“Ano’ng pakialam mo kung habulin ko siya o hindi?”

“I need to know.” Kailangan kong malaman kung tatakbo ka na ulit para habulin ang iba para malaman ko kung gaano ulit kalayo ang distansyang madadagdag sa tatakbuhin ko para lang maabutan kita. “Para makita ko kung paano ka muling magmukhang tanga kakahabol sa lalaking may hinahabol ding iba.”

“Gaano ba kalaki ang galit mo sa akin?”

“Hindi ako galit sa’yo. “Bakit mo naman iisipin na iyon ang dahilan kung bakit gusto kong nakikitang nahihirapan ka?”

Hindi ako galit sa’yo o sa kahit na sinoman. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong may ibang lalaki kang magustuhan bukod sa akin.

“Kung hindi ka galit, bakit mo ginagawa sa’kin ‘to?”

“Ang sarap mo kasing paasahin, eh.” Dahil hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para mapalapit sa’yo.

Nakalabas kami sa jail booth nang hindi ko man lang nalalaman ang sagot niya sa tanong ko kung hahabulin na niyang muli si Aaron. Tila ang bigat ng pakiramdam ko dahil doon.

Sana man lang, sumagot siya. Para may clue ako sa kung gaano pa ba kalayo ang kailangan kong takbuhin para lang mapalapit muli sa kanya. Para lang maramdaman ko na ako lang ang gusto niya at wala nang iba? Napakahirap, Aaliyah. Napakahirap.

 

*Two days before the Prom*

Papunta ako ngayon sa isang coffee shop na malapit sa Ashford nang matanggap ko ang text ni Demi na may gusto raw kumausap sa akin. Wala man akong clue kung sino iyon ay pumayag pa rin ako dahil ayon kay Demi ay importante daw na makausap ko ang taong iyon.

Nang makarating ako sa coffee shop ay agad kong hinanap si Demi. Nakita ko siya sa may table sa gilid na kasama si Aaron.

Siya ba ang gustong kumausap sa akin? Bakit?

“Paul,” bati sa’kin ni Demi. “Maupo ka.”

Naupo naman ako sa tabi niya kaysa naman sa tabi ni Aaron na kaharap niya.

“Gusto mo akong makausap?” tanong ko kay Aaron at napatingin naman siya sa akin. “Tungkol saan?”

“Tungkol kay Aaliyah,” mahinang tugon niya.

Nanatili namang tahimik si Demi dahil hinihintay niya siguro ang magiging reaksiyon ko. Imbes na magsalita ay hinayaan ko na lang mamuo ang katahimikan sa pagitan naming tatlo hanggang sa magsalita si Demi.

“Guys, malapit na ang prom at wala pa ding date si Aaliyah,” pahayag niya.

“I’m not going to ask her for a date,” mabilis na tugon ko. Hinarap naman ako ni Demi at saka tinaasan ng kilay. “I don’t know how,” nahihiyang pag-amin ko.

“Hahaha! Nakakatawa ka, Paul!” Obvious nga na nakakatawa ako dahil sa lakas ng tawa niya. “Paanong hindi mo alam?!”

“Well, you know, we’re not in good terms for the past months,” paliwanag ko.

“Bakit nga ba hindi?” tanong naman ni Aaron. Tumingin ako sa kanya na tila nagtataka sa kung ano ang ibig niyang sabihin sa tanong na iyon. “Bakit pinili mong iwan siya kahit na alam mong pareho naman kayo ng nararamdaman?”

“Hindi ko siya iniwan.”

“Kung hindi, bakit mo siya pinabayaang umasa sa akala niya’y pagkakaibigan ninyo?” muli na naman niyang tanong. Tumahimik lang si Demi at nakinig sa usapan naming dalawa.

“Marami akong dahilan na hindi ninyo maiintindihan kahit kailan,” pahayag ko. “Kung gusto mo na siya ang maka-date mo, gawin mo na bago ka pa maunahan ni Miggy.”

