy naman ako sa kitchen at nakitang hinahanda na ni Yaya Ani.

"Teka lang, Ange. Ang iyong juice!" Ani Yaya Ani nang makita niya akong umupo sa dining area. Tawa naman akong pinagmasdan ang galaw ni Yaya.

"It's okay, Yaya Ani. No need to rush," Sabi ko sa kaniya ngunit hindi na ito sumagot.

Pinalibot-libot ko naman ang paningin ko sa iba't ibang sulok ng bahay. "Jean!" Sigaw ni Mommy muli sa akin. Nasa likuran ko lang siya pero ang lakas kung mag salita.

"Bakit?!" Sigaw ko rin ng iikot ang paningin ko kay Mommy. Binaba niya naman ang tingin sa akin na naka-upo.

"Nand'yan ka na pala, sige. Eatwell anak ko~" Pang-aasar ni Mommy sa akin sa umaga bago ako suminghal. Bumalik naman si Mommy sa kwarto niya at irap ko naman binalik ang tingin ko sa pagkaing naka handa na sa harapan ko.

"Heto na pala ang juice mo. Pasensya ka na nakalimutan ko na namang gawan ka ng juice." Sambir ni Yaya Ani,

"Ano ka ba Yaya, it's okay nga lang. Kahit tubig na nga lang kasi puro ako juice sa umaga kung ipagpapatuloy mo pa iyan. Baka magkasakit ako, sige ka. Pano na alaga mo?" Nguso akong tumingin sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbabago ng kaniyang mukha.

"Ha?! Oo nga!" Bigla naman nitong kinuha ang juice kong nasa baso na.

"O-Oh! Ate Ani, bakit? Okay lang, chill.." Sabi ko ng kunin ang basong tangkang mabasag na dahil sa pagkuha ni Yaya Ani.

"P-Pasensya ka na talaga, alaga ko... Baguhan pa lang ako sa mga bagay na ito." Nguso rin niyang saad tsaka yumuko. "'Di bale, gusto mo ng tubig? Iyon ang inumin mo pagkatapos mo kumain para matunawan ka ng maayos." Sabi niya tsaka tumalikod sa akin at kumuha ng tubig.

Bumangisngis naman akong tumango. Nilapag niya naman ang baso sa kaliwa kong parte. "Kahit mag-tubig nalang ako bukas, Yaya Ani. Okay lang, sige samahan mo na ako kumain."

"Jean? Doon ang hapag-kainan ko at mamaya pa ang oras ng pagkain ko—" Binitin ko naman siya dahil sawa na ako sa mga salitang iyan na paulit-ulit.

"Yaya Ani, kapag sabi ko, sabi ko. Okay?" Ngiti kong saad sa kaniya bago kumurba ng dahan-dahan ang kaniyang mga labi.

"Asus ka talagang bata ka!" Aniya ng kunin ang kakainin niya sa umaga at naupo sa harapan ko.

Isang oras ang lumipas at nakarating na rin ako sa School. At mula palang sa loob ng kotse ay rinig ko na ang matinding sigawan ng mga estudyanteng naka pabilog sa kung ano ang nasa gitna nila.

Ano iyon?

"Anong meron sa school mo?" Tanong ni Mommy sa akin ng iparada ang sasakyan sa likurang parte ng school. Umiling ako at tumingin sa bintana ko muli na naguguluhan sa nang yayari.

"I'll go ahead," Ani ko ng ayokong makita ni Mommy kung gaano kagulo ang school namin. Ngayon ay hinatid ako ni Mommy dahil gusto niya raw ako makitang bumaba gamit ang kotse niya. Palagi kasing si Manong ang nag hahatid-sundo sa akin tuwing pasukan at uwian.

"Sige, mag-iingat ka okay? 'Wag kang sasama sa gulong iyan, Angeline." Paalam ni Mommy ng tumango lang ako. Bumaba naman ako sa kotse at sinara ang pintuan. "Have fun at school, dear." Huling sambit ni Mommy bago mag flying kiss sa akin. Ngiti naman akong kumaway sa kaniya papaalis gamit ang itim na kotse niya.

𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐊𝐀𝐓 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐘𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon