Chapter 1

147 5 8
                                    

Maxene's POV

Last day of college, here we go!!!

Hay sa wakas! Makakahinga na ako ng maluwag at makakanood na din ako ng K Drama series after this day!

So agad na akong tumayo at naligo at alam mo na kung ano yung susunod.

Agad naman ako napatingin sa phone ko at binasa ko na lang yung chat ni Kimberly na ubod ng ingay.

Kimberly: MAXENE!!!!! YOU HAVE TO COME QUICKLY GIRL!!!

Jusko naman! Pati ba naman dito sa chat, rinig na rinig ko pa boses niya!

Agad agad ko nang kinuha yung mga gamit ko at umalis na sa condo unit ko.

Pagdating ko sa school, kinuha ko muna yung mga reviewer ko for my last subjects para less hassle at konting memorization na lang gagawin ko.

"MAXENE!!!!!"

"Ay palaka ka! Kung makasigaw naman to akala mo nasa kabilang bundok ako!" Pagbara ko.

"Grabe to!! Anyways, after yung exam natin may pupunta dito na special guest."

"Share mo lang?"

"Girl! Madaming naglo look forward sakanya! And I'm sure, magiging interesado ka sakanila."

"Bahala ka na nga diyan!" Singhal ko bago maglakad palayo sakanya.

"Maxene!! Teka lang!!" Pagsunod niya.

2 hours later

Recess time na namin and eto, nagre review pa rin ako ng last subject ko for the examination.

Ang ayoko kasi is ma distract ako sa mga bagay na hindi naman importante.

"OMG, he's here!!" Sigaw ni Kimberly na ikinairap ko.

"Maxene!! Tara na!! Puntahan na natin siya!!"

"Sino ba yang pupuntahan mo?! Kung gusto mo pumunta sa lalaking o babaeng yan, wag ka nang mandamay ng iba! Jusko!" Sigaw ko sakanya.

"Okay, sabi mo eh." Sambit niya bago tumayo at umalis.

Hay salamat! Tumahimik na din yung buhay ko sa maingay na Kimberly na yan!

Nag review na ako ng last subject ko for exam since matatapos na din ito kaya todo bigay na ako sa pag review ko.

Sino ba yung gusto nilang puntahan?

Eh, bahala na sila kung sino man yan. Wala naman akong pakialam eh.

Nagpatuloy ako sa pagre review ng last exams ko at hinayaan ko muna sarili ko na mag focus.

After kong mag review agad na akong tumayo at dumiretso sa classroom at umupo sa pwesto ko.

"Girl, sayang! Hindi mo siya nakita!"

"Sino ba naman yang tinutukoy mo?! At ano bang meron sakanya at gustong gusto mo siyang ikwento saakin?!" Tanong ko.

"Ysmael Dela Paz! Nandito siya kanina!"

"So???"

"Ang sungit naman ni Maxene! So eto nga, let me tell you something about Ysmael. He is known as the youngest defense lawyer who won five cases at the age of 19. He won a guinness world record of the youngest defense lawyer in the world. He graduated Political Science at the age of 17 and has been viral on Facebook and Twitter all over the world." Pagkwento ni Kimberly.

"So nag accelerate siya ng elementary?!"

"No! Nag accelerate siya ng high school! Kasi sinabi ng mga teachers sakanya na his IQ is above average kaya gusto nilang ipag accelerate si Ysmael sa college." Sagot niya sa tanong ko.

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now