“Much better kung si Miggy na lang ang maging ka-date ni Ali,” sabat naman ni Demi. “Pero hindi niyo man lang ba susubukan na yayain siya?”

“Galit siya sa’kin,” maikling tugon ni Aaron.

“Sa akin din.”

“Wala ba kayong balak na mag-sorry sa kanya?!” inis na tanong ni Demi. “Ugh! I don’t understand why you guys are investing too much pride in yourselves even if you know that it doesn’t pay you much interest!”

“I already asked for her forgiveness,” saad ni Aaron habang hinahalo ang frappe niya. “Pero hindi naman niya naibigay ‘yon.”

“Hindi ba kayo gagawa ng paraan?” iritang tanong muli ni Demi. “Ugh! Gawan niyo naman ng paraan na sumaya ang bestfriend ko!”

“Binabalak ko sanang i-surprise siya ng isang slow dance. ‘Yong kaming dalawa lang,” pahayag ni Aaron. “Kaya lang hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko para magawa ko iyon.”

“Iyon lang ba?” nakangiting tanong ni Demi. “Well, leave it to me.”

“Okay, ganito na lang,” pagsabat ko sa kanila. “Do you want to know kung sino’ng mas matimbang sa ating dalawa para kay Aaliyah?” baling ko kay Aaron.

Ngumiti siya at saka nagsalita. “No need. Ikaw ang panalo pagdating diyan.”

“Hindi rin,” saad ni Demi. “Well, you have to plan how Ali will get jealous. Para malaman mo kung ikaw talaga ang gusto niya o si Paul,” pagmumungkahi niya.

“I agree,” pag-sang ayon ko kay Demi. “Demi should be your prom date.”

Mula sa pag-uusap na iyon ay napag-pasiyahan namin na si Demi at Aaron ang magiging magkasama sa prom at ako naman ay susubukang yayain si Aaliyah. Kahit na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano.

What if umamin na din ako sa kanya sa prom? What if sabihin ko na sa kanya ang lahat? Kasalukuyan namang nagpapagaling si Nelle sa France. ‘Pagbalik niya dito, siguradong magaling na siya at hindi ko na kailangang magpatali pa sa pangakong babantayan at aalagaan ko siya. Hindi na magiging mabigat ang obligasyon ko sa kanya.

Nang matapos kaming mag-usap sa kung ano ang gagawin namin sa prom ay agad na akong nagpaalam sa kanila para umuwi. Nang makalabas ako ng coffee shop ay bigla akong tinawag ni Aaron.

“Bakit?” tanong ko.

“Mag-usap muna tayo sandali,” saad niya. “Kahit dito na lang sa labas.”

Tumango naman ako bilang sagot at naglakad sa gilid ng coffee shop. Naramdaman ko naman ang pag-sunod niya. “Ano’ng gusto mong pag-usapan na hindi pwedeng marinig ni Demi?”

“Gusto ko lang sabihin na ma-swerte kang lalaki,” saad niya. “You’re lucky enough para magustuhan ka ni Aaliyah. Sana huwag mong sayangin ‘yong mga chances na ibinibigay sa’yo ng tadhana niyo. Corny man pero that’s true.”

Napangiti ako at humarap sa kanya habang nakalagay sa bulsa ng pantalon ko ang parehong kamay ko. “Huwag kang mag-alala, hindi ko na hahayaang tumakbo pa siyang muli palayo sa akin.”

“Mabuti naman kung ganoon,” saad niya. “Bukod kasi sa’yo, alam mo namang willing din akong takbuhin ang napakahaba at lubak-lubak na daan para makuha siya.”

Tumango ako at inilabas ang aking kanang kamay mula sa bulsa ng pantalon ko. “Thank you for letting me finish the race,” saad ko habang inilalahad ang kamay ko sa harap niya.

Tinanggap niya iyon at nag-kamayan kaming dalawa. “Hindi mo ako kailangang pasalamatan,” saad niya nang matapos naming kamayan ang isa’t-isa. “Simula pa lang kasi, panalo ka na.”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Место, где живут истории. Откройте их для себя