Chapter 01

311 18 11
                                    


Chapter 01

Assignment

"Arrage seat ang una kong gagawin."

Napakamot na lang ako ng ulo dahil dito. Lagi na lang nagpapa-arrage ng seat.

"Tumayo kayong lahat dito sa harap at kapag binaggit ko ang pangalan ninyo ay lalapit sa akin at ituturo ko sa inyo kung saan kayo naka-assign." paliwang ni Ma'am Julian; adviser namin. "Naiintindihan ba ako, grade six section seven?"

"Opo, Ma'am!" sigaw namin kahit halatang ayaw namin gawin iyon kaso wala kaming magagawa.

Lahat kami rito ay halos magkakakilala na dahil simula grade three ako ay section seven na 'ko. Nuong grade one at grade two ako ay section eleven naman ako. Kita naman sa section na hindi talaga ako kasing talino ng kung sino dahil taong labas ako. Mas gusto ko pa ang maglaro ng taya-tayaan sa labas kaysa ang mag-aral.

Pero ang tototo ay wala talaga akong masasabing may kaibigan ako. Hindi ako friendly na tao at ramdam ko naman ay ayaw nila sa akin.

"Gomez, Shakira Joyce?"

Hindi ko alam kung sinumpa ba ako ngayon dahil ako ang huling tinawag. "Ma'am." agad akong lumapit sa kanya.

"Duon ka na lang."

Dahil matangkad nga ako tinuro niya ako roon sa bandang likod. Ang upuan dito sa room naman ay merong limang group. Ang una ay katabi ng pinto sa unahan; meron itong dalawang helera at siyempre babae, lalaki ang sitting arrangement. Ang pangalawa sa unahan o sa gitna ay may tatlo naman itong helera ang nasa pangatlong helera ay ang transfer na dalawang babae at sa likod naman nito ang teachers table. Ang pangatlo naman sa unahan ay sa bandang bintana na wala ka namang makikita kung hindi basura dahil meron itong mataas na bakod. Ang dalawa naman sa likod ay ang isa ay nasa pangalawang pintuan ng aming room at ang isa ay nasa tabi rin ng bintana at roon ako in-assign ni Ma'am. Sanay na 'ko sa dulo dahil na rin sa taglay na tangkad na meron ako.

Dahan-dahan akong umupo. Napagitnaan ako ng dalawang lalaki dahil sa kada helera ay merong limang upuan. Ang una ay isang babae na si Roselyn katabi niya ay si Kobe, ako at si Nash. Walang isang katabi si Nash dahil sobra ang upuan namin rito sa likod. Speaking of likod sa harap nga pala namin ay merong dalawang lalaki at dalawang babae—si Jacky, Ariel, Kim, Mark at may isang bakanteng upuan sa tabi ni Mark.

Naging tahimik ako sa aking upuan dahil na rin sa hindi ko sila kasundo. Hindi naman talaga ako maingay lalo na kapag hindi ko kilala ng lubusan.

Napapansin ko na umiiwas pa sa akin si Nash dahil lumipat siya sa harap namin at alam kong papagalitan siya ni Ma'am kapag may lumilipat.

Alam kong umiiwas siya dahil na rin sa hindi ako maganda, panget talaga ako. Maitim na matangkad, maraming tigyawat, pango ang ilong sobrang laki ng eye bags, kaya naiintidahan ko siya.
Judgemental na kung judgemental sa sarili pero gano'n talaga ako kapanget at alam ko 'yon.

Dahil unang araw pa lang ng pasukan ay halos lahat kami ay nangangapa pa para sa isat-isa lalo na't hindi ko naman sila lubusang kilala.

Walang imikan ang sa mga lumpis na araw, hanggang sa umabot na ito ng linggo.

"Class meron tayong bagong transfer,"

Lahat kami ay napatingin sa lalaking pandak. Maputi naman siya kaso nga lang sobrang liit niya talaga siguro hanggang balikat ko lang siya o sadyang matangkad lang talaga ako.

"Magpakilala ka,"

Agad namang pumunta 'yong lalaki sa harapan at ngumiti sa amin. "I'm Sebestian Rhed Misa,"

Eraser (Elementary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon