Pilit kong sinasabi sa sarili ko na isa lang ‘tong masamang panaginip at magigising na din ako. Pero sunod sunod ng tumutulo ang luha ko at lalo ng lumalakas ang kalabog ng dibdib ko, hindi pa din ako nagigising.

        Wala akong dalang pera o kahit na ano. Sarili ko lang. Ako lang ang meron ako.

        Naaninag ko ang paparating na bus. Nabuhayan ako bigla ng loob. Kumaway ako gamit ang dalawang kamay. Bumagal ang andar nito at huminto sa harap ko. Nakapaskil ang malaki nitong placard at nakalagay ang ‘Cubao.’ Nilabas ng kundoktor sa pitno ang kalahati ng katawan niya.

        Lumapit ako sakanya. “Sir, tulungan niyo po ako. Parang awa niyo na,” pagmamakaawa ko sakanya.

        Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Anong nangyari sayo?”

        “Sir, kailangan ko pong makauwi sa Manila. Sir, hindi ko po alam kung nasaan ako. Wala akong pera. Wala akong cellphone. Hindi ko po alam paano ako nakarating dito. Parang awa niyo na po. Kahit dito lang ako sa may pintuan umupo hanggang makarating ng Manila,” sunod sunod at kabado kong sagot.

        Tumingin siya sa paligid bago titigan ako uli. Nakita kong nakatitig din sa akin ‘yung driver pati ibang pasahero.

        “Pasakayin niyo na ‘yan, manong,” sabi nung isang babae. “Kawawa naman oh.”

        “Oo nga. Malayo naman sa mukha ng magnanakaw o bomber,” biro ng isang lalaki.

        “Isakay niyo na. Sagot ko na pamasahe,” seryosong sabi ng dalagang may maamong mukha at mahabang buhok.

        Binuksan na ng tuluyan nung kundoktor ‘yung pinto ng bus.

        “Kapkapan mo muna,” suway nung driver sa kundoktor.

        Bumaba ‘yung kundoktor sa bus at kinapkapan ako.

        “Wala! Malinis!” Sumenyas na siyang pumasok na ako.

        Umakyat ako sa bus ng nakayuko. Hindi alam kung uupo ba o tatayo.

        “Miss,” tawag nung babaeng nag-alok kanina na magbabayad ng pamasahe ko. Tinapik niya ‘yung katabi niyang upuan. “Sayang ‘yung ibabayad ko kung hindi ka din naman uupo.”

        Seryoso ba talaga siyang sasagutin niya pamasahe ko?

        Parang nabasa naman niya ‘yung nasa utak ko at sinagot ako. “Seryoso ako. Anim na oras pa bago tayo makarating ng Manila. Bahala ka.”

        Anim na ano!? Nasaan ba ako!? Lumapit na ako sakanya at umupo. Good thing the seats have plastic covers. Basa pa din ako.

        Ramdam kong tinitignan niya ako kaya naman tumingin ako sa gawi niya. “Salamat.”

        Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. “No problem. Margaret Toffano nga pala.”

        Sinagot ko din siya ng isang ngiti. “Summer Yeo.”

        Naghalungkat siya sa bag na nasa paanan niya. Malaking backpack ito. Para bang pang-hiking. Naglabas siya ng tuwalya at inabot sa akin. “Gamitin mo. Basang basa ka. Mamaya pulmunyahin ka pa dahil sa lamig ng aircon.”

        Kinuha ko ito at pinulupot sa akin. “Salamat. Ulit.”

        “No problem. Ulit.”

Undercover QueenWhere stories live. Discover now