Episode 6 : Unforeseen turn of events

Start from the beginning
                                    


She's gone.

Alam kong may oras na mawawala rin siya universe na 'to, pero hindi ko in-expect na ngayong araw na mismo 'yon. Halos wala pa siyang isang araw na nandito sa mundo na 'to pero bigla na agad siyang nawala.

Hindi ko alam kung saang law o theory nakapaloob 'to dahil wala pa rin namang malinaw na konsepto ang parallel universe. Ang alam lang naming lahat, hindi nag-iisa ang mundong ginagalawan namin. The multiverse is open and any moment from now, it can trigger a massive destruction in this universe. Kaya kailangan na naming maka-alis agad sa mundo na 'to.

But the fact that we have to live with another universe, feels like we're also invading and conquering another land. That's why I've been trying to study the pattern of parallel universe from the very beginning. From its theory, to actual findings.

Gusto kong malaman kung may paraan ba para mapanatili ang mundo namin.

"Bossing!"

Nilingon ko agad ang tumawag sa akin.

"Nasaan na si Astra?" sabi niya habang nililingon ang bawat sulok ng paligid malapit sa talon.

"I guess she's back to her world," tangi kong saad bago ko isuot ang medyas at sapatos ko. Alam kong nagtataka rin siya gaya ko kung paano biglang nawala si Astra, pero hindi na lang niya tinanong dahil alam kong alam niya na hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na 'yon.

Instead of dwelling onto the questions I can't answer, nagsimula na lang akong maglakad at nilampasan lang si Linn. 

"How's your tribe? Did you get any information?" tanong ko habang naglalakad papanik sa kung nasaan ang pamilya ni Linn.

Ramdam ko na nakasunod siya sa akin.

"Negative bossing. Hindi rin nila alam kung anong binabalak ng mga diwata. Ang alam lang nila, palihim na tinitipon ng mga natitirang diwata ang mga kalahi namin, kabilang na ang iba pang elemento at nalalabing espiritu," sabi ni Linn.

Lately, something's wrong with the deities and spirits. Hindi ko rin alam kung anong pinaplano nila, pero kailangan kong malaman kung ano mang binabalak nilang gawin. Whether it's good or bad, I'm still concerned with it. Last time na nagkaro'n ng alitan between the deities and the man, hindi naging maganda ang kinalabasan. 

I won't let a war between two races happen again.

Nanatili akong tahimik hanggang makarating kami sa tuktok ng gubat. Nag-uusap-usap ang mga vulpes, at halata sa mga itsura nila ang pagkaseryoso. 

Nang maramdaman nila na dumating ako, tsaka sila sabay-sabay na tumayo at marahang yumuko. "Kamahalan, paumanhin ngunit wala kaming gaanong nalalaman sa plano ng mga diwata at engkanto," sabi ng nakakatandang vulpes. "Ngunit alam namin kung kailan sila muling magtitipon-tipon," dagdag ng matanda.

Napatingin ako kay Linn bago sabihin ng matandang vulpes ang nalalaman nila.

***

"Bossing, bakit pala ayaw mong ipaalam kay Astra na ikaw ang crown prince ng bansa na 'to? Buti nasabihan ko agad sila mama kaya umakto sila na parang wala lang nang dumating kayo ni Astra kanina. Tingin ko alam naman na niya," sabi ni Linn sa akin habang nagmamaneho siya ng sasakyan. Babalik kami ngayon sa studio dahil may mga kailangan akong ayusin bago bumalik sa palasyo.

Napatingin ako sa labas ng binatana habang binabagtas namin ang daan patungo sa studio. Umuulan kaya basa ang kalsada. Napatitig na lang din ako sa salamin kung saan pumapatak ang mga butil ng ulan.

"Alam man niya o hindi, ayokong ako mismo ang magsabi sa kaniya sa estado ng buhay ko sa mundo na 'to. May tamang panahon para pag-usapan ang bagay na 'yon," sagot ko bago manatiling tahimik.

Fragments of the UniverseWhere stories live. Discover now