Nakahiga si Josh ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Martha.
"Josh uwi na tayo, pagabi na oh" sabay turo sa langit.
"Tamad pako umuwi dto muna tayo mga 10 minutes." reklamo ni Josh
Pumayag si Martha tsaka tumabi sya kay Josh habang tinitingnan nila ang papalubog na araw.
"Ang ganda ng sunset noh?" manghang sabi ni Martha.
"Oo, ang ganda nga." di alam ni Martha na sa kanya nakatitig si Josh habang sinasabi ang mga ito.
"Di lahat ng wakas ay pangit." Biglang sabi ni Martha nang tumingin ito kay Josh.
Bigla naman umiwas ng tingin si Josh ng tumingin si Martha sa kanya.
"Tara na nga baka pagalitan pako ni mama dahil matagal kitang hinatid sa inyo." Tumayo si Josh sabay hila kay Martha.
"Maka mama ka kala mo mama mo ahh" saway ni Martha.
"Syempre future mama ko sya, advance ako mag isip eh" proud na sabi nya.
Habang pauwi ay nakita nila si Vincent na bumibili ng street foods kaya naisipan nilang puntahan ito at bumili na rin ng pagkain.
"Tol!" tawag ni Josh dito.
"Oi tol pauwi na kayo?" tanong ni Vincent dto pero si Martha ang sumagot
"Oo pauwi na sana kami kaso nakita kita kaya pinuntahan ka namin. Tsaka nagugutom na rin ako di kasi ako nag lunch kaninang tanghali na busy sa thesis ehh" sabay turo sa tyan niya.
"geh kuha ka lng jan libre ko" sabi ni Vincent.
" sabi mo yan ha!" excited na sabi ni Martha sabay kuha ng kwek kwek.
"eh ako? Libre mo rin ako?" tanong ni Josh.
" Hindi si Martha lng yung di nakakain ng lunch. Kita kita kanina sa canteen. Dami pa nga nakain mo kanina ehh" asar ni Vincent.
"tsh." asik ni Josh at bumili ng kwek kwek. Tumawa ng mahina si Vincent sa asal nito tas dinilaan ni Martha si Josh. Lalong sumama ang mukha nito at napatawa silang dalawa ni Vincent at Martha.
Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na nila Josh si Martha sa kanilang bahay.
Matalik na magkaibigan sila Josh at Martha. Grade 1 nung sila ay nagkakilala kaya sila ay komportable sa isa't isa. Alam ni Martha na gusto sya ni Josh pero hindi naiba ang tingin nya rito kaya di nawala ang kanilang pagkakaibigan mas lalo lamang sila naging mas close at open sa isa't isa. Si Vincent naman ay pinsan ni Josh sa mother side nya dahil dalawa lng silang magpinsan sa ina nya ay naging mas malapit ito at parang tinuring na nilang magkakapatid ang isa't isa.
Di alam ni Josh na may gusto si Vincent kay Martha dahil tinago nya ito sa pagkakaalam nyang may gusto ito sa dalaga. Sinusuportahan ni Vincent si Josh kahit na masakit sa kanya ang kanyang ginagawa dahil mahal nya rin si Josh bilang kapatid.
Isang araw ay nagtapat si Martha na mahal nya rin si Josh. Tuwang tuwa ito at niyakap ang dalaga. Ipinaalam niya kay Vincent na sila na ni Martha.
" Congrats bro! Sayo na talaga sya." Pilit na ngiting sabi ni Vincent.
"Yeah, at hinding hindi ko na sya pakakawalan" Tuwang tuwa na pagkakasabi ni Josh.
"Uwi muna ako samin bro, tawag ako ni mama ehh may ipapagawa dw." sabi ni Vincent.
"Geh ingat bro." nakangiti pa ring sabi ni Josh dito.
Habang naglalakad si Vincent pauwi sa kanila ay di nya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha sabay sa pag buhos ng ulan.
YOU ARE READING
Beautiful Sunset
Teen FictionActually assignment to ng ate ko ako pinagawa HAHAHA... One Shot lng to kaya enjoy❤️
