19: Fuentes

91 7 2
                                    

After ng una kong klase, agad akong nagpunta sa room ng mga performing arts students.

I saw them discussing with each other but when they saw me, agad silang nagsibalikan sa kani-kanilang upuan.

Hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin at blangkong naglakad patungo sa mesa. Nilapag ko muna ang lahat ng aking gamit, bago ako tumingin sa kanila ng seryoso.

"So are you all ready?" umpisa ko. Tahimik lang ang mga ito. "Pass me a paper at isulat nyo do'n ang mga members ng team n'yo. This time, we will do a random sequence. Walang group 1, group 2 or group 3. Kung sino ang una kong mabubunot, sila ang mauuna. Nagkakaintidihan ba tayo?" pagpapatuloy ko. Bakas man ang pagprotesta sa kanila, eh wala namang tumutol sa sinabi ko. Good.

Ginawa ng mga ito ang sinabi ko, nang makuha ko ang tatlong papel, itinupi ko muna iyon at nilagay sa maliit na box. Nakasunod lang ang tingin nila sa ginagawa ko at halatang kinakabahan ang mga 'to. They should be. Their grades are stake at here.

Ngunit bago pa ko bumunot ng unang magpe-perform, may biglang pumasok ng room at padabog pang sinarado ang pinto. Saka pabalag at basta-basta na lang umupo sa dulong upuan ng classroom na 'to.

Hindi ko maiwasang mapataas ang isang kilay. Who's this young lady? I never saw her attending my class before.

Napatingin din sa kanya ang mga classmate nito, ngunit di n'ya 'yon pinagtuunan ng pansin at basta na lamang nagsalpak ng earphone sa magkabilang nitong tainga.

What a good student she is.

Ngumisi na lang ako at umiling, bago inilapag ang maliit na box sa ibabaw ng mesa.

Dahan-dahan akong lumapit dito habang nagce-cellphone pa ang estudyanteng 'to.

Nang makalapit, agad kong tinanggal ang earphone n'ya at kinuha ang phone nito.

"What the f*ck?" singhal nito bago tumingin sa akin ng masama. Napansin ko pang nagbulungan ang mga estudyante, ngunit di ko 'yon pinansin at seryosong tumingin dalagitang nasa harap ko.

"First, when you are in my class, phone is not allowed so I'll confiscate this. Second, being late is a big no for me. And third, I don't remember you attending my class before so can you introduce yourself little miss?" utas ko sa malamig na tono. Tumaas naman ang isang kilay nito at nilagay pa sa magkabilang braso ang kamay.

"I don't want to, so bring back my phone before I get angry big miss" utas nito at saka ngumisi.

Gusto kong umiling. What a spoiled brat.

"I'm afraid I may disappoint you little miss. I don't take any order from my student" utas ko at tumalikod na dito. Pero bago pa ko makalayo, naramdaman kong may bumato sa'kin kaya agad ko iyong tinignan.

Papel na nakabilog ang ibinato sa akin. Blangko ko iyong tinignan bago tumingin sa gumawa no'n.

"Oopps, my bad" sambit nito na natatawa pa.

Tinignan ko ang nameplate nito bago nagsalita.

"If I remember, you're family is the head of clean and green organization. But I'm surprise that their little miss is fan of littering" utas ko dito. Nawala ang ngisi nito at tumingin sa paligid. Mas lalong nag-bulungan ang mga estudyante kaya agad kong inilibot ang tingin sa kanila.

Nanahimik naman ang mga ito ng makita ang ginawa ko.

"Who are you?" tanong nito at masamang tumingin sa akin.

Hindi ko ito sinagot at naglakad pabalik sa desk ko. Itinabi ko muna ang phone at earphone nya, bago muling tumingin sa dalagita.

"I am just a teacher Ms. Fuentes" simpleng sagot ko dito. "And please, pick up your trash and throw it on the garbage. It's not fit on your surname little miss" pagpapatuloy ko saka kinuha na ang maliit na box.

Her reaction is normal. Sa mga ordinaryong pamilya or mediocre family, maaaring hindi nila alam 'yon. But to those family in upper class, some of them knew that Fuentes has a secret daughter. So it's really a suprise kapag nalalaman ng iba.

The Bitchy TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon