Epilogue (Part 1)

68 6 3
                                    


Epilogue (Part 1)

Only

Everything and everywhere is not in my side. There was the same I felt I was really weak for doing that kind of love—or infatuation they say when I was a grade six student.

Ang tagal na no'n. Kapag naalala ko-hindi naman ako tumatawa, napapangiti lang kasi sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kakaibang feelings para sa isang lalaking hindi ko naman ka-ano-ano, literally speaking.

Ang dami ng nangyari sa buhay ko. Akala ko masakit na pagsubok na iyon para sa akin pero hindi pa pala. Meron pa, na hindi-hindi ko na malalagpasan kahit ano'ng gawin ko.

"Lola!" my grandchild called me while playing his favorite game console.

"Yes, apo?" I smiled and ruffle his hair.

"Can you tell us, how you and Lolo met?" he put down his game console and staring with me like he was really excited. "My teacher said that, every grandma and grandpa in this world have a nice story! Can you, Lola? Please? Please? Please?"

"Okay, okay." napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan nitong napaka-cute kong apo.

Sobrang tagal na noong nakilala ko ang Lolo niya pero habang naalala ko iyon hindi pa rin mawawala ang kilig na nararamdaman ko. Minsan nga inaasar ako ng mga anak kong parang teenager daw akong kiligin.

Bakit ba? Mahal na mahal ko ang Ama nila, e. Kahit sobrang tagal na no'n hindi pa rin mawawala ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.

"Listen, apo." I sat down in a rocking chair and glancing at my favorite photo in this house—our wedding picture. "Nagkakilala kami ng Lolo mo sa isang hindi inaasahang pagkakataon—"

"Me rin!" my baby girl apo ran to her Kuya at sat beside him. "I want to listen, Lola. I also bring my other cousin."

"Lola!" tumakbo silang lahat papalapit sa akin. "We miss you!"

"Lola miss you too, mga apo ko." I kissed all of them to their forehead. "Umupo na kayo dahil magku-kuwento pa ako."

Masaya ko silang pinagmasdan. They are so attentive to listen to me, as if I am their teacher here in front.

"Aray naman!" inis ko siyang sinamaan ng tingin. "Puwede ba?! Kung maglalaro kayo, huwag dito sa canteen! Ano 'to play ground?!"

"A-ano, miss...sorry..." he look so nervous while fixing his thick eye glasses. "T-tinulak kasi ako..."

"Putchang buhay naman 'to, oh!" padarag kong pinulot ang burger kong nahulog na. "Tabi!"

Inirapan ko na lang siya bago ako naglakad papalapit sa trash can para itapon ang burger kong nahulog na. Ang mahal mahal pa naman no'n! Fifteen pesos! Sampung piso lang 'to sa labas, e!

Kung noon mukha akong anghel na bumabasa langit at una ang mukha dahil sa ugali ko, puwes, ngayon hindi na. Kailangan kong maging matapang dahil 4th year highschool na ako. Ga-graduate na ako para mag-collage, ayaw kong ginagamit nila ang kabaitan ko. Wala akong masasabing may kaibigan ako dahil ayaw ko sa kanila. Nadala na siguro ako.

Nuong 1st year highschool kasi ako, siyempre bagong salta sa school mayroong nakipagkaibigan sa akin, actually dalawa lang talaga kami ng una. Sobrang friendly kasi niya kaya naging apat na kami tapos ayon...iniwan niya ako...sa ere. Sumama siya sa kanilang dalawa, ako na lang ang natira.

Tinanong pa nga ako nuon ng kaklase ko kung bakit hindi ko na raw siya kasama, ang sagot ko 'hindi ko rin alam'. Para lang nila akong iniwang tuta sa isang tabi na hinihintay pa rin ang pagbalik ng amo ko.

Eraser (Elementary Series #1)Where stories live. Discover now