22: Plan

138 11 2
                                    

Dahan-dahan itong lumapit sa'min habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nang makalapit, inilipat na nito ang tingin kay bubwit at pumantay sa tangkad ng huli.

"I told you, she will be here" nakangisi nitong sabi kay bubwit. Nakakunot-noo akong nakatingin sa kanila. Ramdam ko ang namumuong galit sa kaloob-looban ko.

Did he planned this? What was he trying to do? If para lang iparamdam sa'kin muli ang pagiging tanga ko katulad noon, he's an asshole.

After what he did to me, mayro'n pa s'yang ganang gantuhin ako.

Walang emosyon kong binitawan ang kamay ni bubwit at tumalikod sa kanila para maglakad papalayo.

Unti-unting bumalik sa'kin ang mga nangyari no'n. And I was really really stupid back then.

And that child...

Wala sa sariling napailing ako. That man. How could he? Alam n'ya kung ano ang nangyari sa'kin, then he used their child to lured me? For what? Di pa ba sapat ang ginawa nila sa'kin noon?

Nagmamadali akong lumabas ng venue. I can't. I thought these past few years ay kaya ko na. But no, I was wrong.

Ngunit bago pa ko tuluyang makalabas ay tinawag ako ni dad na s'yang nagpatigil sa'kin.

Right.

I'm here for him. I forgot.

Agad akong dumiretso kung nasaan si dad at paglapit ko ro'n kita ko ang pagkunot ng noo nito na tila parang alam na nito kung ano ang nangyari sa'kin. Kaya agad akong napasulyap sa secretary nito bago ibinalik ang tingin kay dad.

"Are you alright anak?"

"Yes I am dad" sagot ko sabay ngumiti ng pilit. No, I am not okay. I want to get out of here, but I can't.

Nag-aalala itong nakatingin sa'kin bago napunta ang tingin nito sa kung ano o sa madaling salita, sino sa likuran ko. And I know who is it. Ramdam ko ang paglamig ng pakiramdam ko.

Why can't he just leave me alone?

"Mr. Bennett" bati ni dad

"Sir" sagot nito. Ayokong humarap. Ayoko s'yang makita.

Nakita kong bahagyang yumuko si dad at may kung anong inabot ang kamay n'ya. Kaya tinignan ko 'yon at tumambad si bubwit na nakatingin lang kay dad. Hindi ito nakangiti. Blangko ang kanyang emosyon.

Ngayon ko lang nakitang ganyan si bubwit. Pinagmasdan ko ito. Kamukhang-kamukha talaga ng tatay. Pero kapag ganyan ang itsura n'ya, may pagkahawig sa nanay. Bakit di ko napansin 'yon noon?

Marahang ginulo ni dad ang buhok ni bubwit at saka ito binati.

"Happy birthday little bennett. You grow up so fast" nakangiting saad ni dad habang umiiling-iling pa. Bahagyang kumunot ang noo ni bubwit bago lumingon sa'kin.

Sandali ko lang s'yang tinignan bago ko walang emosyong iniwas 'yon.

Alam kong walang kasalanan si bubwit sa kung anong ginawa ng magulang n'ya, but I can't look at him. Naalala ko lang sila, and it's making me mad.

"Excuse me" paalam ko bago naglakad palayo ro'n. Hinanap ko ang comfort room at nang makita, dali-dali akong nagpunta do'n.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at umupo ro'n. Parang ayoko ng lumabas, hindi ko talaga kaya.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto habang may nagtatawanang babae ang pumasok dito.

"That's funny" utas ng isang babae.

"Anyway, alam mo bang andito 'yung ex ni Benj" sambit naman ng isang babae na nagpataas ng isang kilay ko. Pamilyar ang boses ng babaeng 'to.

"Really? Who?"

"It's L.A."

"You mean the only child of Mr. Clare?"

"Yeah, and I heard hindi pa daw s'ya nakaka-move on sa nangyari no'n. Well masyado naman kasing naging malaki ang issue about sa kanila dati, kaya kahit siguro ako di ako makaka-move on noh"

Napangisi ako. Whose source is it? Ang galing naman pala.

"Oh I know that story! Masyadong malaking eskandalo 'yon noon"

"But well, deserved n'ya naman 'yon. Masama daw kasi ang ugali ni girl. Mabuti na nga lang at hindi s'ya ang pinili ni Benj" sambit ng babaeng nag-umpisa ng kwento. "Ang lakas lang ng loob n'yang pumunta dito, kung ako s'ya mahihiya ako at 'di na ko magpapakita sa kanila kahit kailan" patuloy pa neto kaya tumayo na ko at malakas na tinulak ang pinto ng cubicle.

"Too bad, you're not me. And will never be" sambit ko at pumunta sa lababo upang maghugas ng kamay.  "I didn't know you're that type of woman. I mean, you have a very, very big mouth. I wonder kung alam 'yan ng agency mo" pagpapatuloy ko pa bago ipinagpag ang basang kamay at naglakad palabas.

"Don't worry, ako na ang magsasabi sa kaibigan ko" utas ko bago tuluyang makalabas. Napairap na lang ako sa kawalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bitchy TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon