Umiling siya. "Hindi pa."

"Sa kusina tayo, ipagluluto kita." nakangiting wika nito bago bumangon.

"Ayy...." tili niya ng bigla na lamang siya nitong binuhat at nag lakad patungo sa kusina.

Pinaupo lamang siya ni Sycho sa upuan , habang ito ay nagluluto ng makakain nilang dalawa.

"Ano ba iyang niluluto mo?" tanong ni Shantelle habang nakatitig sa likod ni Sycho. "Ang bango."

Napangiti naman si Sycho. "Its called calderita."

"Matagal ba pa iyan?"

"Malapit na."

"Nga pala,  nasan si tita Zamelle?" takang tanong ni Shantelle.

"Umalis , may pupuntahan raw."

"Gabi na eh."

Nagkibit balikat lamang si Sycho at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ilang sandali ang lumipas  at natapos na rin ito sa pagluluto. Naglagay ito sa isang bowl at nakangiting nilagay iyon sa hapag kainan.

"Let's eat?" tanong ni Shantelle kay Sycho.

Tumango ito sa kaniya at kumuha ng dalawang pinggan at kutsara. Ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan ni Shantelle bago ito umupo sa tabi niya at sabay silang dalawa  nagsimulang kumain.

"Ang sarap!" hindi maisawang kumento ni Shantelle.

"Just like me."

Naibuga naman Shantelle ang kinakain dahil sa sinabi nito.

"The fvck?!" Kaagad na nagsalin ito ng tubig at pinainom iyon kay Shantelle. "You okay?" nakangising tanong nito sa kaniya.

Inirapan niya ito at bumulong-bulong. "Di ka naman masarap , tongono 'to!"

"Oh , really?" he playfully asked. "Sabihin mo lang kung gusto mo , I'm free." wika nito at idinipa pa nito ang dalawang kamay.

Ngumiwi naman siya. "Hindi ka naman talaga , period." mataray niyang wika at nagpatuloy sa pagkain.

"Gusto mo lang yata akong tikman , eh!" pang-aasar pa nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata ngunit ngumisi lamang ito sa kaniya. "Ako'y tigil-tigilan mo , Sycho , kumakain tayo baka masakal kita!"

"Kalma lang , baby Shan ko." taas kamay na wika nito na animoy sumusuko na at tumawa pa kaya inirapan niya na lamang ito.

"Ako na ang maghuhugas." presenta ni Shantelle , pagkatapos nilang kumain ni Sycho.

"Ako na , umupo ka na lamang diyan at panoorin mo ang gwapo mong boyfriend na maghugas." nakangiting wika nito.

Inismiran niya lamang ito at umupo na lamang saka pinanood itong maghugas ng mga kinainan nila.

"Akalain mo nga naman , oh! Isang Sycho Saavedra na naghuhugas ng mga plato." wika niya at tumayo saka ito nilapitan.

Niyakap niya si Siycho mula sa likuran nito. Inamoy-amoy niya pa ito kaya napabaling naman ang ulo nito sa kaniya.

"Wanna join?"

Umiling lamang siya. "Bilisan mo na iyan."

Ilang minuto ang lumipas at natapos rin ang paghuhugas nito sa mga pinagkainan nilang dalawa.

"Tara na." pag-aaya ni Shantelle at naunang umalis sa kusina.

Sumunod naman kaagad si Sycho sa kaniya. Napasipol pa ito ng mapansin ang suot ni Shantelle , nakacycling short at  maluwag na t-shirt.

SAAVEDRA QUADROPLETS #1: School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now