Punong puno ng kaba ang puso ko. Sunod sunod ang tulo ng luha ko. Hanggang sa lamunin na ako ng tubig at dilim. Nakalubog na ang ulo ko sa malamig na tubig. Sinubukan kong lumangoy paangat ngunit hinihila lang ako ng kadenang nakakabit sa aking paa.

        Ginamit ko ang natitira kong lakas at hangin para sumisid at tanggalin ang kanang sapatos ko. Hinawakan ko ang shackle ng dalawang kamay at pilit na tinatanggal ito sa aking paa. I tipped my toe and pushed the shackle to my ankle. Pilit ko itong nilulusot sa aking bukong bukong. Kahit masakit, pinilit ko itong matanggal. I wince as I feel the pain from the top of my ankle.

        I’m running out of oxygen and if I won’t sacrifice, I’ll surely die. Mas pinuwersahan ko ang pagtulak sa shackle. Then it finally came off.

        Agad akong lumangoy paahon at huminga ng malalim. Sunod sunod na malalim na paghinga ang ginawa ko. After I fill my lungs with air and my eyes adjust in the dark again, I swim towards the pool stairs, trying to endure the pain on my ankle.

        I climbed off then sit beside the pool. Tinignan ko ang paa ko. A bleeding wound on the top of my ankle. Tinignan ko ang paligid. Tumayo ako at humanap ng malalabasan. Beside the right bleacher is a door.

        Naglakad ako palapit doon at napansin ang papel na nakadikit dito. Kinuha ko ito at humanap ng tamang liwanag para mabasa ang nakasulat. A typewritten letter.

        Congratulations if you made it alive. It’s either you have a wounded ankle or a fresh hand sawed leg. This one serves as a warning. Continue what you’re doing, then you’ll be dead in no time. No more games. No more challenges.

        The key for this door is one of the keys on the bundles you’ve found in the pool. Take your time in finding it. Good luck, Officer Yeo.

 

        My lips tremble in anger. My fists balled up and the paper crumpled.

        Paika-ika akong naglakad pabalik sa pool. Malapit na itong mapuno at umapaw. Instead of diving into the pool again, I search for items that I can use to open the door. Sa dulo ng pool, sa may poste ng bleachers, nakasandal ang kinakalawang na folding steel chair. Nilapitan ko iyon, binato ko ‘yung papel at kinuha ‘yung upuan.

        Pagbalik ko sa pinto, ginamit ko ito para sirain ‘yung door knob. Paulit-ulit ko itong hinampas hanggang tuluyang masira. Binaba ko ‘yung upuan ng matanggal na ito. Agad kong binuksan ang pinto.

        Hindi ko alam kung nasaan ako. All I see is an open field. Naglakad ako palabas at inikot ang paningin ko. Kadugtong ng pinanggalingan ko ay isang sunog na gusali.

        Naglakad ako patungo dito at tinignan ang loob. Sa kabilang dako ng gusali ay isang kalsada. Pumasok ako sa gusali at tumawid palabas.

        Puro puno at malawak na kalupaan sa paligid. Tanaw ko ang bundok sa gawi ng kabilang kalsada. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala ni isang clue. Gabi at puro sasakyan na lang ang dumadaan.

        Paika-ika akong naglakad sa gilid ng kalsada ng yakap yakap ang basa kong katawan. Malamig ang simoy ng hangin. Ilang beses kong sinubukang pumara ng sasakyan ngunit walang pumapansin sa akin.

        Naiiyak ako. Natatakot. Kinakabahan. Bumabalik sa akin ‘yung mga sandaling naaksidente kami ni Gyno. Ganitong ganito ‘yung pakiramdam ko noon.

Undercover QueenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu